DISCLAIMERS

40 4 2
                                    

Marami akong masusulat dito na baka magkapare-pareho ang mga disclaimer (feeling ko) na kakailanganin, kaya uunahin ko nang ilabas lahat dito, para hindi ka makabasa ng paulit-ulit na disclaimer.

DISCLAIMER # 1: I have nothing against Accountancy. Ang totoo e medyo trip ko pa rin naman 'yung mga concept na natutunan ko sa pag-aaral n'on. Talaga lang mas gusto kong magsulat kaysa "magbilang".

DISCLAIMER #2: Hindi ko alam kung tama pa 'yung mga naaalala ko na mababasa mo dito, but that's how I remember them so take it with a grain of salt.

DISCLAIMER #3: Opinyon ko lang 'tong mga mababasa mo dito. Masyado nang marami at kailangan ko nang ilabas--sumasakit na kasi 'yung tiyan ko. Meaning? Mabaho mababasa mo. Kung mahina ang sikmura, 'wag nang ituloy ang pagbabasa. Pero kung adik ka tulad ko, welcome ulit!

DISCLAIMER #4: Don't take anything here as advice. Magkukwento lang ako tungkol sa akin, hindi magtuturo. Kung gusto mo ng advice sa pagsusulat ng libro, 'wag kang makikinig sa hindi pa nakakapag-publish ng libro.

DISCLAIMER #5: Araw-araw-araw akong nagsusulat, hindi ko nga lang nailalagay dito sa Wattpad madalas. Asahan mo nang hindi 'to malalagyan lagi ng laman; sa mga ganoong pagkakataon, it's safe to assume na nagsusulat ako ng kwento. Asahan na rin ang malalakas na ulan dahil sunod-sunod na ang malalakas na bagyo.

DISLCAIMER #6: Malaya kang mag-isip ng kahit na ano sa series na 'to, kasi nga "open for interpretations". 'Wag matakot sa sariling utak; kilalanin ang sarili at kontrolin ito.

DISCLAIMER #7: Wala akong formal education sa pagsusulat, kaya marami kang matatagpuang nakakatisod na mga grammar dito, mga maling spelling, mga misplaced punctuations. Ilan sa mga 'yun sinasadya ko (oo, kahit 'yung nasa cover, nyahahaha).

DISCLAIMER #8: Hindi ako sanay sa rhetorics. Logical fallacies, inconsistencies, blah blah blah. Wala akong alam sa mga 'yan. Pero syempre, gusto ko pa ring matutunan 'yung mga 'yun, tulad ng gusto kong matutong magluto. Maraming bagay hsskdnlnng ikaw na nagbabasa nito: sinusumpa kitang basahin ang mga susunod pang entry dito! I-vote ang unang limang entry para matanggal ang sumpa, o mapipilitan kang magbasa ng mga ideyang hilaw hanggang sa masuka ka.

DISCLAIMER #9: Hindi kailangang sampu ang maging disclaimer sa mga kwento mo.

DISCLAIMER #10: Kwento ko 'to. My own... my precious. At minsan, kailangang itapon sa nagbabagang lava ang my precious para tumigil na sa panunukso. Meaning, hindi ko pwedeng ikwento lahat ng tungkol sa akin dito, para may dangal pa rin akong maiiwan kahit papaano.

Open for InterpretationsWhere stories live. Discover now