CHAPTER 1: THE MOST IMPORTANT MEETING OF HIS LIFE

9.6K 134 16
                                    

TRIPLE DANGER: Treacherous Couple!

CHAPTER 1: THE MOST IMPORTANT MEETING OF HIS LIFE

GLAZY's POV:

9:29 pm

Isang minuto na lang talaga at makakalbo ko na ang lalaking yun!

Kanina pa ako pasilip silip sa bintana para makita kung padating na sya, pero mukhang wala na talagang pag-asa.

9:30 pm

Time is up!

"Gun umakyat ka na sa 'taas. Gabing gabi na, matulog ka na. Yaya patulugin nyo na si Gun!" I said at aktong liligpitin ko na ang mga libro na nasa lamesita.

Hindi ko na napansin na nasa tabi ko na pala si Gun.

"Mommy.." Hinihila nya ang laylayan ng damit ko at mukhang anytime babagsak na ang mga luha mula sa mga mata nya.

I kneel down para magkasing height na kami. Then I hold his little hands.

"Baby don't cry. I promise, tomorrow uuwi ng maaga si Daddy. Is that okay?" Patay ka talaga sa aking lalaki ka! I'll make sure na bawat luhang pumatak mula sa mga mata ng anak ko, pagsisisihan mo!

Tumango sya ng sunod sunod. Pero isang kisapmata lang nya ay dumaloy na ang mga luha sa pisngi nya.

Pinunasan ko ang mga luha nya gamit ang palad ko.

Gabi gabi na lang bang iiyak ang anak ko?!

Nakakainis ka na talaga Kelvin!

"Gun?" Pareho kaming napatingin ni Gun sa biglang nagsalita.

It's him.

Alam naman nya sigurong 3 hours syang late!

"Daddy!" Tumakbo si Gun palapit sa drawing nyang tatay.

Ibinato ni Kelvin sa sofa ang briefcase nya atsaka lumuhod para salubungin ng yakap ang anak nya.

"Why are you still up? Hinintay mo ba si Daddy?" Lokong to! At nagawa pa talaga nyang magtanong huh!

"Yaya, iakyat nyo na si Gun sa kwarto nya." I said dahil alam kong nasa likuran ko na ang yaya ng anak ko.

Automatic na napatingin sa akin si Kelvin.

Tumayo sya at binuhat si Gun.

"Ako na ang magpapatulog sa kanya." Mukha mo!

"Hindi yaya! Kunin mo na si Gun! Ikaw ang magpapatulog sa anak ko." Madiin kong sabi.

"Wifey--"

"Pagod ka di ba?" I asked cutting him off.

Nagform ng small arc ang mga labi nya at alam ko kung anong kalokohan ang iniisip nya ngayon.

Hmp! Feelingerong palaka!

Tinanguan ko si Yaya Cel atsaka nya kinuha kay Kelvin si Gun.

Well hindi na naman umangal si Gun dahil ang pungay pungay na ng mga mata nya. Halatang antok na antok na.

Nang umakyat na sila sa taas, agad na lumapit sa akin si Kelvin.

Hindi ko na nagawang makaiwas sa mahigpit na yakap nya mula sa likuran.

Baluga! Akala mo madadaan mo ko sa paganyan ganyan mo na naman?!

"Kelvin tumigil ka." warning ko sa kanya. Ba naman, pupugin ba ako ng halik sa leeg?! Nakakahiya kapag may nakakita sa amin na maid dito!

Triple Danger: Treacherous Couple! (COMPLETED)Where stories live. Discover now