Twelve

304 5 0
                                    

Twelve

Tahimik kaming dalawa ni Love na umupo sa upuan, maya-maya ay unti-unti ng dumarami ang mga tao at estudyanteng dadalo sa seminar. Nafocus ang sarili ko saaking phone. Maya-maya ay nabaling ang atensyon ko sa taong tatabi sa tabi ko, hindi ko pa siya ganuon ka kita dahil sa nakatalikod ito saakin ngunit biglang napawi ang emosyong inilalabas ko ng makitang si Liam ito.

Kaagad kong inilipat ang paningin ko sa iba upang hindi ko maramdaman ang presensya ngunit huli na ako. Tuluyan na siyang nakaupo sa tabi ko.

Napalunok ako habang kinakalabit ang nakikipagkwentuhang si Love na nasa tabi ko.

"Bakit?" tanong niya saakin.

"Palit tayo ng pwesto." bulong ko sakanya. Napatingin siya sa tabi ko at pilyong ngumiti. Tumayo na siya para makapagpalit kami ng pwesto.

Inibahan niya pa ng ngiti si Liam habang nagtataka itong nakatingin saamin.

Naging payapa ang seminar kahit na distracted ako sa presensya niya, nagawa ko paring makinig. Gabi na ng iniluwa kami ng Auditorium na iyon.

Kumapit kaagad saakin si Love habang papalabas na kami ng School.

"Sa labas nalang tayo kain?" alok niya saakin. Ngumiti lang ako at tumango.

"Saan mo gusto? Treat ko..."

"Ikaw na ang bahala..." Naglakad kami sa malapit na karinderia. Hinayaan kong umorder si Love ng aming makakain at magisa kong inalisa ang kabuuan ng lugar. May natatanaw akong malapit na Park.

Hindi ko maiwasang hindi ihakbang ang aking mga paa at magisang naglakad patungo doon.

Naupo ako sa swing habang nilalanghap ang sariwang hangin. I reminded of him, again.

-Flashback-

"Liam, itong park na ito ang palagi nating meet up sa lahat ng lakad natin." Nakangiti kong sabi sakanya. Walang nagawa si Liam kundi ang tumango sa sinabi ko.

Sabay kaming naupo sa swing at pataasang nilalaruan ito.

Dalawa rin kaming naglalaro ng tagu-taguan at habul-habulan habang nagpapalipas ng oras na magkasama.

-End of Flashback-

Everythings was so extra ordinary, everything was so perfect that time when there is only me and you exist.

Magisa kong pinapaandar ang sarili kong inuupuan habang masayang inaalala ang mga ala-alang iyon.

Biglang sumulpot si Lovely sa tabi ko.

"Its good to see you like this." Ika niya. Ngumiti ako ng tipid sa sinabi niya.

At naupo na din ito sa kabilang swing.

"And I'm hoping na sana palagi kang ganito." Pareho kaming nakatanaw sa payapang kalangitan habang nagkikinangan ang mga bituin sa langit.

Matapos ng ilang minuto ay kumain na din kami at tuluyan ng umuwi ng Apartment.

Dala na rin siguro ng sobrang pagod ay maaga kami nakatulog.

Tanghali na ako nagising kinaumagahan dahil wala akong schedule sa school tuwing friday kaya full time ang schedule ko sa trabaho. Nauna akong magising sa mahimbing parin na natutulog na si Love, nagiwan na lamang ako ng note at tuluyan ng nagpaalam.

Dali-dali akong sumakay ng jeep para makapasok at hindi malate, malalagot na ako kay Sir James nito dahil hindi ako pumasok kahapon.

"Good Afternoon." Bati ko sakanilang lahat.

Regrettable LoveWhere stories live. Discover now