Fourteen

278 7 0
                                    


Fourteen

Walang gustong magsalita saaming dalawa habang pareho kaming nakasukob sa kanyang payong, kanina pa ako napapalunok dahil nagdidikit ang basa naming braso sa isat-isa.

"Ihatid mo nalang ako sa sakayan ng jeep. Ka-" pinigilan niya kaagad ako sa pagsasalita.

"Ihahatid na kita." madiing sambit niya kaya wala na akong nagawa kundi ang sundin siya.

Maya-maya ay nagtama ang mga tingin naming dalawa ngunit mabilis kong iniwas ang akin.

"May pasok ka bukas?" biglang tanong niya saakin.

"W-Wala." tipid na sagot ko.

Hindi na ulit siya nagsalita kaya tumahimik nalang din ako. May nadaanan pa kaming Park at sabay na natigilan.

Bahagya may umukit na ngiti sa labi ko at tumingin sakanya, nakatingin na pala siya saakin.

"I'm sorry again Billy..." mahinahong sambit niya saakin.

"Diba sinabi ko naman sayong hindi mo kasalanan iyon, I am thankful because narito tayo ngayon. Living well." Ngumiti siya.

"at pinipilit na mabuhay..." inihakbang na ulit namin ang aming mga paa.

"And about what I've said to you in the cafeteria, I'm really sorry."

"Wala yun, alam ko naman at naiintindihan ko." Huminto ako sa paglalakad at seryosong tinitigan siya, kasabay din nuon ay ang pagtigil nang pagbagsak ng ulan.

"So friends? Again?" inilahad ko ang aking kamay sakanya, and it feels like we are going back in our Elementary days.

Ngumiti siya ng malapad at tinanggap ang aking kamay na nakalahad.

It is so magical, parang biglang huminto ang ulan at tanging ngiti niya lamang ang nakikita ko.

And I hope that our broken heart will be healed, this time.

~*~

Pagod kong ibinagsak ang aking katawan sa kama habang may sumilay naman na kakaibang ngiti kay Love.

"What happen..." inangguluhan niya pa ang mukha ko gamit ang kanyang kamay na para bang camera.

"Wala." kibit balikat na sagot ko.

"E, ano nga?" pangungulit niya ulit.

Hindi ko padin siya pinansin bagkus ay kumuha ako towel at gamit para makapagpalit na ng pantulog.

"Nagkita ba kayo ni Liam?" natigilan ako sa paghakbang at tumingin sakanya.

Mas lalong nagdiwang ang kanyang ngiti. "Tama ako diba?" pannukso niya saakin.

"Hindi ah..." at tuluyan na akong pumasok sa loob.

Ilang beses kong binasa ang mukha ko para makasiguradong hindi ba ako nananaginip, ayokong ipasok ang sarili ko sa alam kong imahinasyon lang pala ang lahat.

Pero hindi, totoo.

Pasimple akong lumabas ng banyo at nakaabang pa din ang curious na si Lovely.

Regrettable LoveWhere stories live. Discover now