Thirty Nine

198 5 0
                                    

Thirty Nine

Billy Christia POV

Inis na inis akong nakarating sa condo unit ko, hindi ko alam kung nakakailang buntong hininga ako dahil sa dala dala kong galit.

Hindi ko na nga napansin na naiwan ko pala doon si Liam. Napangunahan na kasi ako ng galit.

Tamad kong binuksan ang aking refrigerator para tumingin ng makakain ng biglang mas lalong nagdiwang ang isip ko ng may makita akong alak doon.

Inilabas ko ito isa-isa at ipinatong sa mesa sa may sala. Binuksan ko na din ang television at nagtungo sa loob ng kwarto upang makapag-palit ng pang bahay.

Kinuha ko lang ang phone ko at tuluyan ng lumabas ng kwarto, naupo ako sa sahig habang naghahanap ng magandang palabas sa tv. Binuksan ko na rin ang isang in-can na beer at iniinum ito.

Maya maya ay biglang umalingaw-ngaw ang doorbell ngunit hindi ko pinansin ito. Ipinagpatuloy ko lang ang panunuod ko at pag-inom.

Mapakla akong napangiti ng makita kong nakapasok na sa loob si Lovely. Hindi ko siya pinansin. Hinayaan ko siyang maupo sa tabi ko habang may dalang isang bucket of fried chicken.

"Sorry I didn't mean to-" tiningnan ko siya ng masama.

"B-Bigla lang kasing pinigilan ako ni Mom to tell you the truth since kaggaling mo lang ng accident."

Itinungga ko ulit ang beer.

"Hindi ko naman intensyon na itago sayo pero kasi si Mom, ayaw na ayaw niyang sinasabi sayo ang about kay Liam.... and Im sorry for not telling it to you." Nakayuko siya habang hindi magawang tumingin ng diretso saakin.

Biglang lumambot ang puso ko.

"Alam mo naman si Mom, over protective iyon pagdating sayo. Kaya wala akong magawa kundi sundin siya." I hug her, bigla akong nahiya. Ako lang din pala ang iniisip nila.

Bigla kaming nagtawanan sa mga pagtampo-tampo naming dalawa, kumuha ako ng isang chicken at pinapak iyon samantalang siya naman ay kumuha ng in can at binuksan ito. Nag-cheers pa kaming dalawa.

Pareho kaming nagtatawanang dalawa sa comedy na pinapanuod namin ng bigla siyang matigilan at tarantang tumingin sakin.

"Teka nakalimutan ko, nasa baba nga pala si Liam, naghihintay. Nakalimutan ko."

Agaran akong napatayo sa kinauupuan ko.

"Kanina pa?" Tumango tango siya.

"Siguro mga 2 hours na, sorry nakalimutan ko. Ang nasa isip ko lang kasi ay yung mga sasabihin ko sayo tapos naaliw na din ako sa pagiinom kaya nakalimutan ko." Dali-dali akong lumabas ng unit at hindi na pinansin ang suot kong pajama.

Pagkalabas ko ng condo ay umuulan pala. Hinanap ko siya roon ngunit wala akong makitang bakas niya, sumilip ako sa may pool pero wala din ito. Huli kong tiningnan ay ang Park at napahinto ako ng makita ko siya roon, nakaupo sa may swing habang nagpapakabasa sa ulan.

"Liam!" Tawag ko rito pero hindi niya ako marinig.

"Liam!" Hindi padin siya lumilingon. Kapag humakbang ako ng isa pa ay tuluyan na akong mababasa. Hayst, bahala na nga. Sa huling pagkakataon ay luminga-linga ako at nagbabakasaling may naligaw na payong pero wala parin.

Tuluyan ko ng inihakbang ang mga paa ko patungo sakanya, tumayo ako sa harap niya habang nababasa na ng ulan.

"Baliw ka ba? Bakit ka nagpapakabasa sa ulan!" Bulyaw ko ng magtama ang mga paningin naming dalawa.

"Tara na, baka magkasakit pa tayong dalawa. Pagod ka pa naman sa pagtatrabaho maghapon, masama sayo yun." Hindi padin siya tumatayo at nakatitig lamang saakin.

"Liam? Liaaaam." Natigilan ako ng bigla niyang hawakan ang mga kamay ko ng mahigpit.

Hindi padin siya nagsasalita, umupo ako at pumantay sakanya para mas lalo kong maklaro ang mga mata niya.

Is he crying?

Hindi ko malaman kung sa mata niya ba nanggagaling ang mga patak ng tubig na iyon o sa ulan.

"Bakit?" Malambing na tanong ko sakanya.

"Billy..." mahinang tawag niya ng pangalan ko.

"Uhm." Napalunok siya at seryosong tiningnan ako sa aking mga mata. Isinakop niya rin ang isa ko pang kamay at mahigpit na hinawakan.

"Can I borrow you for 12 hours tomorrow? Please..."

Ano bang mangyayare sakanya? Why all of a sudden iba ang binibigay saakin ng mga mata niya? At sinasabi niya.

"Para saan?"

"Can I date you tomorrow for 12 hours?" Bigla akong kinabahan sa sinasabi niya.

Hindi ko siya maintindihan pero binigay ko ang gusto niya, tumango ako bilang tugon.

And then he hug me so tight na para bang ano mang oras ay mababali na ang buto ko, he even kissed me in my forehead.

Tiningnan ko siya ng kakaiba.

"Thank you." Bulong niya.

Why he sound like he's leaving me after yesterday? May nangyare ba sakanya when he's waiting for me?

Tinanggal niya ang kanyang basang basang jacket at ipinatong sa ulo ko. Nagtataka parin akong nakatingin sakanya.

Tumayo na siya at inalalayan ako sa pagtayo.

Biglang sumigla ang kanyang ekspresyon ng ihatid ko siya sa sasakyan niya.

"Nga pala the reason why I came to your office kanina is gusto ko lang sanang magpasalamat sayo, maganda ang naging feedback ng magazine mo. Congratulations"

Lumapad ang kanyang ngiti.

"Of course it is you who works hard, nag-pose lang naman ako doon at konting sagot lang ang ginawa ko sa interview."

"Pero dahil sayo padin iyon." Sumuko na siya sa sinabi ko at tuluyan ng nagpaalam at pumasok sakanyang sasakyan.

"I'll pick you by 12 noon tomorrow." Ngumiti ngiti na lamang ako at tuluyan na itong naglaho sa paningin ko.

Pumasok na din ako sa loob ng Building habang nakakaramdam na ng lamig. Hindi ko din nasauli ang jacket niya, bukas ko nalang iaabot ito.

Habang nasa elevator ay pilit na nage-echo sa isip ko ang sinabi niya.

"Can I borrow you' for 12 hours tomorrow?"

Unti-unting lumalabas ang ngiti sa labi ko, at naiinis ako dahil hindi ko mapigilan ang aking ekspresyon habang pinagmamasdan ko ang aking sarili sa salamin.

Pagkapasok ko sa unit ko ay nakahalukipkip kaagad na si Lovely ang sumalubong ko.

"Whats with that smile? At bakit basang basa ka?!."

"W-Wala." Pagtangi ko.

"Billy, huwag mo akong niloloko. Ano nga?"

Mas lalo akong napangiti at hindi ko na ito maitago sakanya.

"M-May date ako bukas." Nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ko at kaagad na naexcite at lumapit saakin.

"T-Talaga? Sino? Si Liam?" Hindi ako nagsalita at nagmamadaling iniwan siya roon. Nagtungo ako sa banyo upang makapag shower. Hindi padin mawala wala ang kilig sa aking labi dahil sa nangyare.

"Si Liam no! dito palang kitang kita ko ang mga ngiti mo rito habang naliligo" daldal ni Lovely habang nasa labas ng banyo. Napalinga-linga ako, may cctv ba dito sa loob ng banyo at nalalaman niya ang nangyayare saakin?

I smile again looking in my self in the mirror, Billy you are seriously falling in love with him again.

VOTE, COMMENT

Regrettable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon