Six

348 10 0
                                    

Six

Inilugay ko ang mahaba kong buhok habang nag-aayos sa pagpasok sa tabaho. Dahan-dahan din ang aking paglalakad para hindi ko magising ang himbing na natutulog na si Love.

Sa huling pagkakataon ay kinuha ko ang phone ko na nasa tabi niya. Nagising siya.

"Papasok ka?" Tanong niya habang nakatingin sa orasan na nasa tabi niya.

"Ou." Sagot ko.

"Ganito ka aga? Alas singko palang." Aniya.

"Naka-schedule kasi ako, magkita nalang tayo mamaya sa school. 1 pm pa pasok ko." Sabi  ko habang kinuha na ang phone na nasa ilalim ng unan.

"Pero diba ang sabi sayo ni Nurse, ipahinga mo muna ang katawan mo."

"Naitulog ko na, okay na yun." Sambit ko at tuluyan ng lumabas ng kwarto. Medyo madilim pa sa labas ngunit paunti-unti nang dumarami ang mga tao. Marahil ay nagsisipag-handa na ang iba sa pagpasok.

Nakasalubong ko pa si Tita Joy (Landlord)

"Papasok ka na?" Tanong nito saakin.

"Opo." Nakangiting sambit ko.

"Sige, mag-iingat ka. Kumain kana ba?" Sasagot na sana ako ngunit mabilis niyang inabot saakin ang pandesal na dala niya.

"Nako, hindi na po. Sa trabaho na po ako kakain." Nahihiyang sakbit ko sakanya.

"Ano ka ba? Dapat hindi mo inaabuso ang katawan mo, mahirap magkasakit habang nagta-trabaho at nag-aaral. Kumain ka, kahit nasa sasakyan ka. Para mapanatag din ang loob ko." Lumapad ang ngiti ko sa sinabi niya. At walang magawa kundi ang tanggapin ito.

"Sige na nga po. Tita Joy, thank you po." Ngumiti siya saakin at tumango tango. Sinesenyasan niya na rin ako na umalis na.

I feel like bigla akong  nagkaroon ng instant Mother sa pamamagitan niya.

Naghintay ako sa sakayan ng mga jip at pilit na nakipag-unahan sa mga estudyanteng papasok na rin.

Pagkarating ko sa Cofee shop na pinagtatrabahuan ko, ay nagbigay ngiti kaagad ako saknila. Hoping na sana maging maayos ang takbo ng araw ko, idinadalangin ko rin na wala akong masyadong ma-encounter na mga pasaway na customer.

Ang lapad ng ngiti ni James ng makita ako, our Manager.

"Good Morning Ms. Sunshine." Masiglang bati niya saakin.

"Good Morning din po Sir." Bati ko sakanya, inayos ko kaagad ang pagkakatali ng buhok ko at sinuot ang aking uniforme.

"What time ka ngayon?" Tanong niya saakin.

"Mga 11 lang po Sir, may class po ako ng 1:00pm." Sagot ko sakanya habang nagaayos pa din ng sarili. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin.

"Sayang,  I thought mayayaya kitang lumabas." Pinaningkitan ko siya ng tingin.

"Sir, wala akong panahon sa mga ganyan mo. Busy akong tao." Natawa siya sa sinabi ko, kaya napangiti din ako.

"Sinabi ko nga." Napatigil siya sa pagsasalita ng bigla ng dumating si Michel, ang papalitan ko.

Pagod itong tumingin saakin habang humihikab pa. "Pumunta kana sa counter, si Ari muna pinagbantay ko. Nakakapagod mag-graveyard" aniya habang hinilot hilot ang batok niya. Nagkatinginan kami ni Sir James at sabay na napangiti. Pilyo siyang nagtungo sa likod ni Michel at hinilot hilot ang batok nito.

"Iyan ang mga masisipag kong workers.." nakita ko ang kilig sa mga mata ni Michel habang nakahawak sakanya si Sir. Kumindat pa ito saakin.

Sinarado ko na ang pinto at tuluyan ng lumabas sa locker room. Nginitian ko si Ari na umukopa muna sa pwesto ko.

"Good Morning, out kana. Ako na ang bahala dito." Sambit ko sakanya. Tumango naman siya at tsaka tinap ang balikat ko.

Medyo dumadami na ang customer dahil iba sakanila ay may mga kanya-kanyang trabaho at ang maguumpisa ng kanilang umaga ay ang mainit na kape. Along the high way lang ang Coffee Shop na pinagtatrabahuan ko, walking distance lang din ito sa school kaya hindi ako ganun ka mahihirapan sa pagpasok.

Sumapit ang alas diyes na medyo dumadami na ang nakikitang kong mga estudyante. Si Sir James naman ay kanina pa nagku-kwento ng kung ano-ano habang walang umo-order.

"Hi sir Good Morning." Bati ko sa kakarating lang na customer, hindi ko siya nagawang lingunin at natutok lamang ako sa counter habang hindi mawala wala ang aking ngiti dahil sa kwento ni Sir James.

"One hot Cappuccino with mild sugar." Sambit nito.

"Okay copy Sir, how about-" natigilan ako sa pagsasalita ng makita ko si Liam na titig na titig saakin. Biglang napawi ang aking ngiti.

"Would you like to add Sir." Tanging sambit ko.

"Yep, and One Strawberry frappe." Sambit nito. Bigla akong napalunok sa sinabi niya at agaran ding ipi-nunch sa counter ang order niya.

"Sir to clarify, your order is One Hot Cappuccino and 1 strawberry frappe" tipid siyang tumango at inilabas ang cash niya.

Nagkatinginan kami ni Sir James habang ginagawa niya ang Cappuccino at ako naman sa Strawberry frappe. After nun ay ramdam ko parin ang hindi niya paglihis ng tingin saakin habang naghihintay.

"Orders complete Sir, Enjoy your day." Sambit ko sakanya.

Ngumiti siya ng tipid at kinuha lamang ang 1 hot cappuccino.

"Sir your strawberry?" Tawag ko ng pansin sakanya.

"For you." Ani niya at hindi na ako hinayaang magsalita, umalis na siya sa shop na iyon.

Bigla akong siniko ni Sir James.

"Admirer?" Tanong niya saakin.

"Nope."

"Then ano?"

"Wala." Panay ang tukso niya saakin hanggang sa natapos na ang oras ko. Pagod akong naglalakad sa kahabaan ng high way habang matirik ang araw. Inilabas ko ang aking sombrero na nasa aking bag at itinali ang mahaba kong buhok roon.

Inilabas ko rin ang libro kong hawak at nagbasa habang naglalakad. Napatigil ako sa aking paghakbang ng may makita akong pamilyar na taong naglalakad din sa unahan ko.

"L-Liam?" Mahinang tawag ko ng pangalan niya.

Hindi niya ako nilingon, ngunit naiwan akong nakanganga ng may biglang lumapit sakanyang babae at masigla siyang binate nito.

And for the first time in a while, I miss that damn smile.

He smile.

Vote, Comment

Regrettable LoveWhere stories live. Discover now