Nine

308 10 0
                                    

Nine

Nagising ako sa ingay na nilikha ni Love para gisingin ako.

"Okay ka lang ba talaga? Nananaginip ka." Inabot niya saakin ang towel para punasan ang pawis na meron ang katawan ko.

Bigo akong tumango sa sinabi niya.

"Magpatingin kaya tayo, kinakabahan na ako sa kinikilos mo." Sabi niya. Hindi ako nakaimik kaya pinili kong tumayo na lamang at nagtungo sa banyo para makapaghilamos.

Paglabas ko dito ay nakaabang na kaagad si Love saakin.

"Papatingin na tayo?" Tanong niya.

"Huwag na, madami pa akong gastusin. At tsaka wala ito, panaginip lang." Binuksan ko ang cabinet sa kusina na may mga lamang grocery. Kumuha ako ng paglulutuan ng noodles at egg para sa umagahan naming dalawa.

"Pero-" sinamaan ko siya ng tingin kaya wala na din itong nagawa.

Napangiti na lamang ako.

Sabay kaming kumain at pumasok na dalawa. Naghiwalay lang kami ng nasa tapat na kami ng Building. Sa 3rd floor ulit ang klase ko. Hindi katulad noong Monday ay medyo may nakakausap na ako ngayon ngunit sa likod ko parin piniling maupo.

I'm still hoping na makausap ko siya.

Hindi nagtagal ay dumating na ang aming professor ngunit wala padin siya, kanina ko pa nililinga ang aking paningin sa pintuan ngunit wala akong makitang bakas niya.

Bigo akong nakinig sa discussion ng mga oras na iyon, bigo din akong nagtungo sa susunod na klase na alam kong wala siya.

Natapos ang napakahabang oras na iyon at nagdire-diretso na ako cafeteria, hindi rin makakasabay saakin sa pagkain si Love dahil may gagawin pa ito.

Magisa akong umupo sa isang sulok habang may bitbit na pagkain. Halos hindi ko maigalaw ang pagkain ko, dahil pakiramdama ko busog na busog ang tiyan ko.

Maya-maya ay narinig ko ang pagbubulung-bulungan ng paligid ngunit pinili ko lang na kunin ang phone at headset sa aking bag at hindi pansinin iyon.  But I see him again, dahan-dahan niyang inilapag ang pagkain niya sa harap ko at seryosong tumingin saakin.

Unti-unti kong tinanggal ang aking headset at seryoso siyang tiningnan. Naghuhurmitado ng sobra ang dibdib ko.

"A-Anong ginagawa mo dito?" Wala sa sariling sagot.

"Kakain." Seryoso padin ang mga mata nito. Napadako ang tingin niya sa pagkain kong walang kabawas-bawas.

Maya-maya ay nagulat ako sa ginawa niya, sinusubuan niya ako ng pagkain. Itinago ko ang mga ngiti ko sa kanya.

"Kumain ka." Mahinahong sabi niya.

Ramdam na ramdam ko ang mga tingin saakin ng mga tao, ramdam ko kung anong klase tingin ang mga pinupukol nila saakin at hindi ko maipaliwanag, but my eyes started to cry.

Naiiyak akong tinanggap ang pagkaing inilalahad niya saakin.

"You should not deprived yourself, kung may kailangang magdusa dito, ako iyon." Tuluyan ng nag-unahan ang luha sa mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"Kilala mo na ako?" Seryoso siyang tumingin saakin at inilapag ang hawak niya. Pinupunasan niya ang luhang lumalabas sa mga mata ko.

"Of course..." ngumiti siya ng malapad saakin.

"You are my Billy, Billy Corpuz"

Ngumiti ako sa harap niya, hindi ko maitago ang sayang nadarama ko.

Maya-maya ay nakita kong iniyuko niya ang kanyang ulo at bigong kumain.

"C-Can I stay here for a while?" Basag ang boses na sambit niya. Hindi niya magawang tumingin saakin.

"Billy..." nakita ko ang pagpatak ng luha sa mata niya.

Naguunahan na naman ang luha sa mga mata ko. "I meet you again" Nagtama ang mga mata naming dalawa and at that moment, I see how hes hurting, how he's in pain.

"But we shouldnt be. We should not." Inilihis ko ang aking paningin sakanya dahil hindi ko kayang tingnan ang nasasaktan niyang mga mata.

"We will just hurting each other. Please stay away." Naging blanko ang isip ko, naramdaman ko na lamang ang bigo niyang pagtayo sa harap ko at tuluyan ng naglakad palayo saakin.

Wala sa sarili akong nagtungo sa library, sa pinakasulok at doon tahimik na humikbi.

When I choose to transfer here, hinanda ko na ang sarili ko sa mga pu-pwedeng mangyare. Hinanda ko na ang sarili ko sa mga tingin na ibibigay niya saakin.

Hinanda ko na ang mga ala-alang, ilang beses kong gustong kalimutan ngunit hindi ko magawa because even if it hurt, it was also a precious memory for me because all of it was you, it is you.

VOTE, COMMENT

Regrettable LoveWhere stories live. Discover now