Twenty Four

220 4 0
                                    

Twenty Four

Kinuha ni Lovely ang beer na iniinum ko at tinitigan ako ng masama.

"Ano na naman ba ang problema mo?" Tanong niya saakin habang nasa sala kami ng unit ko.

"Akin na yan..." pinilit kong kinuha sakanya ang alak ko.

"No, hindi ko ibibigay ito hanggat, hindi mo sinasabi sakin ang problema mo." Seryoso ang kanyang mga tingin saakin.

"Wala, stress lang sa trabaho." Pagsisinungaling ko. Mukhang nakuha ko naman siya sa sagot ko at tuluyan na niyang ibinigay ang beer.

Sumandal siya sa sinasandalan ko at nagpakawala na malalim na paghinga.

"Stress din ako." Nagbukas siya ng inumin at nakipag cheers pa saakin. "Sa trabaho at Bryle." At tinungga nito ang inumin na hawak niya.

"Why? Anong meron kay Bryle?" Tanong ko rito.

"Super busy, hindi na kami ganuon ka nagkikita. May project ata silang ginagawa sa kompanya nila kaya wala siyang oras saakin." Tahimik kaming itinutungga ang kanya kanya naming hawak na inumin ng biglang in-on ni Love ang television.

"Mr. Liam Dwayne Perez, rescue a thousand children in a bombing incident this afternoon. The Hero of our generation." Panimula ng headline sa balita.

Napatingin saakin si Lovely at agad rin na pinatay.

"Its okay, alam ko na yan." Wala sa loob na sambit ko.

"Kaya ba umiinom ka ngayon?" Umiling iling ako at pinagmasdan ang beer na hawak ko.

"No, stress lang talaga ako sa stressful kong boss." Tipid siyang napangiti sa sinabi ko at uminom na rin. Maya maya ay napatayo ako sa aking pagkakupo ng biglang tumunog ang cellphone ko. Unang bumungad saakin ang pangalan ni Liyan.

"Yes, Liyan." Sagot ko sakanya.

"Ma'am nandito po kami sa tapat ng bahay ni Sir Liam, pero wala daw po siyang panahon para mgpa-interview." Nakagat ko ang daliri ko dahil sa aking narinig.

"Paano ito Ma'am? Malalagot tayo ni Sir Ver kapag wala tayong sinabing report sakanya bukas at ang dami ding mga reporter dito sa labas, baka maunahan tayo." Napakamot ako sa king ulo dahil sa sinabi niya. Tiningnan ko si Love na nakatanaw na pala saakin.

"Sige-sige, umuwi na muna kayo at magpahinga. Alam kong kanina pa kayo nandiyan. Pupunta na lang ako bukas ng umaga, sigurado naman akong wala ng mga reporter diyan."

"Sige po Ma'am."

Ibinaba ko na ang tawag niya at umupo ulit sa tabi ni Lovely. Nginitian ko siya ng kakaiba at binigyan ng panibagong maiinom.

"Anong nakain mo? Sino yung kausap mo at bigla kang naging ganyan?"

Mas lumapad ang naging ngiti ko sakanya. "Si Liyan. Dito kana matulog." Alok ko sakanya mas lalong naningkit ang kanyang mga mata saakin.

"Bakit? May binabalak ka no'"

"Ihatid mo ako bukas. Madaling araw."

Tumungga ulit siya ng alak na hawak niya at seryosong tumingin saakin. "Sa bahay nila Liam." Napatigil siya sa kanyang pag-inom at tumingin saakin.

"Bakit? Anong meron kay Liam?" Naguguluhang tanong niya. "Why would you go there?"

"Unfortunately my boss see the news, and he wants us to cover his story. We need to interbyu him para mapapayag namin siya sa next month Magazine." Seryoso ang mga mata ni Lovely sakin at inilapag na din niya ang alak na hawak niya.

"P-Pero-"

Binigyan ko siya ng malawak na ngiti. "I'm fine, really. Its been a year simula ng mangyare iyon, move on na ako same as you. Wala na talaga iyon." Pampalubag loob ko sakanya.

"But this is the formal meeting niyo since your childhood, sigurado ka?"

Tumango tango ako para hindi siya pagalalahanin. Kinuha niya ulit sa mesa ang kanyang iniinom at hindi padin inaalis ang tingin saakin.

"Paniniwalaan kita dahil sinabi mo.. Okay, ihahatid kita bukas." Napangiti ako ng tipid sa pag sang ayon niya.

~*~

Mahimbing ng natutulog si Lovely sa tabi ko ngunit hindi padin ako dalawin ng antok, I still keep thinking about him. Anong sasabihin ko sakanya sa oras na magharap kami? Anong kapal ng mukha ang ipapakita ko when he see me.

Paano kung may asawa at anak na siya? Do I need to please them na okay lang ako? Papaano?

Sa hindi inaasahan at hindi ko malaman ay tuluyan na rin pala akong nilalamon ng gabi.

Maaga ako nagising upang magayos sa gagawin kong pangungumbinsi kay Liam ngayong umagang ito, tamad na tamad na bumangon si Lovely upang ipagmaneho ako patungo sa bahay niya.

Kinakabahan ako habang nagmamaneho si Love, kanina ko pa inililinga ang paningin ko at pinilit na tina-tandaan ang dinaraanan dahil alam kong hindi lang ito ang huling beses na pupunta ako dito.

Pinalakas ko ang loob ko ng makitang nasa tapat na kami ng bahay niya.

"Kaya mo ba? G-Gusto mo samahan kita?" Si Love habang nagaalala saakin.

Nginitian ko siya. "Kaya ko na ito, Im 25 years old, wala lang ito saakin. Umalis kana, may pasok ka pa."

Tuluyan ko ng sinarado ang pinto ng sasakyan niya at umalis na ito. Nagpakawala ako ng malalim na paghinga habang nakatanaw sa bahay niya. May malaking gate na humaharang sa bahay niya at wala akong choice kundi ang mag doorbell pa.

Tiningnan ko ang aking relo, alas sais palang ng umaga. Ilang beses akong napapa-atras, ilang beses kong hinahawakan ang kamay kong nagaalangan na pindutin ang doorbell na iyon.

Kaya ko ito! Magpapanggap na lang muna ako na hindi ko siya kilala, para lamang sa trabaho, sa trabaho.

Paulit-ulit kong ipinasok sa isip ko ang mga pampatapang na loob na iyon pero iba na pala kapag nasa harap mo na siya.

Binuksan niya ang Gate at kaagad nagtama ang mga tingin naming dalawa.

"Anong kailangan mo?" Masungit na tanong nito saakin. Natulala ako sa kanya. Biglang kumabog ng sobrang bilis ang dibdib ko.

"Anong kailangan mo?" Ulit niya at doon na ako natauhan, agaran kong inilabas ang calling card ko at iniabot sakanya.

"Uhm, Im from Maxwell Magazine, editor. Actually galing na dito kahapon ang mga katrabaho ko at gusto ka sana namin na maging cover story saaming next month magazine if-" kaagad nanlaki ang mata ko ng bigla niyang isinarado ang gate.

Did he not know me? Why he's acting like he didnt recognize me?

VOTE, COMMENT

Regrettable LoveWhere stories live. Discover now