Eighteen

243 7 0
                                    

Eighteen

Ang lawak ng aking ngiti, nagkikislapang ilaw ang aking nakikita sa paligid habang nakatanaw ang aking mga mata sakanya.

Hindi ko maiwasang hindi maluha, he's wearing a Police Uniform.

"Liam?" Tuluyang tumulo ang luha ko ng tuluyan na siyang humarap saakin.

"A-Anong ginagawa mo dito?" Nagtaka ako sa sinabi niya.

At mas lalong hindi ako makapaniwala ng may biglang humila saakin at tinutukan ako ng kutsilyo sa leeg.

"Sige lumapit ka, papatayin ko tong babaeng ito." Bigla akong namutla, biglang nanginig ang kalamnan ko ng makita ko ang kutsilyo. Biglang nagunahan ang luha saaking pagtulo. Nagtama ang tingin namin ni Liam at kitang kita ko ang galit sa mga mata niya.

Sobrang higpit ng hawak saakin noong lalaki na animoy anumang oras ay malalagutan na ako ng hininga.

Mas lalo akong nagulat ng inilabas ni Liam ang baril at itinutok ito saakin, saamin.

And then all of a sudden, next thing I know ay nakaupo na ako sa daan habang patakbong papalapit saakin si Liam na may pagaalala, sinubukan kong tingnan ang lalaking kanina lang ang may hawak saakin, ngunit nakahilata na ito at walang malay.

Sinubukan akong hawakan ni Liam pero maagap kong inilayo ang aking sarili sakanya. Tuluyan na akong nilamon ng takot saaking dibdib, tuluyan na akong nawalan ng malay habang hindi makapaniwala sa nangyare.

-"-

"Billy, gising. Billy!" Iminulat ko ang aking mata at mabilis na niyakap ang nagaalalang si Lovely.

Hinaplos haplos niya ang aking likod at pilit na pinatahan ang aking paghikbi.

"Nanaginip ka lang.  Okay lang yan." Sandali niya akong iniwan sa kama at kumuha ng tubig na maiinom ko.

Tulala ako sa isang sulok at pilit na isinawalang bahala ang aking panaginip, ngunit alam ko sa sarili ko na nagkakatotoo iyon. Magkakatotoo lahat!

And why Liam wearing a Police Uniform?

Naupo sa harap ko si Lovely at pilit na pinapakalma ako, ibinigay niya saakin ang gamot ko at ininom ko ito.

"Kamusta na? Okay kana ba?" Hinawakan ko siya ng mahigpit sakanyang braso at seryosong tinitigan siya.

"Love, nag-police ba si Liam?" Wala sa sariling tanong ko rito. Kinunutan niya lamang ako ng noo.

"Anong Police? E business Add yun"

Huminga siya ng malalim at hinawakan ang kamay ko. "Ano ka ba, panaginip lang yun? Huwag mo masyadong isipin yun."

Sabay na ulit kaming humiga sa kama, kinumutan niya pa ako ng maayos at tsaka natulog pero hindi na ako dinalaw ulit ng antok.

Hindi na nawala sa isip ko ang panaginip na iyon. Maaga ako pumasok kinaumagahan at inabangan si Liam sa morning class niya.

At katulad dati, ako na naman ang pinagtutuunan ng tingin ng aming mga estudyante.

Napangiti ako ng makita ko si Hana kasama ang mga kaibigan niya. Kailangan kong magtanong baka alam niya kung nasaan si Liam.

"Hana" mahinahong tawag ko sakanya.

Napawi ang mga ngiti ng mga kasama niya ng makita ako, gayundin si Hana. Nakataas rin ang kanyang kilay.

"What?" Mataray na sambit nung isang babae. Napayuko ako at napaatras.

"Ano ba kayo guys, ako na ang bahala dito." Sabi ni Hana.

"Ano yun Billy?" Tanong nito saakin.

Madiin akong napapikit at seryosong tiningnan siya. "Magtatanong lang sana ako kung nakita mo si Liam" pinandilatan nila ako ng mga mata na animoy may hindi tama akong sinabi.

Itinulak ako nang sapilitan nung isang babae.

"Hoy, matapos mo siyang agawin kay Hana, tatanungin mo siya ngayon." Napahalukipkip si Hana sa harap ko at masama akong tiningnan.

"Why youre asking me about him? Diba dapat ikaw ang mas may alam kasi ikaw itong buntot ng buntot sakanya?"

"I didnt mean to-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng tuluyan na akong napaupo sa sahig. Pwersahan akong hinila nung isa babae dahilan para mapaupo ako.

"You didnt mean? Inagaw mo na nga, you slut." Kaagad namuo ang luha sa mata ko dahil sa sinabi nila.

Masama ko silang tiningnang lahat.

"Dont ever say to me that I am a slut! Hindi niyo alam ang mga pinagdadaanan ko." Inis na litanya ko. Naghalakhakan silang lahat na para bang natutuwa pa sila sa mga sinasabi ko.

"Really? So do we need to write all your sufferring for you not to be line up in the SLUT zone. Iyon na ba batayan nun ngayon?"

"What are you doing?" Napatayo ako sa akong pagkakaupo ng marinig ko ang boses niya.

Its Liam.

Kaagad namutla ang tatlong babaeng kaharap ko including Hana ng makita siya at inirapan ako.

"Lets go, we are wasting our time." Agad na litanya nung isa. Magsasalita pa sana si Hana ngunit nahila na ito ng mga kasama niya.

Pinilit kong ipahalata sakanya na walang nangyare, kaya nagpanggap akong ngumiti.

"K-Kanina pa kita hinihintay" masiglang sambit ko.

Hindi niya ako pinansin at nakatingin parin ito sa pinaglahuan nila Hana.

"What did they do to you?" Nagtama na ang mga tingin naming dalawa, tipid ko siyang nginitian.

"W-Wala, tinatanong lang kita sakanila." Pagsisinungaling ko.

Nagsabay na kaming maglakad na dalawa.

"May class ka ng ganito ka aga?" Tanong niya saakin. Umiling iling ako.

"Then why are you here?" Napahinto ako sa paglalakad namin gayun din siya.

"May itatanong sana ako sayo?" Naging seryoso ang mukha niya habang nakatingin saakin, hindi ko na inalintana ang mga estudyanteng dumaraan sa paligid at na-focus lang ang mga mata ko sakanya.

"Are you planning to take Criminology?" Kunot noo ang naging reaksyon niya.

"Why?"

"Wala lang, just asking."

Humakbang siya ng isa para tuluyang lumapit saakin.

"Now that you've said that, bakit hindi?"

"Ha?" Wala sa sariling sambit ko.

"You are asking me if I woud take Criminology, right?" Tumango ako.

Naging pilyo ang mga ngiti niya saakin.

"Probably." Sagot niya.

"Why?" Mas lalong lumapit ang mukha niya saakin.

"To protect you." Pinagmasdan ko ang mga nagkikislapang niyang mga mata habang nakatingin saakin, pinagmasdan ko ang kanyang labing alam kong nanunuya saakin. At saka ito malawak na ngumiti.

"You have the best smile, Liam." Natigilan siya sa sinabi ko.

"And you have an angel smile, Billy"

VOTE, COMMENT

Regrettable LoveOnde histórias criam vida. Descubra agora