Chapter 11: Tinahing Bulaklak

Start from the beginning
                                    

“Bakit naman?” sabi ko. “Oo kaya ko pero bakit tayo sasayaw?”

“Wala lang.” Sabi nya. “Gusto ko lang sumayaw. Masarap kaya sumayaw. May onti akong alam sa pag-sayaw pero hindi yung tipong nakikita mo ngayon sa TV. Puro tumbling at kung ano man. Hindi ko alam, basta pag natripan kong sumayaw, nasayaw ako. Kahit sa kwarto, magisa.”

Alam ko yung nararamdaman n’ya. Kasi ako minsan, nag-sisisigaw ako ng HADOUKEN sa kwarto ko kapag mag-isa ako’t walang magawa.

“Tara na.” Sabi nya. “Sayaw tayo, yung parang nung JS.”

Umakyat s’ya sa kama ko, yung sa ospital. Nakayapak s’ya at hinila ako patayo. Kinakabahan ako kasi baka bumigay yung kama at baka biglang may pumasok na nurse pero hindi na talaga magpapaawat si Sam. Hinawakan n’ya yung kaliwa kong kamay, nilagay n’ya yung kanang kamay ko sa bewang n’ya at pinatong naman ang kanya. Nung nag-simula na gumalaw si Sam, bigla nalang nanlamig yung katawan ko. Para akong nasa dagat at nakikipaglaro sa alon. Ang alon na inaakit ako palalim ng palalim hangga’t natuto na ako huminga sa ilalim ng dagat. Pakiramdam ko, magaling narin akong sumayaw. Hindi gantong pakiramdam yung naranasan ko nung JS. Tapos ngumiti s’ya sakin at napangiti narin ako. Isa na ‘to sa pinakabaduy na nangyari sa buhay ko pero hindi ko ‘to pag-sisisihan kahit kailan. Minsan ka lang makahinga sa ilalim ng tubig. Isang tahimik at malumanay na sayaw sa ibabaw ng kama, sa loob ng madilim na ospital.

Pagkatapos namin sumayaw ay bumalik kami sa dating posisyon. Naka-upo s’ya sa upuan malapit sa kama at naka-upo naman ako sa kama. Uminom kami pareho ng tubig. Tapos tinginan kami ng tinginan tapos tatawa.

“Masaya diba?” sabi nya.

“Interesante.” Sabi ko.

“Kunwari kapa, magaling ka pala sumayaw e.”

“Dinala mo lang ako, ikaw yung magaling talaga.”

“Alam ko!” sabi n’ya ng proud. “Ako pa.”

“Halata naman e.” Sabi ko. “May kape ka d’yan?”

“Oo.” Sabi n’ya. “Kakalimutan ko ba ‘yon? Isa ‘yan sa tatlo mong kinaadikan e.”

“Tatlo?”

Tumayo si Sam at pumunta dun sa water dispenser, hinahanda yung kape.

“Kape, si Ryu at sigarilyo.” Sabi nya. “Putulin mo na yung pangatlo, okay?”

“Di ko pa alam.” Sabi ko. “Sa totoo lang, gusto ko nga ng isang stick ngayon e.”

“Alam kong nakaka-gaan yan ng loob, ayon sa mga naririnig ko nga; pero hindi maganda sa kalusugan mo yan. Kakasimula mo pa lang, siguro naman di pa huli para tumigil.”

“Subukan ko.”

“Gawin mo.” Sabi n’ya habang inaabot sa akin yung kape. Walang krema yung akin at meron naman sa kan’ya.”

“Alas ocho kinse na” sabi nya tapos higop ng kape. “Ilang minuto na lang aalis na ako.”

“Di paba talaga ako pwede sumama?” sabi ko. “Ayos na naman ako e.”

“Makinig ka naman, bukas aalis ka na naman e. Wag kang tumakas, walang binata dito.”

Di na ako sumagot at humigop nalang ng kape. Kailan kaya matututo mag-kape ang mga hayop no?

“Bukas kakaunin kita dito, okay?” sabi nya. “Mga alas nuwebe ng umaga.”

“Pano yung school?”

“Ayos lang yon.” Sabi nya. “Simula na ng practice kaya, hindi na masyado kelangan ng attendance. Pero papasok tayo.”

“Baka ma-binat ako.” Sabi ko, pero s’yempre palusot ko lang yon para di ako makapasok, nakakatamad e.

Kwento ng TaoWhere stories live. Discover now