Chapter 10 : Cousin

Start from the beginning
                                    

"She won't" amused na napaarko ang dalawang kilay ko sa sinagot nito.

"At pano ka naman makakasiguro Amber? You know, she's a human too. Darating yung time na magsasawa din siya sayo. Yung time na mapapagod din siya kakaintindi sayo kaya huwag mo siyang sisisihin kung maghahanap siya ng iba–"

"Damn! Stop it! She won't do that okay?" buhat doon ay napahagalpak na ko ng tawa. Inaasar ko lang naman siya.

"What the! Hey! I knew it! You're just messing with me! Stop! It's not funny!" napapasabunot sa inis na singhal sakin ni Amber.

Napahawak ako sa tiyan ko dahil nagsisimula na rin itong sumakit sa walang sawa kong kakatawa. Nung sinamaan ako nito ng tingin ay agad na rin akong tumigil habang pigil ang ngiting pinupunasan ang luhang sanhi ng sobrang pagtawa kanina.

Magsasalita na sana ako ng bumakas ng pinto at iniluwa nun ang bestfriend kong ngiting ngiti pero nagulat ng makita ako. Agad nitong isinara ang pinto at nananakbo papunta sakin para halikan ako sa pisngi at yakapin ng mahigpit.

"I missed you Andrea! Kumusta na? Kayo ng wife mo?" ngiting ngiti nitong tanong nang maupo sa tabi ko.

"Missed you too and oh! we're fine. How about you and my cousin?" may mapanuksong ngiti akong bumaling kay Amber pero ang bruha, mataray lang akong tinaasan ng kilay.

Tumingin din sakanya saglit si Abi bago sakin. Ngumiti ito ng alanganin pero agad ding napalitan ng isang totoong ngiti.

"Ganun pa rin. Walang pinagbago" simpleng sagot nito bago nagbaba ng tingin sa kamay nito na nakapatong naman sa kandungan niya.

Tumango ako bago bumaling kay Amber na kasalukuyang nakatingin sa nakabukas na tv at umiinom ng canned beer na hawak hawak niya. Napainom din ako at nakaisip ng pwede pang maipang-asar kay Amber. You don't like her ah? Let's see my dear cousin.

"Uhm.. Abi?" tawag ko sa atensyon nito dahilan para magtaas ito ng tingin sakin.

"Yes?"

"She doesn't like you right?" nguso ko kay Amber na nakataas ang isang kilay ngayon.

Napatingin ulit si Abi kay Amber bago muling bumaling sakin. Napa'yeah' pa ito bago napatango ng isang beses.

"I think mas better if magpakasal ka nalang sa taong mahal ka. Payo ko na rin to hindi bilang bestfriend mo kundi bilang isang married person kasi mahirap matali sa isang bagay na panghabang buhay na onesided love lang ang nag-eexist"

"You're right but my mom wanted me to marry her so I don't have a choice but to do this" malungkot itong ngumiti sakin.

"I know. I know. Pero kung ikakasal ka din naman kay Amber at wala din naman kayong magiging relasyon. It's better for you to date someone else" suggestion ko na ikinaubo ni Amber. Ayan na naman ang ngisi ko sa isipan.

"Hey! Kung mag-usap kayo dyan parang wala ako dito ah" protesta nito na ikinatawa namin ng mahina ni Abi.

"Mas maganda ngang nandito ka para wala ka ng tanong tanong once na gawin niya nga ang pag-uusapan namin" pigil ang tawang balik ko naman dito.

"Tsk!" ismid nito bago tumungga sa alak na hawak.

"So ano na? Try to date Lucas. I met him twice and he's nice I guess. At alam ko ganung mga tipo ang gusto mo" namula naman si Abi.

Naalala ko kasi yung araw na nameet naming pareho si Lucas Andrews. Inaya kasi nito ang bestfriend kong magsayaw ng gabing iyon kaya since then, naging crush na ni Abi yung lalaking yun.

"He's hot right? I bet he's good in be–"

"Go to my room Abi" putol ni Amber sa sasabihin ko. Nanlalaki ang matang napatingin naman si Abi kay Amber.

"What?! Amber! Can't you see? Nag-uusap pa kami" di pagsang-ayon ng isa na ikinasalubong naman ng kilay ni Amber.

"I don't care. I said go to my room now or else" medyo asar ng sambit ni Amber na ikinasalubong naman ng kilay ng bestfriend ko.

Oh ow! Nasobrahan ata ako' sadyang napangiwi pa ako sa isipan ko.

"I hate you!" padabog na tumayo si Abi pero bago ito umalis ay nagpaalam muna ito sakin.

Narinig ko pa ang malakas na pagsara ng pinto ng kwarto. Napatingin ako kay Amber ng lapitan ako nito.

"Go home Andrea" malamig nitong sambit bago kunin ang lata ng alak na hawak hawak ko. Aba't bastos!

Nakangising napapailing na lamang akong napatayo. Inayos ko saglit ang suot ko at tumingin kay Amber na itinatapon sa basurahan ang pinag-inuman namin. Kinuha ko na rin muna ang bag ko at isinukbit sa balikat ko.

"Hindi pala gusto ah?" mapang-asar kong putol sa katahimikan. Sinamaan naman ako nito ng tingin.

Napaka-indenial kasi ng bruhang to! Nakakaimbyerna na rin ang ganyang istilo niya. Tapos magagalit galit siya pag may nalalapit kay Abi. Ugh I can't!

"Be gentle on her okay?" asar ko pa dahilan para paningkitan ako nito tingin. Natatawang itinaas ko ang dalawang kamay para sumuko. Lumapit ako sakanya para magpaalam. I kissed her cheeks kasabay ng pagkindat dito. Napangiti ako ng mag-groan ito bago ako tuluyang lumabas ng condo unit niya.

--------------

Sorry for grammatical and typo errors. Thanks for reading 💕

Never Be The Same | Filipino GxG Where stories live. Discover now