Chapter 07: Sanctuary Academy

366 61 0
                                    

Hinarap kong muli ang kulay itim na malaking pinto at tangka na sana akong kakatok ng bigla itong bumukas at bumungad sa akin ang mukha ng isang magandang babae.

"Sorry." Sabay naming bigkas. Ang ganda ng tono ng kanyang boses, napaka hinhin.

Tahimik kong pinagmasdan ang kanyang mukha, para kasi syang pamilyar at nakita ko na kung saan. Kung pag babasihan mo ang itsura nya sa idad, siguro nasa mid 40's na din sya.

"May dumi ba ko sa mukha, ija?" Tanong nya sa akin na para bang na confuse sa itsura nya.

"Wala po." Pilit kong inaayos ang tono ng boses ko at pinapanatili itong malamig upang di mahalata ang pag ka bulol. Parang na star struck ako sa kanya, ang ganda nya kasi.

"Napaka ganda mo talagang bata, ija." Nakangiting saad nya.

Bigla akong may naalala sa itsura nya pero imposible namang sya tong babaeng nasa harapan ko dahil wala naman syang kakayahan na hindi pang karaniwan.

"Pupuntahan mo ba si Solomon?"

Oo nga pala kailangan kong makausapsi Mr. Sora.

"O-opo"

"Nasa loob sya, mukhang kanina kapa din nya iniitay. Sige mauna na ko."

Umalis ako sa harapan ng pinto upang makadaan sya. Nakangiti nya lang akong nilagpasan, sinundan ko ng tingin ang kanyang papalayong rebulto.

Humarap na ulit ako sa pinto at pumasok sa loob. Muli na namang bumungad sa akin ang mga paintings ngunit may isang litrato ang nakakuha ng buong pansin ko.

Litrato nung babaeng nakita ko kanina. Half body ang pag kakapinta sa kanyang larawan at talaga namang napaka detelyado ng bawat pag guhit nito.

Binaba ko sa isang gilid ang mga dala kong paper bag at pinag masdan pa ang painting nung babae.

Kamukhang kamukha nya talaga sya.

Kamukhang kamukha nya si Tita Aurora.

Pero napaka imposibleng maging sya yun dahil nasa mundo ng mga tao si Tita at alam kong di nya iiwan si Daddy lalo na't wala na ko.

Pero pano nga kung.....

"Ang ganda nya diba?"

Agad akong napalingon sa lalaking biglang nag salita sa aking gilid. Sa sobrang pag kaka focus ko sa painting ay di ko alam na nasa gilid ko na pala si Mr. Sora.

"Sino sya?" Bungad na tanong ko sa kanya sa halip na sagutin ang tanong nya.

"Si Luna." Ngumiti si HM habang nakaharap sa painting.

"Luna?" Pag uulit kong tanong.

"Oo, sya si Luna. Isa syang guro dito, ngunit matagal syang nawala dahil pinadala sya sa isang napaka importanteng misyon."

"But I saw her." Nakita kong dumaloy ang pagka gulat sa kanyang mukha, tila di makapaniwala.

"How?" Naguguluhan nyang tanong.

"Sa may pinto." Tiningnan ko ang pintong pinasukan ko kanina. "Kakatok sana ako kanina kaso biglang bumukas at sya ang nagbukas non."

"Galing sya dito?" Tila di maka paniwalang wika nya at na patulala saglit sa painting ni Luna.

Hindi ko sya sinagot dahil may isang katanungan ang bumabagabag sa isip ko.

"Saang misyon sya pinadala?" Tanging bulong kong tanong pero alam kong narinig yun ni Mr. Sora dahil napatingin sya sa akin.

My Sweet Dream Fairytale #1✔Where stories live. Discover now