C18: Back to School • Tan-Tan

972 27 0
                                    

MATAPOS naming mananghalian, nagpaalam ako kayla Papa na pupunta kami ni Ren sa mall para mamili ng gamit para sa pasukan. Dapat ay dalawa lang kaming mamamasyal ni Ren. Ang kaso, ipinasama niya rin sa'min si Ru-Ru. Syempre, sabit din ang nobyo niya. Sasakyan ni Lu-Lu ang ginamit namin papuntang mall.

Magkakasama kaming namili ng mga gamit. Nagmukhang couple bag ang kinuha naming bag ni Ren dahil sa parehong disenyo nito. Mukhang nainggit sa'min 'yung dalawang asungot kaya nakigaya na rin sila sa amin pero magkaiba kami ng kulay at disenyo. Briefcase style ang kinuha namin ni Ren at kulay brown iyon samantalang yellow green na backpack naman ang binili nila Lu-Lu.

Pagkatapos naming mabili lahat ng kailangan namin, nag-aya akong kumain bago umuwi kaya tumuloy muna kami sa Jollibee.

"Tan-Tan, wait lang, ha. C.R. muna ako," paalam ni Ren.

"Sama ako, Ren," habol ni Ru-Ru kay Ren.

Isang minuto pa lang ang nakalilipas nang may lumapit sa aming pamilyar sa'kin.

"Tan-Tan?"

"Uy! Dylan!" bati ko nang lumapit siya sa table namin.

"Ikaw nga 'tol! Walang-hiya ka! Hindi ka na nagpakita sa'min!" hindi makapaniwalang bulalas niya at nakipag-'fist bump' sa akin.

"May nangyari lang kasi. Upo ka muna," aya ko.

"Naku, hindi na. Nagmamadali na rin kasi ako. Text-text na lang. Nga pala, nagpalit ka ba ng number? Hindi ka kasi namin ma-contact."

"Oo. Nasira kasi 'yung dati kong phone kasama na 'yung sim. Heto ang bago kong number." Ipinakita ko sa kanya ang numero sa screen ng phone ko at mabilis naman niya itong tinipa sa cellphone niya.

"Okay, na-save ko na. Sige 'tol. Sibat na ako. Nag-text na 'yung isa kong ka-date eh."

"Isa? Ibig sabihin may isa ka pang ka-date?" Tinawanan niya lang ang tanong ko.

Napailing-iling ako nang mapagtanto kong wala pa ring pinagbago ang kaibigan kong ito — babaero pa rin.

"Actually, apat sila. Sige na! Masyado mo akong ibinubuko sa kasama mo," tatawa-tawang tugon niya. "Sige text ka na lang namin, pare. Una na ako. Bye," paalam niya sabay karipas ng takbo palabas ng Jollibee.

"Pasensya na, Lu-Lu. Nakalimutan kong ipakilala ka. Sa susunod na lang," paumanhin ko kay Lu-Lu nang maalala kong kasama ko siyang naiwan dito sa table namin. Masyado akong nabigla sa muling pagkikita namin ni Dylan. Ilang buwan ko na ring hindi nakikita o nakakausap man lang ang barkada.

"Okay lang kahit huwag mo na akong ipakilala sa kanya. Mukhang hindi kami magkakasundo. Stick-to-one ako eh," ani Lu-Lu.

Natawa ako sa itsura niya. Halatang-halata ang pagkairita niya kay Dylan.

"Dapat lang! Kapag niloko mo ang kapatid ko, lagot ka sa buong pamilya ko!"

Nagtatawanan kami ni Lu-Lu nang dumating 'yung dalawa.

"Oh, may maganda bang nangyari habang wala kami? Makatawa kayo parang walang bukas ha," sabi ni Ru-Ru na parang natatawa rin.

"Nakita kasi namin si Dylan. Hindi pa rin pala siya nagbabago," sagot ko pagkatayo ko para paupuin si Ren sa katabi kong upuan.

"Ah, 'yung playboy na 'yon? Hay naku, hindi na nadala," pailing-iling na komento ni Ru-Ru.

"Kilala mo siya?" tanong ni Lu-Lu.

My Accidental FianceeWhere stories live. Discover now