C15: Last Day of Vacation • Tan-Tan

1.9K 42 5
                                    


"KUYA bilisan mo! Ang sarap ng tubig!" sigaw ng kapatid ko habang nagtatampisaw sa dagat. Para pa rin talaga siyang bata.

Last day na namin ngayon sa Batangas kaya sinusulit na namin. Malapit na ring magpasukan kaya kailangan na naming asikasuhin ang mga papeles namin base na rin sa napag-usapan namin kagabi.


"Sa susunod na araw, babalik na tayong Maynila. Aasikasuhin na natin ang mga papeles mo," sabi sa'kin ni Mama habang kumakain.

"Papeles para saan?" tanong ko.

"Ililipat kasi kita ng university."

"What? Bakit kailangan kong lumipat at saka saan naman ako lilipat?" gulat na tanong ko.

"Sa university ka nila Ren papasok."

"Ha? Bakit kailangan kong lumipat?"

"Syempre, kailangan mong i-accompany ang fiancée mo! Mas magandang magkasama kayo sa iisang university. Mas mahihirapan si Ren kung siya ang lilipat."

"Tita, okay lang po ako. Hindi na po kailangang lumipat ni Tan-Tan sa school namin. Nandoon naman po si Andrea para tulungan ako," sagot ni Ren.

"Hindi! Kailangan nandoon si Tan-Tan! Malay mo makatulong ang paglipat niya sa pagbalik ng alaala mo? Basta! Lilipat ka, Tan-Tan! End of conversation," sabay evil smile ni Mama.


Hindi ko alam kung ano na namang binabalak nila Mama pero hindi na ako umangal dahil hindi naman ako mananalo. Kapag may gusto si Mama, kahit si Papa ay walang nagagawa. Mas makulit pa kaya siya kay Ru-Ru! Basta ie-enjoy ko na lang ang last day of vacation namin dito.

"Bro, nasaan nga pala si Ren?" tanong ni Lu-Lu.

"Nakita kong kausap siya kanina ni Mama pero kanina pa iyon. Hindi ko pa siya nakikita mula kanina."

Saan kaya nagpunta ang babaeng iyon? Baka nadapa na naman iyon kung saan!

"Parating na pala si Ren, eh!"

Napatingin kami ni Lu-Lu sa direksyong itinuro ni Ru-Ru.

Wow! Ang ganda niya!

Hapit sa magandang hubog ng katawan ni Ren ang navy blue two-piece swimsuit niya. Kahit dalawang buwan na siyang buntis ay hindi mahahalata ang baby bump niya. Nakadagdag pa sa charm niya ang pagkakapusod ng kanyang buhok na may kaunting kinulot na buhok na inilugay sa gilid ng kanyang mukha. Dahil sa pagkakataas ng kanyang buhok, kitang-kita ko ang mala-porselana niyang kutis.

"Uhmm... Bigay sa'kin ng mama mo. Okay lang ba? Hindi ba pangit sa'kin? Hindi ba masagwa tingnan?" tanong niya sa'kin.

"Hindi ah! Bagay sa'yo! Mas lalo kang gumanda." Mahina lamang ang pagkakasabi ko ng huli dahil nahiya ako bigla nang mapagtantong masyadong malakas ang pagkakasabi ko sa mga nauna kong pahayag.

Napangiti naman si Ren at ikinawit ang isa niyang braso sa kaliwa kong braso.

"Halika na nga! Mag-swimming na tayo!" hatak niya sa'kin papunta kayla Ru-Ru at Lu-Lu.

"Sandali! Dahan-dahan lang at baka madapa-..." Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay nagkatotoo na ang babala ko.

"Lagi ko kasi sa'yong sinasabing mag-iingat ka." Iniangat ko siya at pinagpagan ang tuhod at siko niya.

My Accidental FianceeWhere stories live. Discover now