C26: Welcome Party Riot • Tan-Tan

2.1K 45 3
                                    

NAGKITA-KITA kaming magbabarkada sa bahay nila Ron para sa welcome party ni Leo. Dapat ay hindi ako pupunta para makaiwas kay Leo pero napilit ako nila Dylan.

"Tan-Tan, okay na ba 'yung barbecue?" tanong ni Mark.

"Malapit na 'to," sagot ko habang nagpapaypay. Matagal-tagal na rin ng huli kaming nag-party nang ganito.

"Nandito na pala si Riz, eh." Napalingon ako dahil sa sinabi ni Dylan.

"Hi, Riz. Buti nakapunta ka," salubong ni Ron.

"Syempre! Inimbitahan mo kaya ako! Alam mo namang malakas ka sa'kin," tatawa-tawang tugon ni Riz sabay gulo sa buhok ni Ron.

"Ano ba! Ginagawa mo na naman akong bata!" tabig ni Ron sa kamay ni Riz sabay ayos sa buhok niya.

"Asus! Eh, baby ka naman talaga namin," pang-aasar ni Mark sabay tawa.

"Hi, Tan-Tan," bati sa'kin ni Riz.

"Ah, hello." Hindi na ako nagulat na nandito si Riz. Best friend niya si Leo at isa na rin siya sa mga kabarkada namin kaya natural lang na nandito siya.

Alas-tres ng hapon ang simula ng party pero alas-dos pa lamang ay tapos na kami sa paghahanda. Nagkwento lang si Riz ng kung anu-anong nangyari sa kanya. Sila Mark, Dylan at Ron ang taga-tanong sa kanya. Ako naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanila. Tahimik lang akong nakaupo sa dulo ng sofa.

"Tan-Tan, wala ka man lang bang gustong itanong sa girlfriend mo?" sabi sa'kin ni Ron.

"Wala naman. Sige lang. Kayo na lang ang magtanungan. Makikinig lang ako," malamyang tugon ko.

"Uy! Anong pinag-uusapan niyo diyan? Sali naman ako!" sigaw ng bagong dating.

"Uy, Leo! Long time no see!" bulalas ni Dylan.

Sabay-sabay na tumayo ang tatlo. Kami naman ni Riz ay nanatiling nakaupo lang. Kahapon pa kasi namin nakita si Leo.

"Kamusta ka naman? Hindi ka man lang kasi tumawag o nag-email man lang noong nasa abroad ka. Akala namin ay namatay ka na!" tatawa-tawang biro ni Dylan.

Dahil dito'y binatukan siya ni Leo. "Siraulo!"

Nakipag-'fist bump' si Leo kayla Mark at Ron.

"Mamaya na ang kamustahan. May ipakikilala nga pala ako sa inyo." Binalingan niya ang isang babaeng kanina pa pala nakatayo sa likuran niya. "Ren, halika rito."

Napatayo ako nang binanggit niya ang pangalan ni Ren. Bakit niya kailangang isama pa rito si Ren?

"Guys, siya nga pala si Reverie Metherlance, fiancée ko," pakilala niya kay Ren sabay akbay rito at tingin sa'kin.

"Nice meeting you po. Ren na lang ang itawag niyo sa'kin," sagot ni Ren pero hindi siya tumingin sa'kin kahit na nasa harapan na niya ako ngayon.

"Nice meeting you din! Welcome to our family," bati ni Mark.

"Uy, hindi lang siya ang dapat niyo i-welcome! Magkaka-baby na rin kasi kami." Abot hanggang tainga ang ngiti ni Leo sa paghahatid ng balita niya.

"Wow! Magiging tatay ka na! Congrats, tol!" sabay high-five ni Dylan kay Leo.

"Salamat, tol."

My Accidental FianceeWhere stories live. Discover now