C19: Friends' Revelation • Tan-Tan

1.9K 42 5
                                    

"MA, aalis na ako!" paalam ko pagkakuha ko sa may counter ng susi ng kotse ko.

"Mag-iingat ka anak, ha! Ikamusta mo na lang din ako kayla Mark at Dylan."

"Opo!"

Magkikita kami ngayon ng mga kaibigan ko sa dating university na pinapasukan ko. Sila Mark at Dylan pa lamang ang nakikita ni Mama sa mga kaibigan ko. May dalawa pa kaming kabarkada — sina Ron at Leo.

"Ingat ka, Tan-Tan." Hinalikan ko sa noo si Ren na nakatayo ngayon sa pintuan ng bahay.

"I will. Huwag mong kalimutang inumin ang gamot mo mamaya. Huwag ka rin masyadong magpapakapagod," habilin ko sa kanya.

Kung hindi lamang nilalagnat si Ren ngayon ay dapat isasama ko siya. Ayon kay Dr. Suarez ay dala lamang iyon ng pagod at dahil na rin sa maselang pagbubuntis niya. Pero wala naman daw kaming dapat ipag-alala. Malusog ang sanggol sa sinapupunan ni Ren. Sadyang madali lamang mapagod si Ren.

"Magpahinga ka maghapon. Kumain ka ng mga prutas na binili ko kanina at kumain ka sa oras." Tumango lang sa'kin si Ren.

"Boyfriend ka ba ni Ren o nanay? Grabe ka makahabilin!"

Napasimangot ako kay Ru-Ru. Kahit kailan talaga, panira ng diskarte!

"Selos ka lang!"

Natawa sa'min si Ren at inawat na kaming dalawa.

"Don't worry. Susundin ko lahat ng sinabi mo. Pasensya na, hindi ako makakasama sa'yo."

Bakit ba sa araw-araw na lang, sa malambing na tinig lang ni Ren, nawawala na ang pagka-badtrip ko?

"Ayos lang. Basta 'yung mga hinabilin ko, ha? Aalis na ako!"

I kissed her again. But this time, I took her sweet lips.

It was just a moment but it's enough to make both of our hearts thump with bliss.

"Uuwi ako agad kaya huwag kang mag-alala. I love you."

I stepped on the gas and started driving my car away.


SA PABORITO naming café kami magkikita ng mga kabarkada ko. Mabuti na lamang at nailista ko noon sa planner ko sa bahay ang mga contact number nila. Ito ang ginamit ko upang ma-contact silang lahat — maliban sa isa.

"Tan-Tan! Dito!"

Nadatnan kong nakaupo na ang tatlo sa mga kaibigan ko sa isang mesang malapit sa bintana ng café.

"Uy, tol! Kamusta kayo?" bati ko sa kanila.

"Heto, buhay pa rin," sabi ni Ron, ang bunso ng grupo.

"Ikaw ang kamusta? Balita namin naaksidente ka raw?" tanong sa'kin ni Mark, ang pinakaseryoso sa'ming lima.

"Oo nga, eh. Three months na rin ang nakalilipas nang mangyari iyon."

Isang waitress ang lumapit sa mesa namin. Mabilis naming ibinigay ang order naming light snacks at kape.

"Tol, dahil buhay ka pa, patunay lang 'yan na isa ka ring masamang damo!" pang-aasar ng malokong si Dylan.

"Sira! Huwag mo akong itulad sa'yo! Ilang babae na ba ang pinaiyak mo?"

"Ouch naman, tol! Hindi ko naman kasalanang ipinanganak akong gwapo," tugon niya sabay himas ng baba niya at may pataas-taas pa ng kilay.

My Accidental FianceeWhere stories live. Discover now