Napaawang ang bibig ko pagkakita ko sa kanya lalo na tumutulo ang luha nya.

Akala ko...

"Alexa..." napaforward ako nung tumalikod sya at tumakbo paalis. Hindi ko sya sinundan...hindi ko kaya.

"Sundan mo." rinig kong sabi ni Japan. "Wag kang tanga, Zoe. Hindi pa ang huli ang lahat." umiling ako. "Zoe, ano ba?! sundan mo sya!" nagulat ako sa pagsigaw nya.

"Hi-hindi ko kaya...sobra ko na syang nasaktan kaya..."

"Sundan mo! sabihin mo sa kanya na mali ang narinig nya na mahal mo sya!"

"Hi-hindi ko sya ma-mahal..." hirap na hirap kong sabi.

"Tangina!" nagulat ako nung sinipa ni Japan ang inuupuan namin. "Kapag hindi mo sya sinundan makikipag-break ako sayo."

"Wha-what? wala naman ganyanan!"

"Edi sundan mo sya!" jeez, nakakatakot pala magalit si Japan. "Zoe!"

"O-oo na!" agad akong tumakbo sa pinuntahan ni Alexa.

Huminga ako ng maayos. Hindi ko sure kung saan ko hahanapin si Alexa pero takbo lang ako nang takbo.

Ipinagdadasal ko na sana ay maabutan ko sya dahil akala ko kanina ay umalis na talaga sila dahil sa sinabi ni Steph kaya nagulat ako nung makita ko sya kanina.

Narinig nya ang sinabi ko kaya umiiyak sya kanina. Lalo ko syang nasaktan.

"Tanga, tanga, tanga!" paulit ulit na sabi ko habang tumatakbo.

Ako na ang tanga! tangina!

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero isa lang ang alam ko, magkaiba ang nararamdaman ko kay Japan at Alexa. Magkaibang magkaiba pero hindi ko matanto kung ano na ba itong nararamdaman ko para kay Alexa.

Hindi ako naniniwala na mahal ko si Alexa. Ayokong maniwala dahil...dahil natatakot ako... Natatakot ako na baka masaktan ko ng sobra si Alexa. Ayoko syang masaktan kaya pinili ko si Japan. Natatakot din ako na baka gawin din ni Alexa ang ginawa sakin ng mga dati kong girlfriends na hindi nya na kayang tagalan pa ang ugali kong tumitingin pa sa iba. Natatakot akong iwan nya...

Oo aaminin ko palagi nga akong nakatingin sa kanya. Binabantayan ko sya kahit sa tingin lang. Sya ang una kong naisip nung nakita ko ang snowflake necklace dahil naging cold sya. Nung isang beses akong nahimatay sa training, sya ang huling taong nakita ko bago ako mawalan ng malay. Nakakatawa nga dahil alam na alam ko kung saan lilingunin si Alexa. Nung nasa gym kami na nastranded dahil sa bagyo, sya ang unang naisip ko pagkakita ko sa kulay ng mga mata nya kahit na si Japan ay brown din ang mga mata nya.

"Alexa!!" buong lakas kong sigaw nung makita ko syang naglalakad papunta sa may parking lot. Halatang pinupunasan nito ang luha nya.

Fuck! Ayokong makita syang umiiyak.

Napatigil sya sa paglalakad at nilingon ako. Mabilis akong tumakbo palapit sa kanya.

"Wa-wait lang!" sigaw ko nung mabilis syang naglakad palayo. "Alexa sandali!" binilisan ko pa lalo ang pagtakbo dahil hindi tumigil sa paglalakad si Alexa.

Mabilis kong hinawakan ang kamay nya para pigilan sya. Hingal na hingal ako dahil sa pagtakbo, dumagdag pa ang kabang nararamdaman ko.

Hindi sya nakatingin sakin. Nakatakpan ng likod ng palad nya ang bibig nya at patuloy sya sa pag iyak ng tahimik.

"Alexa.." mahinang sabi ko habang naghahabol pa din ng hininga.

"Alexa, Zoe." napatingin ako kay Kuya Al. Nakakunot ang noo nito lalo na nakita nyang umiiyak si Alexa. Nasa tapat na pala kami ng sasakyan nila at nakasilip si Ate Lovely habang bumaba naman ang mga magulang nito.

Melting Ice Princess 2Donde viven las historias. Descúbrelo ahora