C12: Ms. And Mr. Popular • Ren

Start from the beginning
                                    

Nang pakiramdam ko ay okay na ako, pinihit ko na ang doorknob at lumabas ng banyo.

"Bakit ang tagal mo? Okay ka lang ba?"

Halos lumundag ang puso ko sa biglang pagsasalita ni Tan-Tan. Nakasandal siya sa pader ng C.R. ng mga babae.

"O-Oo, o-okay l-lang ako." Akala ko'y okay na ako. Pero isang sulyap lamang kay Tan-Tan ay nagwawala na ang puso ko.

"Halika na nga! Balik na tayo kayla Ru-Ru."

"Pero hindi pa natin nalilibot 'yung buong plaza!"

Napatakip ako bigla ng bibig. Nagulat ako sa sinabi ko. Automatic na bumuka na lang ito at nag-demand na mamasyal pa kami.

Dahan-dahan kong ibinaba ang kamay ko. Napabuntong-hininga naman si Tan-Tan.

"Hindi ka pa ba pagod?" tanong niya at umiling naman ako.

"Sige, para hindi ka mapagod, magba-bike tayo," sabi niya at naglakad na palayo.

"P-Pero bawal akong mag-bike." Huminto siya sa paglalakad at lumingon sa akin.

"Ako ang bahala sa'yo."

Para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko nang mamasdan ko ang ngiti niya. Anong klaseng expression 'yon? Bakit ganoon ang epekto nito sa'kin — parang tumigil saglit ang mundo ko?


"KUMAPIT ka nang mabuti sa'kin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"KUMAPIT ka nang mabuti sa'kin. Baka malaglag ka niyan," sabi ni Tan-Tan sabay higit sa kaliwang braso ko.

Nirentahan niya ang isang single bike para magamit namin ng isang oras. Nakaangkas ako ngayon sa likod niya at pilit na inilalayo ang sarili sa kanya. Baka kasi maramdaman niya kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko 'pag nanatiling ganito kami kalapit sa isa't isa.

"Kinakabahan ka ba?" Nagulat ako sa tanong niya habang umaandar kami.

"B-Bakit?"

"Huwag kang kabahan. Hindi ko naman hahayaang mahulog ka at masaktan," natatawang turan niya.

Ngayon ko lang nakitang tumawa si Tan-Tan at masasabi kong kakaiba talaga ang mga ngiti niya — may kakaibang kiliti sa puso.

Ewan ko ba kung anong klaseng magic ang meron sa lalaking ito. Napapabilis niya ang tibok ng puso ko pero siya rin ang nakapagpapakalma rito.

"Ren, kumapit ka nang mabuti." Binilisan ni Tan-Tan ang pagpadyak sa pedal nang malapit na kaming dumaan sa papataas na lupa. Mabilis na napayakap ako sa baywang niya.

My Accidental FianceeWhere stories live. Discover now