Chapter 4: Camping

1.7K 29 6
                                    

“Kuya Clay, Kuya…” narinig kong tawag sa akin kasabay ng tapik sa aking mga pisngi. “Sarap ng tulog niyo Kuya, ah?” bungad sa akin ni Grey pagkamulat ko. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid, nasa library pa rin pala kami.

“Panaginip lang naman pala,” mahina kong sabi.

“Anong panaginip Kuya?” tanong ni Grey. Narinig niya pala ako.

“A-ahm, wala. Wala naman,” pagtanggi ko. “Natapos mo na ba ang assignment natin?” tanong ko sa kanya.

“Actually, kanina ko pa natapos.” Sabi nito sabay bitaw ng mahinang tawa. “Nahihiya lang akong gisingin kayo kasi parang ang sarap ng tulog niyo.” Dugtong pa nito.

“Ibig sabihin, kanina pa ako natutulog dito?”

Tumango ito na parang nagpipigil ng ngiti. “Ang cute niyo ngang matulog Kuya, eh,” sabi pa nito. Nang marinig ko ang sinabi niya ay hindi ko na napigilan ang pagpula ng aking mukha. Ikaw ba namang sabihang cute.

“Ahm, hehe,” napawika ko na lang sabay kamot sa aking ulo. Hindi ko na kasi alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Kaya iniba ko na lang ang usapan. “Akin na pala ang assignment mo, kopyahin ko na lang.”

Agad niya naman itong inabot sa akin. Nang matapos ko ang pagkopya ay agad na rin  kaming umalis ng library para bumalik ng classroom for our Math class. Habang nasa daan ay may naitanong sa akin.

“Kuya Clay, bakit hindi pa po kayo ulit nag-gi-girlfriend?”

Hindi ko inasahan ang naging tanong niya. Bakit nga ba? Alam ko sa sarili ko gusto ko ng babae. Nagkaroon na ako ng tatlong ex kaya dati pa man ay alam ko ng gusto ko ng babae. Ngunit ng nakilala ko si Grey, parang malaki parte ng utak ko ang nagbago. Attracted pa rin ako sa girl, oo, pero hindi na tulad ng dati. Ang alam ko lang, kay Grey ko na lang nabubuhos ang lahat ng aking atensyon. Paano ko sasabihin sa kanya na siya ang dahilan kung bakit wala akong gf ngayon.

“K-kasi ano, ahm, h-hindi pa ako ulit handa. Oo, tama. Hindi pa ako handa,” nauutal kong sabi. Napahinto siya sa paglalakad na para bang may biglang inalala. Saka muli itong nagpatuloy sa paglalakad.

-----

Wala pa naman si Sir ng makarating kami ng classroom. Nagkikwentuhan kami ni Grey tungkol sa Astronomy ng sumingit ang isa sa mga barkada ko.

“Parang sa napapansin ko, mukhang hindi na kayo mapaghiwalay ah. Ano Grey, dinidiskartehan ka na ba nitong tropa namin?” pang-aalaska ni Drew. Binaling ko ang paningin ka Grey at nahuli kong bigla itong napangiti. Nakaramdam ako ng hiya kay Grey kaya binatukan ko na lang ang barkada ko.

“Tumigil ka nga diyan Drew, kung anu-ano namang kalokohan ang nasa utak mo.” Sabi ko. Napangiwi ito at tila sasabat pa ulit kaya muli ko itong binatukan. “Magkaibigan nga lang kami,” pagpipilit ko.

“Edi magkaibigan kung magkaibigan, hindi mo naman kailangang manapak.” Sabi pa nito. “Maka-alis na nga, in denial pa ang isang to.” Dugtong pa niya sabay tapon sa akin ng mapang-asar na ngiti.

Tinuon ko ang paningin kay Grey. Hindi ko inasahan na nakatingin rin pala siya sa akin kaya nagtama ang aming mga paningin.

“Ahm, Grey. Huwag mo ng pansinin iyong si Drew, mahilig talaga ‘yon mangbwesit.” Sabi ko para mabawasan ang awkward moment sa pagitan naming dalawa.

Tumango lang naman ito at ngumiti sa akin.  Ilang saglit pa ay sakto namang pagpasok ni Sir. Pinapasa niya sa amin an gaming assignments saka nag-umpisang maglecture. Naging normal lang naman ang klase. Bago mag-end ang time ay may ginawa siyang announcement.

“Class, I guess you’re aware that next week will be Math Week. And that by Tuesday, the Math Club will hold a two-day camping at Mt. Milagros, if any of you wants to join, magregister na lang kayo sa office nila. Okay?”

After ni Sir Dave mag-announce ay nagdismiss na rin naman siya agad.

“Kuya Clay, sali tayo.” Biglang kabig sa akin ni Grey. Nkahawak siya sa braso ko at marahan itong niyuyugyog na tila ay isang paslit. Napangiti ako. Ano pa nga ba ang magagawa ko, hindi ko naman magawang tanggihan ang lokong ito, at pagkakataon ko narin siguro para maparamdam sa kanya ang lihim kong pag-ibig.

“Sige,” sabi ko. “Basta tayo ang partner ha, huwag na huwag kang hihiwalay sa akin.”

“By partner po ba ‘yon kuya?”

“Hindi. Pero gusto ko lang na tayo ang magkasama. Baka kasi kung sinu-sino pa ang lumapit sayo do’n. Gusto lang kitang protektahan.” Sabi ko sa kanya.

Napangiti ito sa mga sinabi ko sa kanya. “Klaro ba ‘yon?” tanong ko sa kanya.

Tumango-tango lang ito sa pinagsasabi ko.

----

Pagdating ng Martes, maaga kaming dumating sa assembly area. Hinanap ko agad si Grey at nadatnan ko siya na mag-isang nakaupo sa bench kaya agad ko siyang nilapitan.

“Oh, kape ka muna.” Sabi ko sa kanya sabay abot ng kape na tinake out ko from Mcdo.

“Thank you kuya,” sabi niya. Umisod ito para bigyan ako ng space kaya agad na akong umupo sa tabi niya.

“Iyan lang ba ang dala mong gamit?” tanong ko sa kanya sabay nguso ng kanyang knapsack.

“Ah, opo. Pero pwede bang makishare na lang ako ng kumot sayo mamaya? Hindi na kasi nagkasya dito sa bag ko.” Tanong niya sa akin na palihim ko namang ikinatuwa.

“Ahm, s-sige. Syempre naman. Kaso medyo maliit ‘tong kumot ko, pero kasya naman tayo.”

“Yes, salamat Kuya Clay.”

Hindi ko alam pero parang naexcite tuloy akong gumabi. Excited na akong makatabi si Grey. Nai-excite ako sa idea na makakashare ko siya sa isang kumot. Iyong magkalapit ang mga katawan niyo sa gitna ng malamig at madilim na gabi. Iyong nadarama nyo ang bawat kurba ng katawan ng isa’t-isa. Nakakaexcite ang mga pwedeng mangyari. Sa labis kong pagpapantasya ay hindi ko na namalayan na nandiyan na pala ang bus na maghahatid sa amin. Inaya na ako ni Grey na umakyat at magkatabi nga kaming umupo.

“Kuya, napapansin kong kanina pa kayo nakangiti a,” pagsita ni Grey. Napansin niya ata ang galak ko.

“A-ah, wala naman. Excited lang ako,” sagot ko naman sabay bitiw ulit ng matamis at nakakalokong ngiti.

____________

Owning Innocent GreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon