Part 5: Jealous

1.1K 14 1

Habang nasa byahe ay nilibang namin ni Grey ang aming sarili sa pakikinig ng music. Since magkatabi naman kami ay isang earphone na lang ang ginamit namin. Siya ang nakaupo malapit sa bintana kaya halatang nag-eenjoy sya sa view na nadaraanan namin. Sabi ng classmate naming ay medyo matagal pa raw ang byahe kaya naisip kong matulog na lang muna. Ilang sandali pa ay nagising ako dahil sa naramdam kong bigat sa aking balikat. Si Grey. Nakatulog rin pala siya at ngayon nga ay nakapatong na ulo nito sa aking balikat. Hindi ko napigilang mapangiti. Sino bang mag-aakala na magiging ganito ako ka lapit sa inosenteng mokong na ‘to. Dati-rati ay parang ang hirap niyang abutin, ngunit ngayon, heto na sya sa tabi ko na nakahilig ang ulo sa aking katawan. ‘Anong gayuma ba ang pinainom mo sa akin Greyson Antonio at bakit parang ang lakas ng tama ko sayo?’ tanong ko sa sarili ko.

Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang camera nito. Palihim akong nagselfie kasama ang tulog na si Grey habang marahang nakapatong ang labi ko sa kanyang noo. I softly kissed his forehead, at inaamin ko, isa ito sa pinakamasarap na pakiramdam na naranasan ko sa buong buhay ko.

-----

Pagdating naming ng camping site ay agad nagbigay ng instructions ang facilitators.

“So class, for now, I want you to have your partner for our buddy system. Be responsible for your chosen partner, okay? Pwde na rin kayong mag set-up ng tent ninyo. We will start our activity by 10:30,” pag-i-instruct samin ni Sir Dave.

After ng instructions ay nagkanya-kanya na kami sa pag-aayos ng mga gamit namin. Since by group naman ang tent ay tumulong na lang kami ni Grey sa mga groupmates namin sa pagtayo ng tent. Walo kami lahat sa isang tent na pawang mga classmates ko rin naman. Puro kaming mga lalaki dahil bawal daw magsama ang babae at lalaki just to be safer.

Nang matapos kami ay pumunta na kami agad sa big field. Nagkaroon ng orientation kung saan sinabi ang mga rules and regulations. Then nagkaroon ng film showing at pagkatapos ay lunch.

Nakakuha na kami ni Grey ng pagkain ng bigla akong may naalala.

“Grey pakibantay na muna ng food ko, may kukunin lang ako sa tent,” paalam ko sa kanya.

“Sige kuya, hintayin ko na lang kayo para sabay na lang tayong kumain,” sabi naman nito.

Nagmadali ako papuntang tent para kunin ang isang pack ng Yakult na binaon ko. Alam ko kasing paborito iyon ni Grey kaya di ko nakalimutang magdala. Pagkakuha ko ay mabilis na akong bumalik kay Grey. Tanaw ko na si Grey ng biglang may humarang sa akin na tatlong babaeng sophomores na ikinagulat ko.

“Hello po Kuya Clay,” bati ng mga ito sa akin. Binigyan ko sila ng pilit na ngiti. “A-ahm, ano po kasi, d-diba magbestfriend po kayo ni Grey? Gusto sana namin siyang ayain mamaya sa bonefire kaso medyo nahihiya kaming mag-approach sa kanya. Pwede po bang kayo na lang magsabi sakanya?” sabi ng isa sa mga ito.

“Ahm, s-sige, susubukan ko,” sabi ko sa kanila sabay bitiw ulit ng sapilitang ngiti. “Sige ha, mauna na ko, kakain pa kasi kami,” paalam ko sa kanila at agad na akong umalis. Narinig ko silang nagpasalamat kaya tinanguan ko na lang sila. Ang maaliwalas kong mukha ay napalitan na ng inis. Bakit andami-rami ng nagkakagusto kay Grey?

Nang makabalik ako kay Grey ay agad kong inabot sa kanya ang dala kong Yakult. Tiningnan niya muna ako sa mata bago niya tuluyang abutin ang mga ito.

“Sino iyong mga babaeng lumapit sayo Kuya? Admirers mo ba?” tanong nito sa akin. Hindi ako sumagot. Nakadama ako ng biglang inis. Bakit ba napakadaming nagkaka-interes sa kanya? Kaya heto ako ngayon at naguguluhan na.

“Wala,” matipid kong wika. “Kumain ka na lang diyan, sayo na lang din iyang pagkain ko. At ubusin mo na rin iyang Yakult.” Sabi ko sa kanya sabay nguso ng pagkain ko at ng anim na bote ng Yakult. Nakita ko itong napalunok sa mga sinabi ko. Paano niya nga ba mauubos ang mga ito eh ang payat nito.

“G-galit ba kayo K-kuya?” nauutal nitong tanong. Tinuon ko sa kanya ang aking paningin at binigyan siya ng blankong ekspresyon.

“Hindi. Bilisan mo na lang diyan kumain.” Casual kong sabi.

Nakita ko siyang tumango at gaya ng isang masunuring paslit ay agad nitong sinunggaban ang kanyang pagkain. Palihim akong napangiti habang pinagmamasdan siyang kumain. Ang inosenteng mokong na ‘to, bakit ba ikaw lang ang nakapagpapasaya sa akin ng ganito? Tahimik kong tanong sa aking utak.

Hindi ko namalayan at naubos niya na nga ang kanyang plato at sinisimulan ng kainin ang aking pagkain. Nahalata kong pinipilit niya na ang kanyang sarili na ubosin ang mga ito kaya pinigalan ko na siya.

“Akin na nga yan,” sabi ko sa kanya ng may kasamang lambing sabay kuha ng pagkain sa kanya. “At sineryoso mo talaga ang sinabi ko, ha?” sabi ko pa.

Hindi ito sumagot. Nakayuko lang ito habang binubuksan ang Yakult na binigay ko sa kanya.

“Ano ka ba naman Grey, nagbibiro lang ako. Syempre ayaw naman kitang mabulunan,” malumanay kong wika sa kanya.

“Halika nga rito,” sabi ko sa kanya sabay tapik ng bakanteng upuan sa tabi ko. Patuloy lang ito sa pag-inom at tila hindi natinag kaya ako na mismo ang lumipat sa tabi niya.

“Uy, Grey, hindi naman ako galit sayo eh,” masuyo kong sabi sa kanya. “Ang totoo nga niyan, iniinvite tayo ng mga babae kanina na pumuntang bonfire nila,” tuluyan kong pagsabi sa kanya. Nakonsensya na rin naman kasi akong ipagkait sa kanya ang mga bagay na dapat nai-enjoy niya.

Hinarap niya ako at nakita kong nagliwang ang mukha niya.

“Talaga Kuya?” masayang sabi niya. Tumango ako.

“Oo, kaya wag mo na akong pagtampuhan.” Sabi ko sa kanya. Nanumbalik ang sigla ng mokong at inilapit ang pagkakaupo sa akin.

“Pakibuksan naman itong Yakult Kuya oh,” suyo nito sa akin.

“Pang-ilan mo na ba ito?”

“Pangatlo.” Sabi niya sabay bitaw ng malokong ngiti.

------

After ng dinner ay nagkaroon kami ng ilang activites pagkatapos ay inilaan na natitirang oras para sa get together. Nakita ko ang tatlong babaeng nag-invite samin kanina at kumaway ito sa direksyon namin ni Grey. Kumaway rin ako kaya lumapit na ang mga ito sa amin at nagpakilala. Si Jean, maputi ay may kataasan, si Lyn na maputi rin at normal lang ang height, at si Sheena na mailalarawan mong mestiza. Mababait naman ang mga ito kaya nga lang ay mahahalata mo agad ang mga pakay nito, ang magpapansin kay Grey.

Dinala kami ng mga ito malapit sa pond kung saan naroon na rin ang iba na nakapalibot na sa bonefire. Papalapit pa lang kami ay sinalubong na agad kami ng isang pamilyar na mukha na mas lalo kong ikinainis, si Sian. Lumapit ito kay Grey.

“Grey, buti at naka-attend ka,” sabi nito sabay tapik ng balikat ni Grey.

“Ah, opo Kuya Sian. Ang saya nga po,” nakangiti namang sagot ni Grey. Magsasalita pa sana si Sian ngunit inunahan ko na ito.

“Ahm Sian, maghahanap na kami ng pwesto ni Grey ha, nangangalay na kasi binti namin sa kakalakd eh,” pagdadahilan ko. Hindi ko na hinintay na makasagot ang ito at agad ko ng hinila si Grey palapit ng bonefire. Pagkaupo namin ni Grey ay sumunod na rin ang iba. Napansin kong panay ang tingin ni Sian at ng tatlong babae kay Grey. Gusto kong takpan si Grey. Inilapit ko ang aking labi sa tenga ni Grey at bumulong ng mahina,

“Grey, sa akin ka lang please. Huwag kang aalis sa tabi ko, ha?”

sabi ko sa kanya. Tiningnan ko ang mukha niya. Mababakas ang pagkagulat rito ngunit ilang sandali pa ay inilapit niya rin ang kanyang mga labi sa aking tenga. Ramdam ko ang mainit niyang hininga na dumarampi sa aking balat.

"Dapat na ba akong kabahan sa pag-aangkin mo sa akin Kuya, ha?" balik niyang tanong na naging dahilan ng biglang pag-akyat ng init sa aking katawan.

Owning Innocent GreyWhere stories live. Discover now