Part 6: Kiss or Confess

944 44 1


“Grey, sa akin ka lang please. Huwag kang aalis sa tabi ko, ha?” sabi ko sa kanya. Tiningnan ko ang mukha niya. Mababakas ang pagkagulat rito ngunit ilang sandali pa ay inilapit niya rin ang kanyang mga labi sa aking tenga. Ramdam ko ang mainit niyang hininga na dumarampi sa aking balat.

"Dapat na ba akong kabahan sa pag-aangkin mo sa akin Kuya, ha?" balik niyang tanong na naging dahilan ng biglang pag-akyat ng init sa aking katawan lalo pa at halos magkadikit na ang aming mga mukha. Tuluyan ko na sanang idadampi ang aking mga labi sa kanyang mukha ng malakas na nagsalita si Sian kaya nanghihinayang man ay pareho na lang kaming napabalik sa dati naming pwesto.

“Hey guys, so ngayon ay magkakaroon tayo ng game. Are you ready?” pagsisimula ni Sian.

Sumagot naman ang lahat habang ang iba ay naghihiyawan.

“So this game is called Kiss or Confess, bilang get-together na rin naman ang time na ito, I hope everyone will participate.” Dugtong niya pa.

Pinaliwanag nga sa amin ni Sian ang magiging mechanics ng game. Para rin itong Truth or Dare, kaso nga lang imbis na Dare ay automatic na kiss na lang. Ang mapipili sa unang spin ng bottle, siya ang magiging subject or taya. Then tatanungin siya if Kiss or Confess, kapag Confess, kailangan niyang sagutin ang isang question at kapag Kiss naman, iba-blindfold sya then magsi-spin ulit ng bottle, kung sino ang ituturo ng bottle, siya ang magkikiss sa taya. Since nakablindfold siya, hindi niya alam kung sino ang magkikiss sa kanya. Imbis na maexcite ay bigla akong kinabahan hindi para sa sarili ko, kung hindi para kay Grey. “Delikado to” napabulong ko sa sarili ko. Paano kung si Grey itong magiging taya, sigurado sasamantalahin na ng iba ang pagkakataon na mahalikan siya.

“Grey, ano? Okay lang ba na sumali tayo?” mahina kong sabi sa kanya.

“Oo naman Kuya, game lang naman to, diba?” sabi niya.

Napatango na lang ako at ibinalik ko ang paningin kay Sian na nagsimula ng magspin ng bottle. Una naging taya ang ka batchmate naming babae. Tinanong siya if Kiss or Confess tapos pinili niyang magconfess. Kaya tinanong siya kung sino ang pinakapinagpapantasyahan niyang lalaki sa school, at dahil nga bawal magsinungaling, inamin niyang Sir Dave, ang Math teacher namin ang pinakapinagpapantasyahan niya. Kaya bigla na lang nabalot ng hiyawan at tilian sa palibot ng bonefire.
Bago magpatuloy ay nag-instruct ulit si Sian.

“So I hope na kung ano man ang confessions dito ay atin-atin na lamang. And kapag may pumili ng Kiss, kung sino man ang hahalik sa kanya, nasasainyo na iyon kung saan niyo siya gustong halikan.” Pagpapaliwanag ni Sian. Nag-agree naman ang lahat kaya nagpatuloy ang game. Sunod na naging taya ay si Sheena, ang mestiza from sophomore. Pinili niya ang kiss kaya piniringan siya ng panyo at muling nagspin ng bottle para malaman kung sino ang hahalik sa kanya. Habang umiikot ang bottle ay nagcrossfinger ako. “Huwag si Grey, please. Please, huwag lang siya.” Panalangin ko. At nang huminto nga ang bote, ang malas lang na si Grey talaga ang tinuro. Shit. Bigla akong napamura. Naghiyawan naman ang iba ng malaman nilang si Grey ang hahalik kaya nagsimula na ang tuksuhan.

“Pwede kang humindi kung ayaw mo,” sabi ko sa kanya habang tinitingnan siya ng diretso sa kanyang mga mata.

“Ayos lang po Kuya, kaya ko naman po,” ganti nito sa akin na sinabayan niya ng ngiti.

Nang tumayo na si Grey ay mas lalong lumakas ang tilian ng iba habang ako naman ay tahimik lang na nakatingin sa kanya. Dahan-dahan itong lumapit sa harapan ni Sheena, pumwesto ito sa harapan niya ang marahang hinalikan ang noo ng babae. Patuloy pa rin ang hiyawan ng mga kasama namin. Medyo matagal ang halik na binigay nito kay Sheena ngunit makikita mo parin ang pagiging gentleman nito. Napansin ko rin ang paghanga ng aking mga kasama kay Grey dahil sa pinakita nitong pagiging sweet kaya mas lalo ko silang kinainisan. Nang makabalik na si Grey sa tabi ko ay saka na kinuha ang piring ni Sheena. Agad naman niyang nahulaan na si Grey daw ang humalik sa kanya dahil naalala niya ang pabango nito ng magkaharap sila kanina.
Nagpatuloy pa ang laro ngunit hindi ko rin naman kilala ang ibang mga naging taya. Hanggang sa muling nagpaikot ng bote at sa akin ito tumuro. Bigla akong kinabahan. Ayokong mahalikan ng iba, gusto ko si Grey lang, ngunit kapag pinili ko ang Confess, sigurado naman akong tatanungin nila ako kung sino ang pantasya ko. Hindi ko naman pwedeng aminin sa kanila na ang katabi kong ito ang greatest fantasy ko.

“Oh ano Clay, Kiss or Confess?” tanong ni Sian.

Sandali akong napaisip bago muling magsalita.

“I choose Kiss” mahina kong sabi. Nagtilian ang mga kasama naming babae sa sinabi ko. Binigyan ko na lang sila ng tipid na ngiti. Piniringan nila ako at naramdaman kong nagsimula na silang magspin ng bottle. Puro ingay at hiyawan lang nila ang aking narinig. At ilang sandali pa ay mas lalo silang napasigaw, malamang any huminto na ang bote. Biglang bumilis ang pintig ng puso ko. Naisip ko si Grey, ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag makita niyang hinahalikan ako ng iba? Gusto kong makita ang magiging reaksyon niya ngunit imposible naman dahil nga may piring sa mata ko. Hanggang sa naramdaman ko na lang na may tumayo sa aking harapan habang napakaingay naman ng iba ngunit hindi ko rin naman marinig ang boses ni Grey, kunsabagay, tahimik naman iyon palagi.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko na lamang ang pagdampi ng malalambot na labi sa aking mga labi na sobra kong ikinabigla. Sa sobrang lambot nito siguradong ako labi ito ng isang babae. Ngunit ilang sandali pa ay unti-unting naging pamilyar sa akin ang mga halik. Hanggang sa bumalik sa aking ala-ala ang nangyari sa amin noon ni Grey sa CR. Naalala ko kung paano ko noon sakupin ang kanyang mapula at malambot na labi. Tama, si Grey nga ang humahalik sa akin ngayon. Parang bigla akong nabingi, hindi ko na rinig ang hiyawan, ang tanging alam ko lang ay si Grey itong humahalik sa akin ngayon. Nang wala anu-ano ay lumaban na ako ng halikan sa kanya at siya rin sa akin. Hanggang sa pareho kaming naubusan ng hininga at napaupo na lang muli ito sa tabi ko.

“Mukhang ako ata ang umangkin sa inyo Kuya ah,” narinig kong bulong niya sa akin. Kahit may piring pa ang aking mga mata ay hindi ko na mapigilang mapangiti.

“Tapusin natin 'to mamaya ha,” bulong ko pabalik sa kanya sabay akbay sa kanya.

________

Owning Innocent GreyWhere stories live. Discover now