Part 7: Hands Underneath

1K 16 1


Bandang 11:30 ng matapos ang game kaya kanya-kanya na rin kaming nagsibalikan sa aming tent para magpahinga dahil maaga pa ang activities namin bukas. Habang nasa daan ay wala kaming imikan ni Grey kahit ilang pulgada lang ang pagitan namin, iyong tipong nagpapakiramdaman kami sa isa’t-isa. Hindi lang rin kasi maalis sa isipan ko ang nangyari sa amin kanina. Pangalawang beses nanaming halikan ang nangyari kanina sa game. Nakakapag-init lang sa katawan dahil siya mismo ang humalik sa akin, at siya mismo ang may gusto na halikan ako sa mga labi kahit pwede naman na sa ibang parte ng aking mukha. Bakit Grey? Nahuhulog ka na rin ba sa akin? Mga tanong ko sa sarili.

Nang malapit na kami sa tent ay narinig ko na siyang nagsalita. Kaya huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya.

“Kuya Clay, pwede ba akong magpasama muna sa control quarter? Manghihilamos lang ako,” sabi niya. Casual lang ang mukha nito.

Tumango naman ako bilang tugon. Nang pagsang-ayon ko ay nagsimula na ulit itong maglakad ngunit sa pagkakataong ito ay sobrang lapit na naming sa isa’t-isa na halos nagkikiskisan na ang mga braso namin.

“Kuya, tungkol pala kanina,” simula niyang sabi na biglang ikinabilis ng tibok ng puso ko. “Hindi ko nga rin alam kung bakit sa lips talaga kita hinalikan kanina, pero okay lang din naman po siguro iyon dahil magkaibigan naman tayo, diba?” inosente niyang tanong. Di ko na napigilang mapangiti sa naging tanong niya. Bakit nga ba naging saksakan ng pagka-inosente itong taong ‘to. Kung anu-anong bagay na ang pumapasok sa isip ko habang siya naman ay tila walang kamali-malisya sa katawan. He’s always been as sweet innocent kid as this. Kaya mas lalo akong nahuhulog sa kanya at mas tumitindi lalo ang kagustuhan kong protektahan at alagaan siya.

Inakbayan ko na siya bago sumagot. “Oo naman, bestfriend naman kaya tayo.”

At ngiti na lang ang ginanti niya sa akin. At sa puntong ito ay gumaan ulit ang aking pakiramdam dahil wala ng awkward moment na namamagitan sa pagitan namin.

Pagdating sa quarter ay agad na siyang naghilamos kaya sinabayan ko na lang din siya.

“May dala ka bang towel Kuya?” tanong niya sa akin.

“Wala nga rin eh, di bale, itong shirt ko na lang gamitin mo, malinis pa naman to,” sabi ko sa kanya sabay hubad ng aking t-shirt. Lumapit ako sa kanya at ako na mismo ang nagpunas ng mukha niya. “Halika nga rito at ako na ang magpupunas sa mukha mo,” sabi ko. Lumapit na rin siya at hinarap ang mukha sa akin.

Di ko na napigilan ang mapangiti ng nagsimulang dumampi na ang aking kamay sa kanyang pisngi. Sobrang lambot nito na tinalo pa ang kutis ng babae. Nakapikit ito habang pinupunasan ko ang kanyang mukha kaya agad mong mapapansin ang mahahaba nitong pilik-mata na nakakadagdag sa pagiging gandang-lalaki nito. At ang kanyang labi na mamula-mula na tulad ng sa sanggol. Sino nga ba ang makakapagsabi na dalawang beses kong natikman ang mga nakakahalinang mga labi na ‘to. Pinagpatuloy ko ang pagpunas hanggang sa kanyang leeg gamit ang aking shirt.

“Grey,” di ko napigilang bigkas sa pangalan niya.
Dahan-dahan nitong minulat ang kanyang mata at binigyan ako ng nagtatanong na tingin.

“Gusto ko lang malaman, ako pa lang ba ang nakahalik sa lips mo? Am I your first kiss?” mahina kong tanong sa kanya habang diretsong nakatingin sa mga mata niya.

Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya. Nagulat siya siguro sa naging tanong ko. Hanggang sa tumango-tango na lang siya na nakangiti at tila nahihiya.

Kaya napangiti na rin ako sa sobrang tuwa at napayakap na lang ako sa kanya kahit pa na wala akong damit kaya damang-dama ko na rin ang init ng kanyang katawan. Ewan ko nga ba at bakit ganito ka sarap ang pakiramdam ang malamang ikaw ang unang nakahalik sa taong gusto mo.

“Okay ka lang Kuya?” awat ni Grey ng naging masyadong mahigpit na ang pagkakayakap ko sa kanya. Kaya napabitaw na lang ako.

“Ahm. Oo. Masaya lang ako,” sabay bitaw sa kanya ng malokong ngiti. Binigyan din ako nito ng nang-iinis na ngiti kaya pinitisil ko ang dulo ng ilong nito.

“Halika na nga, balik na tayo do’n sa tent,” anyaya ko na lang sa kanya at baka hindi ko na mapigilan ulit ang sariling kong halikan siya ulit.

---------

Tulog ng ang anim naming kasama nang makabalik kami ni Grey ng tent kaya agad kaming nag-ayos ng higaan. Pinili kong sa pinakagilid na lang kami pumwesto para hindi nila maistorbo si Grey. Subukan lang nilang galawin si Grey at malilintikan talaga sila sa akon.

“Nga pala Grey, share tayo dito sa kumot diba? Paano ba iyan? Dapat sobrang lapit mo sa akin kasi medyo maliit ‘tong kumot ko eh,” saad ko sa kanya.

“Sure Kuya, ako na pong mag-aadjust,” seryoso naman nitong sagot pagkatapos ay nagpatuloy ito sa pag-aayos ng beddings niya. Nauna na akong humiga at nagcheck ng phone ko hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Nagising na lang ako bigla dahil sa bigat na pumatong sa tagiliran ko. Minulat ko ang aking mata ngnit wala naman akong maaninag dahil sa sobrang dilim. Kinuha ko ang phone ko para magkailaw. Nagulat na lang ako na si Grey na pala itong nakapulupot sa akin. Mahimbing ang tulog nito at bahagyang nakabukas ang labi. Kahit tulog man ay sobrang cute pa rin nitong tingnan. Talagang ang mokong ito, ginawa pa akong unan. Aayosin ko sana ang pagkakahiga niya ngunit nagulat na lang ako ng makita kong bahagyang nakapasok ang isang kamay nito sa kanyang boxer. Kaya mahina akong napahagikhik sa kanya. Normal lang din naman kasi iyon sa mga lalaki na minsan ay napapasok ang sariling kamay sa loob ng kanilang brief habang natutulog ngunit iba ang dating kapag kay Grey. Para bang isang syang batang paslit na nakalimutang ilabas ang kamay mula sa kanyang boxer habang nagkakamot. Bakit napaka inosenteng tingnan ng lalakng ito kahit saang anggulo. Kinunan ko siya ng picture ng sa ganong ayos bago ko kinuha ang kanyang kamay at inayos ang kanyang pagkakahiga. Narinig ko ang mahina nitong hilik ng binago ko ang posisyon niya. Inayos ko rin ang kumot namin bago bumalik ng tulog.

Sinubukang kong matulog ngunit mukhang hindi na ako muling dalawin ng antok kaya muli na lang akong nagphone. Binuksan ko ang aking gallery para tingnan ang picture ni Grey. Ngiti ako ng ngiti habang tinitingnan ito hanggang sa nakaramdam ako ng pag-init ng akong aking katawan. Bigla akong nacurious kung ano kaya ang amoy ngayon ng kamay ni Grey. Gusto kong pigilan ang aking nararamdaman ngunit tila may pumipilit sa akin na gawin ito. Kaya wala sa sariling kinuha ko ang kamay ni Grey at inilapit sa aking mukha at marahang inamoy ito. Wala naman kakaibang amoy sa katunayan, ngunit nakapagbigay ito ng kakaibang dulot sa aking katawan. Hawak-hawak ko pa rin ito ng may narinig akong nagsalita.

“Kuya Clay, ano pong ginagawa niyo sa kamay ko?” biglang sabi ni Clay na nagising rin pala. Ano kaya ang idadahilan ko sa kanya kung bakit hawak-hawak ko ang kanyang kamay habang dis-oras ng tulog.

Owning Innocent GreyWhere stories live. Discover now