Part 9: Setting Free

951 13 1


Kinabukasan ay late na akong pumasok ng klase. Buti na lang at kasisimula lang ni Ma’am maglecture kaya hindi niya na ako masyadong pinagalitan. Nang makaupo ako ay bahagya akong nilingon ni Grey ngunit agad naman akong umiwas ng tingin sa kanya kaya hindi ko na nakita ang naging reaksyon nito. Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa teacher namin sa harap. Hanggang sa naramdaman ko na lang na inalapit nito ang kanyang mukha malapit sa akin at mahinang nagsalita.

“Kuya, pwede ba akong magpasama sa’yo sa National Book Store mamaya? May bibilhin lang po akong supplies,” mahina nitong sabi.

“Ahm, Grey, kasi ano,” pagsisimula ko. Pansamantala akong humagilap ng dahilan sa pakiusap niya. “Ano kasi Grey, inaya ako nila Drew na sumama sa kanila mamaya. Hindi na ako nakatanggi sa kanila kasi matagal ko na rin silang hindi nakaka-bonding,” pagdadahilan ko. Masakit man sa kalooban kong tanggihan siya ay mas pinili ko pa rin ang iwasan na lang siya muna. Gusto ko si Grey, gustong-gusto. Ngunit masyado pa kaming mga bata. Marami pa kaming pwedeng gawin sa kanya-kanyang buhay ng mag-isa.

“Okay lang Kuya, naiintindihan ko. Wala namang problema kahit ako na lang rin naman,” sagot niya naman na sinundan ng isang ngiti.

Masakit man na hindi siya mapagbigyan ay hindi na ako nagpahalata. Tinanguan ko na lang siya at binalik ang paningin sa teacher namin. Sa harapan man ang aking paningin ngunit si Grey naman ang laman ng utak ko. Sinikap kong magfocus sa class ngunit patuloy lang akong naguguluhan.

Nang maglunch break ay nagmadali akong nagligpit ng gamit. Bago ako tumayo ay may inipit akong maliit na papel sa isa sa mga books ni Grey. ‘Sorry sa kahapon,’ iyon ang sulat na nilagay ko sa papel. At agad na akong umalis. Narinig kong tinawag niya ako ngunit nagkunwari na lang akong hindi ko siya narinig. ‘Sorry, Grey, Sorry,’ paulit-ulit kong bigkas sa aking isipan.

Nagmadali akong lumabas ng building at agad nakisabay na sa mga barkada ko. Matagal-tagal na rin nga na hindi ko nakakasama ang mga ito dahil nga sa palaging si Grey ang nakakasama ko.

“Clay, pare,namiss ka rin namin a, matagal ka ring hindi naka-join sa ‘min,” sabi ni Drew ng umupo ako sa tabi niya kasama ang iba pa naming barkada sa Canteen. “Bakit, ano bang bago? Break na ba kayo no’ng si Grey mo, ha?” pang-aalaska pa nito.

“Tarantado, anong break pinagsasabi mo? Kaibigan ko lang ‘yon,” pagtatanggi ko naman na sinundan ng isang bulong. “Noon,” mahina kong sabi na tanging ako lang ang nakarinig.

“Kung gano’n, eh bakit hindi mo pinapansin ang mga chics na nagpapansin sa ‘yo? Ayan tuloy, ako nilalapitan,” pagbibiro pa ni Drew na sinundan naman ng tawanan ng iba ko pang kabarkada. Mahina ko itong sinapak ngunit malakas na tawa lang ang ginanti nito sa akin.

“Ulol,” matipid kong ganti.

“Pero seryoso Clay, marami naman kasi talagang mga babae ang nagpapapansin sa’yo, hindi mo lang sila pinagtutuonan ng atensyon. Matagal ka na ring hindi nagkaka-girlfriend, hindi mo ba nami-miss na mayroong nag-aalaga sa’yo?” seryosong wika ni Drew.

Bahagya akong napaisip sa sinabi ng kaibigan ko. Nakalimutan ko na rin talaga ang pakiramdam na ako ang inaalagaan. Oras na nga siguro para ituon ko naman ang sarili ko sa iba.
Nang matapos kaming kumain ay agad akong nagpaalam sa kanila. Dumiretso ako ng library para magpalamig at makapag-isip-isip.

Nang makarating ako ay humanap ako ng pwesto na komportable akong makapagpahinga. Binuksan ko ang phone ko at nagpatugtug ng music gamit ang aking headset. Hindi ko alam kung bakit pero tila may pumipilit sa akin para buksan ang aking gallery. At iyon nan nga, nagsimula ng tumulo ang mga luha ko ng tumambad sa akin ang mga photos ni Grey. Isa-isa kong inusisa ang mga picture niya sa gallery ko. Iyong magkatabi kaming kumakain ng lunch, ‘yong stolen shots niya habang umiinum ng buko juice at yakult, iyong natutulog siya sa bus habang nakapatong ang ulo sa mga balikat ko, iyong busy siyang sumasagot ng assignment namin, at maging ang makulit niyang pwesto habang natutulog. Nakakakirot sa dibdib na iniiwasan ang taong labis na nagpapasaya sa’yo.
Nang makalabas ako ng library ay naisipan kong lumabas muna ng campus. Malapit na ako sa gate ng may narinig akong tumatawag sa akin. Hindi ko man lingunin ay alam kong si Grey iyon. Kaya nagkunwari na lang ulit akong walang narinig at nagpatuloy lang sa paglalakad.

“Kuya,” habol niya pang tawag sa akin kaya mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad.

“Teka lang, Kuya Clay,” patuloy pa rin siyang humahabol. Sinubukan ko mang labanan itong sarili ko ngunit wala akong nagawa. Ayoko siyang magmukhang tanga at mapagod sa kahahabol sa akin. Ayoko siyang makita na pinagpapawisan. Ayoko siyang maiwan sa ere nagtataka kung bakit bigla akong lumayo sa kanya. Ayokong sisihin niya ang kanyang sarili. Kaya huminto na lang rin ako at humarap sa kanya. ‘Only God knows how much I love you, Grey,’

“Kuya Clay,” hinihingal nitong sabi ng makalapit sa akin. Nakatukod ang mga kamay nito sa kanyang tuhod at bahagyang nakayuko dahil sa pagod. Naririnig ko pa ang mabilis nitong paghinga marahil dahil sa pagtatakbo nito. Hinayaan ko na lang muna siyang makakuha ulit ng hangin bago ako tuluyang makalapit sa kanya. Hinawakan ko siya sa braso at itinaas ito mula sa kanyang pagkakayuko. “Yakult tayo? Libre ko,” nakangiti kong sabi. Tumango ito na nagniningning ang mata. Kinuha ko ang bag nito mula sa kanyang likuran at huinila na siya. “Tara?”

Nakangiti naman itong tumango na ani mo’y isang paslit na napagbigyan ang hiling. Nauna na akong naglakad at naramdaman ko namang nakabuntot ito sa aking likuran. Wala kaming naging kibuan habang sa daan. Hindi ko rin ito nilingon dahil nakokomsensya akong makita ang tila napagod nitong katawan.

Pumunta kaming 7-eleven na katapat lang ng school namin. Pagpasok doon ay pinaupo ko muna siya at ako naman ay dumiretso sa beverage station. Kumuha ako ng half-dozen ng Yakult at dumiretso agad sa counter. Nang bumalik ako sa kanya ay tahimik lang itong nakupo habang minamasdan mula sa clear glass ang isang bata na kumakain ng ice cream sa labas. Mahina akong tumikhim bago umupo sa harap niya.

“Andami niyo atang binili Kuya, ah,” sabi nito ng ipatong ko ang binili ko.

“Syempre, paborito mo iyan diba?” nakangiti kong sagot sa kanya. “At malay mo, baka iyan na ang last na libre ko sa’yo,” dugtong ko pa.

Napansing kong biglang lumungkot ang mga mata nito sa sinabi ko.

“Napagod na ba kayo sa kakalibre sa ‘kin, Kuya? Sige, babawi ako, ikaw naman ililibre ko next time,” sabi naman nito.
Binuksan ko ang isang bote ng Yakult at inabot sa kanya. Nakangiti naman niyang utong tinannggap at agad ininom. Nang mailapat niya na ulit ito sa table ay muli akong nagsalita.

“Grey, I want to tell you something,” pagsisimula ko.
Marahan naman itong tumango habang diretsong nakating sa aking mga mata.

“Alam mo naman kung gaano tayo ka-close diba? I mean, magbestfriend tayo at pareho nating alam iyon. Ngunit baka kasi masyado na tayong nagiging insensitive sa mga tao sa paligid natin,” seryoso kong sabi. “Alam ko kasing marami pa sanang gustong makipagkaibigan sa’yo, ganoon rin sa akin, ngunit hindi lang natin napapansin kasi masyado tayong focus sa isa’t-isa. Si Sean. si Geoff, sina Sheena at Jean, marami ka pa sanang makilala kung hindi lang kita masyadong ipinagdamot sa kanila,” patuloy ko pa.

Patuloy lang itong nakatingin sa akin na tila hindi naiintindihan ang ibig kong sabihin. Kaya nagsalita na lang ulit ako.

“We will always be bestfriend, promise ko iyan sa’yo Grey. Pero I want you to mingle with others and enjoy your life. Ang bata-bata pa natin kaya dapat i-enjoy lang natin ang buhay, ‘di ba?” sabi ko pa.

Walang masyadong reaksyon ang mukha nito ngunit mahahalata mo ang kalungkutan mula rito. Indi muna ito sumagot sa akin at tila nag-iisip. Hinintay ko itong muling magsalita.

“Opo Kuya, naiintindihan ko kayo,” pag-uumpisa nito. “Baka nga rin masyado na kayong naging focus sa pagsama-sama sa akin na nakalimutan niyo na ang lovelife niyo.”

Nginitian ako nito. Isang ngiti na tila nagsasabing naiintindihan niya ang lahat.

“Pero pwede ka pa rin namang magpasama sa akin minsan, hindi kita hihindian. Pero gusto ko ring magawa mo ang mga bagay na gusto mong gawin,” pagpapagaan ko pa ng pakiramdam niya.

Hindi na ito sumagot at tumango-tango na lang. Kinuha ko ang panyo mula sa kanyang bag at pinunasan ang pawis sa gilid ng mukha nito. Hinayaan niya lang akong punasan ang mga iyon. Pagkatapos ay ibinagay ko na sa kanya ang panyo nito sunod ay ang bag niya.

“So paano, mauna na ako Grey? May dadaanan pa kasi ako, kita na lang tayo mamaya,” sabi ko sa kanya sabay tayo.

“Sige Kuya,” sabi niya sabay wave ng kamay sa akin. Hanggang sa unti-unti na akong tumalikod sa kanya, at iniwan siya na mag-isang naka-upo sa isang sulok. Ang sakit, sobrang sakit.

Owning Innocent GreyWhere stories live. Discover now