Ano ba yan Ej!  Sa isang damit lang, sume- sentimental? Napagdesisyunan ko na lang ilagay sa box yung damit. Itatago ko muna. Ayaw ko muna makita ang mga ito. Masyado pang masakit. Dapat hindi ako makaramdam nito but it keeps bugging me. Hays. Sana yung pagmo-move on ay parang pagtae. Sa isang flush lang, mawala na ang lahat.

Kadiri ka EJ! Sa pagtae talaga ikumpara? Nababaliw na ako kakausap sa sarili ko.

Nang matapos ko ang pagliligpit, nahiga na lang ulit ako. What to do next? Napatingin ako sa side table at nakita ko yung charge.

*lightbulb*

Yung cellphone ko! Magse-cellphone na lang ako. Ang tagal ko ng hindi updated sa social media. Nasaan na ba yun? Ang huli kong gamit ay bago ako ma-suspend.

Hinanap ko lahat ng sulok ng kwarto ang phone. Ito ang mahirap sakin. Masyado akong burara at nakalimutan ko na kung saan ko nilagay.

Nahanap ko rin siya sa basket ng labahan ko. Mygad! Ano bang kabalahuraan yung ginawa ko? Seriously, sa basket talaga ng labahan hays.

Nang binuksan ko na ang wifi, maraming notifications ang sumabog. Sampung messages at 20 missed calls sa messenger ang natanggap ko kay Ela. Sigurado, nag-alala na yun sakin. Ni-reply-an ko na siya para hindi siya mag-alala.

Limang messages ang natanggap ko kay Austin. Wow! May gana pa siyang itext ako matapos niya akong saktan? Kapal ng muks. Kahit na I was fuming mad at him, binasa ko pa rin yung message niya.

Baeby ko: Can we talk? Coffee tayo.

First of all, ang jeje ng tawagan. Ako ata nagbago ng name niya sa nicknames. Ganito ba talaga ako kajeje? Shame on you EJ.

Aba! May pakape pakape pa siya. Ang kapal ng mukha niya. Akala naman niya madadaan niya ako sa mga ganyang scheme niya neknek niya. Ito yung mga choices:

A. Anong pag-uusapan namin kung paano niya ako niloko?

B. Kung bakit niya ako pinagpalit sa babaeng Ether na yun?

C. Yung pagkukulang ko sa kanya?

D. Tapos, kung gaano kasakit ang idinulot niya sa akin?

Or

E. All of the Above

Kapal ng mukha sobra.





Pero in the end, i-ch-in-at ko siya kung saan at kelan yung pag-uusap namin. Bakit ba? Mahal ko yung tao kahit masakit na huhuhu. Bakit ang tanga ko? Siguro, nakasulat na sa tadhana ko ang pagiging tanga sa love hays. Siguro ito na yung closure na hinahanap ko. Pagbigyan niyo na ang dakilang tanga at napaasa awardee.

Last three messages ay natanggap ko ay kay LJ. Hindi ko inaasahang ite-text niya pa ako eh s-in-een ko lang siya. Ang hard kaya ng tanong niya.

LJ: Good morning. Hindi ka na nag-reply sa akin kagabi. Forget about that. Don't skip meals. Smile always.

LJ: Smile is the best silence to the fool. Good morning EJ :)

LJ: Good morning EJ. Don't let the negativity affects you :)

Yan yung mga message na na-receive ko kay LJ. I don't know but I felt something through his messages. I don't know. Siguro hindi lang ako sanay na i-good morning. Wala namang ganyang paandar si Austin. Ako pa nagi-initiate.

Ni-reply-an ko siya ng good morning din. Nagulat ako at nag-reply siya agad agad.

LJ: Bakit ngayon ka lang nag-reply? Nami-miss na kita *insert pout emoji*

Naloka ako sa tanong niya. Ako na-miss niya? Bakit naman.

Me: Ito okay lang. Something happened kasi these past few days at nakalimutan kong mag-online. Nami-miss mo ko?

Idi-delete ko sana yung huling pangungusap pero dahil sa nginig ko, na-pindot ko yung send. Bakit ako ganito? Masyado na akong patiwakal.

LJ: Oh, I see. Yup, I really miss you. Hahaha. Do you miss me too?

Literal na nahulog ako sa kama ko huhuhu. Sakit ng balakang ko. Nagkaroon ata ng pasa.

Bwisit kasi itong si LJ. Hindi ko kinakaya yung Do you miss me too chenes eklavu line niya.

Narinig ko na lang na may kumakatok sa pinto. Binuksan ko yung pinto kahit paika ika. Bumungad sakin si mama.

"Oh anak, anyare sayo at bakit paika ika kang naglalakad?" nag-alalang tanong niya.

"Nahulog po kasi ako sa kama. Okay na ako ma. Hindi na masakit" assurance na sabi ko sa kanya. Ayaw ko mag-alala siya na may nangyari na naman lalo na kapag napilayan ako. Hindi ko kinakaya yung remedy ni mama kaloka. Mas masakit pa yung remedy niya.

"Ipapahilot kita kay Aling Teria para mawala yung sakit sa balakang mo" sabi ni mama. Napalaki ang mata ko. Huwag sa kaniya mygod! Okay na lang sa iba pero huwag lang sa kanila

Si Aling Teria kasi ay isang manghihilot. Hindi lang manghihilot kundi isang askjshjdk na manghihilot. Hindi mo naintindihan no? Basta masamang masama yang word na yan. Masyadong mabibigat ang kamay manghilot kaloka. Alam mo yung parang hinihilot ka ni Hulk. Ganyan siya manghilot kaya ayaw kong nagpapahilot sa kanila.

May asawa yan si Aling Teria, si mang Terio. Diba match in heaven ang peg? Katulad ng kanyang asawa, manghihilot din siya. Kilalang kilala sila sa lugar namin at takilya ang nagpapahilot sa kanila. Literal talaga. Simula no'ng hinilot nila ako, sinusumpa ko na hindi na talaga ako uulit pa. Hindi na uulit pa yahyahyah!

"Ma, pwedeng sa iba na lang ako magpahilot please?" request ko sa kanya. Hindi na ako pupunta doon no ever.

"Doon na. Huwag ka ng umarte. Maligo ka na at magpahilot ka na dun" firm na sabi niya. Naloloka kasi ako. Aangal sana ako pero,

"Huwag kang umarte dyan EJ. Para kang natatae dyan. Hala bira! Maglalaba na ako. Kumuha ka na lang sa bag ng pera" utos niya sakin. Ang hard ni mama no. Dyan nagmana si kuya. Nag-opo na lang ako habang iika akong bumalik sa kama.

Bakit parang galit sakin ang mundo at pinaparusahan niya ako ng ganito? Si Aling Teria pa ang kabayaran ko.  Why huhuhuhu?!

Maliligo na nga ako at magtutuos pa kami ni Aling Teria huhuhu.

Pero, bakit may naramdaman akong iba sa mga messages ni LJ? It is something that I can't explain. Naloloka na ako mga besh. Send SOS.

Hays, isa lang naman ang masasabi ko ngayon,


Bakit ako?

~~❤
A/N:
D'ya like the cover of the story? Give a vote on this chappy thanks.

Muntik Na Kitang MinahalWhere stories live. Discover now