XII.

6 1 0
                                    


After that day, lagi kaming nagkakasama ni Xavier pero hindi namin napagusapan yung tungkol sa something came up daw. Ayoko namang magtanong kasi baka masyadong personal yun. Tsaka sino ba naman ako para makiusyoso sa personal life niya? Ano ba kami?

Thursday ngayon, ibig sabihin wala akong pasok. Nagdecide akong magstay nalang dito sa bahay magdamag. Wala naman akong kailangang puntahan kaya magpapahinga nalang ako. Wala namang thesis o kung anong pinagagawa. Ang chill ko lang mula noong umuwi kami galing retreat.

Speaking of retreat, hanggang ngayon napapaisip ako kung sino ba yung nagsulat ng letter para sakin. Wala akong ideya dahil wala ni isang nagpaparamdam sakin. Maliban kay Xavier hehehe. Pero seryoso, wala talaga. Bilang lang ang mga nakakausap kong lalaki at halos wala naman akong sobrang close sa kanila. Nahulog ako sa malalim na pag iisip. Posible kayang si Gio? Huh? Anong sinasabi ko? Yon ang pinakaimposible sa lahat ng imposible!

Nabura lahat ng nasa isipan ko nang tumunog bigla ang phone ko.

From: Angie

Sum!! Kailangan mong pumunta dito sa school! Now na! You have to see what's going on here.

Huh? Ano bang meron sa school? Ah! Ngayon ang dating ng bagong exchange student. Pero bakit kailangan kong makita yon? Baka naman may iba pang ganap.

Kahit nakakatamad, nacurious parin ako sa sinasabi ni Angie kaya pumunta ako sa school. Pinili kong magsuot ng jeans at white v-neck shirt. Wala na akong maisuot.

Naging mabilis ang byahe, himala. Nagtuloy tuloy na ako sa LPU at hinanap si Angie nang biglang tumunog uli ang phone ko.

From: Angie

Wag ka na sa school dumiretso, sa Starbucks malapit sa LPU na.

Kahit di ko alam kung anong meron, sinunod ko yung sinabi ni Angie. Isa akong uto.

Nakarating agad ako dahil walking distance lang naman. Nakita ko kaagad si Angie sa labas na nakasilip sa loob. Dahan dahan akong naglakad palapit sa kanya.

"Boo!" panggugulat ko sakanya. Bahagya siyang napatalon sa gulat. Napatawa naman ako ng malakas.

"Ano ka ba?! Halika tignan mo!" hinatak niya ako palapit dahilan para makita ko ang loob ng Starbucks.

Inikot ko ang paningin ko dahil wala naman akong nakitang kakaiba. Binalik ko ang tingin ko kay Angie at mukhang naintindihan niya naman kung ano ang gusto kong sabihin.

"Bandang dulo kaliwa." sinunod ko ang sinabi niya at tumingin sa dulo ng kaliwa. Doon ko nakita ang likuran ni Xavier at sa harapan niya ang isang maputing babae na mukhang Amerikana.

"Yan yung bagong dating na exchange student. Kanina nung dumating yan, si Xavier agad ang hinanap. Tas nung nakita niya, tumakbo siya para yakapin na parang miss na miss niya. Imposibleng nanay niya yan!" kumurap kurap ako bago harapin si Angie. Ang tanga rin naman niya para isiping nanay yan ni Xavier.

"Baka ate?"

"Hindi kamukha!" pinagkrus ni Angie ang mga braso niya.

"Kaibigan?"

"Stop making excuses, Summer! Go na prangkahin mo na." pinagtulakan ako ni Angie sa entrance pero nagpumiglas ako.

"Wala ako sa posisyon para gawin yon." hinarap ko si Angie saka nginitian. Halata sa mukha ni Angie ang pagtataka.

Iniwan ko siya ang naglakad palayo. Hindi dapat ako gumawa ng eksena. Hindi tama yon at wala naman akong karapatan. Pinili ko nalang manahimik para walang gulo.

Pagtapos ng araw na yon, maaga ako laging umaalis para di ako madatnan ni Xavier. Bahala siya kung maghintay siya sa bahay ko. Paulit ulit rin siyang nagtetext at tumatawag pero wala ni isa akong sinagot. Hindi narin ako pumupunta sa mga session namin. Iniwasan ko rin siyang makasalubong sa campus pero mukhang imposible dahil may subject na magkaklase kami.

Sa subject na dapat magkatabi kami ay lumipat ako ng upuan. Tumabi ako kay Angie sa unahan at pinakiusapan ko nalang yung dapat katabi niya na makipagpalit na sakin.

"Ano Sum? Gaganyan ka nalang? Walang idea yung tao bakit iniiwasan mo siya oh. Kausapin mo na kasi." pamimilit ni Angie nang magsimulang maguwian yung mga kaklase namin. Nakaupo lang si Xavier sa upuan niya habang nakatitig sakin. Nag iwas ako ng tingin saka naglakad palabas. Ramdam ko ang pagsunod ng tingin sakin ni Xavier.

Bago pa ako tuluyang makalabas ay nakita kong tumayo si Xavier para sundan ako. Binilisan kong maglakad pero balewala rin dahil sa laki ng hakbang niya. Mabilis niya lang akong naabutan. Naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko at mabilis na hinarap sakanya.

"Hey, anong problem?" hinanap niya ang mata ko. Pinigilan ko ang sarili kong tignan siya.

Hinawakan niya ang baba ko at dahan dahang tinaas para magtagpo ang mga mata namin.

"You're not okay." hinawakan niya ang dalawang balikat ko at tinitigang mabuti.

"Anong problem?" kumunot ang noo niya na tila binabasa niya ang ekspresyon ng mukha ko.

Nanatili akong wala kibo nang biglang may tumawag sakanya.

"Xavier, my dear!" napalingon ako sa likuran ko at doon ko nakita yung Amerikanang kasama niya sa Starbucks.

"Bella?"

Napaatras ako nang lumapit siya kay Xavier at humalik sa pisngi nito. Tumingin naman sakin si Xavier at base sa mga mata niya, gusto niyang magpaliwanag.

Humarap sakin ang nakangiting si Bella.

"Hi! I'm Bella from US of A." pagpapakilala niya.

Nanatili akong nakatingin sa kanya. Wala akong sinabing kahit ano. Kinilatis ko ang mukha niya. Ang ganda pala niya sa malapitan. Kitang kita ang freckles niya sa mukha. Maganda rin ang kulay gray niyang mapupungay na mata. Ang ganda ng tindig niya at ang tangkad niya din. Tantya ko ay 5'7 siya sa height. Walang wala ako.

Napansin ni Xavier ang pananahimik ko kaya siya nalang ang nagpakilala sakin.

"Her name's Summer. She's my friend slash tutor. Summer, this is Bella, my friend from US."

"Correction, I'm Bella, his ex-girlfriend from US." natatawang sabi ni Bella.

Dahil sa narinig ko, biglang nanlaki ang mga mata ko. What the?! Sabi ni Xavier wala pa siyang nagiging girlfriend. Nagsinungaling siya sakin?

Nagtataka kong tinignan si Xavier nang bigla nanamang magsalita si Bella.

"Are you mute? Can't you say a single word?"

Lumipat ang tingin ko sakanya. Anong sabi nito? Ako? Pipi?

"With all due respect, Bella. I was just shocked because someone told me that he never had a girlfriend since birth but eventually, his ex-girlfriend showed up right in front me. What do you think he's expecting to be my reaction?" walang Google Translate yan! Bahala na kung mali mali.

"Let me explain, Summer."

"Sus! Gasgas na yan!" wala akong pake kung hindi niya naintindihan. Mabilis akong naglakad palayo sa kanilang dalawa.

Narinig ko ang sunod sunod na pagtawag sakin ni Xavier pero hindi ko siya nilingon. Bakit kailangan niyang magsinungaling? So what kung nagkagirlfriend na siya? Hindi naman issue yon.

Hindi ko namalayan ang pagbuhos ng luha ko kasabay ng pagbuhos ng ulan. Ang cliche huh? Ganito lagi sa mga palabas tuwing iiyak yung bida, laging umuulan. Wala akong pake kung mabasa ako. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad nang may marinig akong busina mula sa likod ko. Napalingon ako at nakita ang pamilyar na BMW.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 07, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Not Your Ordinary Cliché StoryWhere stories live. Discover now