III.

22 17 7
                                    

Ang unang beses na pagtutor namin sa isa't isa ay nasundan pa nang nasundan. Ginawa naming MWF ang schedule ng session para narin may time pa kaming gawin ang kanya kanya namin business. Habang tumatagal ay lalo kong nagiging crush si Xavier dahil napakagwapo niya talaga at gentleman pa.

Ngayon ay Saturday, meaning wala kaming session ngayon pero may klase parin ako ngayong umaga. Lumabas na ko at nilock ang gate saka sinimulang maglakad papalabas ng subdivision habang pakanta kanta.

Hindi pa ako nakakalayo nang may marinig akong pagkalakas lakas na busina na nanggaling sa likod ko. Agad kong nilingon yung pinanggalingan ng busina. Tinted yung sasakyan kaya hindi ko nakita kung sinong tao. Baka naman hindi ako ang binubusinahan. Nagpatuloy ako sa paglalakad at napatalon ako nang marinig nanaman yung busina. Ano bang problema nito!?

Napatigil ako nang huminto yung sasakyan sa harap ko. Binaba yung bintana at nasira ang araw ko nang makita ko kung sino yung nasa loob. Walang iba kundi ang bwisit na si Gio.

"Tara, sabay na tayo." tinanggal niya yung suot niyang shades sabay kindat.

"No, thanks." inirapan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad. Feeling close siya.

Patuloy ang busina niya pero hindi ko parin siya pinapansin. Nagtitinginan na yung mga ibang tao pero wala parin siyang tigil. Dahil sa inis ko ay hinarap ko siya. Bukas parin yung bintana kaya maririnig niya ako.

"Hindi ako sasabay, okay? Mas gugustuhin kong magjeep at makipagsiksikan sa bus kesa makasama ka dyan sa loob ng kotse mo!" pasalamat ay tinablan siya at mabilis na pinaharurot yung sasakyan niya.

Binilisan ko nalang maglakad dahil baka malate pa ko. Nang sa wakas ay nakarating na ako sa labas ng subdivision. Habang naghihintay ng dadaang bus ay nagstay muna ako sa waiting shed para hindi mainit.

Pero lumipas ang ilang minuto ay wala paring bus. Pasulyap sulyap ako sa wrist watch ko dahil baka malate ako. Nagpanic ako dahil 20 minutes nalang ay magsstart na ang klase ko nang huminto sa harap ko ang kotseng may malakas na busina kanina. Lumabas si Gio at binuksan ang pinto sa front seat. Being gentleman, huh?

"Sakay na. Wala naman akong gagawing masama sayo eh. Nagmamagandang loob lang ako bilang kapitbahay mo. Peace offering narin para sa nangyari nung nakaraang araw." nagpeace sign siya.

Ano raw? Kapitbahay? Kahitbahay ko tong kumag na to? Kelan pa?

"Kung gusto mo, maging kapitbuhay mo narin." banat niya sabay kindat. Aba! Nasasanay na siyang kumindat sakin ah.

Inirapan ko siya at sumakay sa kotse niya. Wala akong choice dahil pag di pa ko sumabay, siguradong malalate ako.

"Alam mo nung araw na yon, hindi talaga kita pinatid. Sinabi ko namang mahaba lang talaga legs ko." sabay tawa niya na parang walang humpay. Hindi ako naniniwala! Alam ko sinadya niya yun.

Binatukan ko siya nang malakas.

"ARAY!! OUCHHH!" sabi niya habang hawak hawak yung likod ng ulo niya.

"Ang bigat naman ng kamay mo! Amazona kaba ha!? HAHAHAAHAHA" aba! Nakuha niya pang tumawa ah.

"Para yun sa pagtisod mo sakin! At ano!? Mahaba legs mo? Helloooo. Walang wala ka kumpara kay Xavier no! Try mo tumabi sakanya mukha kang dwarf HAHAAHAHAAH!" napahawak ako sa tyan ko habang tumatawa. Napatahimik siya bigla habang nakatitig sakin. Buti nalang naka red light kundi lagot na.

Teka, did I just mention Xavier? Pinagmalaki ko siya at lumalabas na.... no! Act normally. Hindi pwedeng malaman ni Gio dahil siguradong aasarin niya ako.

"Anong tinitingin tingin mo? Green light na oh!" turo ko kaya medyo nagpanic siya pero pagtingin niya nakared light padin. Lumingon ulit siya sakin.

Not Your Ordinary Cliché StoryWhere stories live. Discover now