XI.

5 1 0
                                    

"I think it started when we go out after class that day. Honestly, I am supposed to kiss you when we're watching sunset but you did it first. That's a shame because I should be the first to make a move."

"From the moment that Gio hit you with a ball, I know that he likes you. I don't want him to make a move on you so I decided to wait for a perfect timing and admit my feelings for you."

"That night, I did my best to find your keys but I couldn't. I want to bring you at my house but you, staying at Gio's place is the most convenient for you so I agreed."

Napanganga ako sa sinabi niya. Pero bakit niya iniisip na gusto ako ni Gio?

"Why do you think Gio likes me?" nakakunot noo kong tanong.

"The way he look at you, it's different. I know because I'm also a man."

"What if he's also giving that look to other girls?"

"I don't know but let's not talk about him anymore. You should go." tumango at pababa na sana ako pero pinigilan niya ulit ako.

"Wait." pagkasabi niya nun ay bigla siyang bumaba at umikot papunta sa front seat. Nagulat ako nang pinagbuksan niya ako ng pinto. Tuluyan na akong bumaba.

"From now on, I'll fetch you and I will also take you home." tumango ako at dumiretso pasok na sa loob.

Pagkasarang pagkasara ko ng gate ay biglang nanlambot ang tuhod ko at halos mapaupo na ako sa sahig. Is this really happening? Paulit ulit kong kinurot at sinampal ang sarili ko pero nasaktan lang ako. Ibig sabihin totoo ang lahat ng to. Napatayo ako ng tuwid ang kumakandirit na naglakad papasok ng bahay.

-----

Kinaumagahan ay matagal akong naligo at matagal na humarap sa salamin para ayusin ang itsura ko. Naglagay rin ako ng pink lipstick at blush on. Dinamihan ko rin ang pagsspray ng pabango ko.

Maya maya lang ay may bumusina na sa labas ng bahay ko. Inayos ko ang plantsadong plantsado kong uniform saka kinuha ang bag ko at dumiretso baba. Pagbukas ko ng gate ay nakita kong naghihintay sa labas si Xavier at ang Maserati niya. Kinandado ko ang gate saka naglakad palapit sa kanya.

"You look blooming today." pagkasabi niya nun ay binuksan nya ang pinto sa front seat.

"Thanks." sambit ko bago pumasok. Nakita kong umikot siya at pumasok na sa driver's seat.

"Thanks for what? For being gentleman? Or for me saying that you're blooming?" natatawa niyang sabi habang iniistart ang makina.

"Both." natawa kami parehas.

Bago pa kami umandar ay napatanaw ako sa bintana at nakita kong nakatingin si Gio sa amin. Kanina pa kaya siya dun? Tss. Who cares?

Tuluyan na kaming umalis habang si Gio ay sinusundan lang kami ng tingin. Hindi ko nalang siya pinansin. Pinikit ko saglit ang mga mata ko. Medyo napuyat ako kagabi dahil hindi ako makatulog sa kilig. Ibabalita ko kaagad ito kay Angie.

Buong byahe ay nakapikit lang ako. Hindi ako nakatulog dahil pinakikiramdaman ko lang si Xavier. Medyo mabagal lang ang pagpapatakbo niya dahil hindi naman kami nagmamadali. Maaga pa naman para sa first class ko kaya okay lang.

Nung naramdaman kong pinapark na ni Xavier yung sasakyan ay dumilat na ako. Nang nakaayos na ang pagkakapark ay bumaba na kaagad ako. Ayoko nung pagbubuksan niya pa ako. Hindi naman sa nahihiya ako pero ayoko nang ganun kasi hindi naman kailangan hehehe. Bumaba narin siya at sabay kaming naglakad. Hinatid niya ako sa first class ko saka siya umalis. Sabi niya magkakape daw muna siya dahil wala siyang morning class.

At dahil Pre-calculus ang first subject ko ngayon, ibig sabihin ay nandito sa Angie. Siya agad ang hinanap ko at nung natagpuan ko siya ay agad ko siyang niyakap.

"Ay anong meron? Miss mo ako?" pabiro niyang sabi. Hinatak ko kaagad siya sa likod para kausapin.

"Take a guess kung anong nangyari kahapooooooonnnn..." pakanta kong sabi.

"Ohmygoshhh!!! What did you do?! Mygod Summer!" nagpapanic niyang sabi. Alam ko ang iniisip neto. Kahit kailan talaga ang dumi ng utak.

"Baliw! Sabihin ko na nga. Ganito kasi yun. Tinuturuan ko sya ng Tagalog, of course. Tapos yung topic is mga common words. Nasama yung I love you which is Mahal kita in Tagalog. I told him that. Tapos bigla nalang niyang pinaulit ulit yung "Mahal kita" habang nakatingin sa mga mata ko. Naiimagine mo ba? Gosh! Ayoko mag assume pero may kaassume assume naman kasi." tuloy tuloy kong sabi. Natahimik siya saglit at nung nagsink in na sa kanya lahat ay tumalon talon siya sa kilig.

"Ang taray girl ang haba ng hair mo!!!" pareho kaming nagtatalon at nagtititili. Naputol iyon ng pumasok si Sir Madrigal kaya napatigil kami at pumunta sa kanya kanyang mga upuan.

Habang umuupo kaming dalawa ni Angie ay pinipigil namin ang tawa namin. Dala siguro iyon ng kilig.

"As you all know, katatapos lang ng retreat natin so ngayong araw ay gusto muna namin kayong makapagrelax kaya wala munang klase. Wala ng ibang papasok na prof dito kundi ako lang. Busy rin ang faculty dahil maraming inaayos na papers at naghahanda rin para sa isa nanamang exchange student na darating dito next week. Prepare yourself as well. This time ay wala ng mangyayaring welcome program dahil ayaw na ng dean. Malaking abala daw kasi which we all agreed.  So today, you can do what you want. Lumabas kayo or go home if you want. You're dismissed." kinuha ni Sir ang mga papeles sa table niya sa lumakad palabas.

Tuwang tuwa ang mga kaklase ko. Napakaingay kahit na iilan lang kami dito. Si Xavier agad ang naisip kong puntahan. Inaya ko si Angie sa coffee shop kung nasan si Xavier at agad agad naman siyang pumayag.

Pumasok kami ni Angie sa coffee shop kung saan nangyari ang unang session namin ni Xavier. Alam kong madalas siya rito dahil naging paborito na niya ang mga kape dito. Hinanap siya ng mga mata ko pero hindi ko siya nakita. Tinanong ko pa sa cashier kung nakita nila si Xavier dito pero hindi daw.

"Tara baka sa iba siya nagkape ngayon. Baka nagsawa na dito." hinatak ko si Angie palabas. Tumayo lang kami saglit habang iniisip kung saan namin pwedeng makita si Xavier. Maya maya ay nagring ang phone ko at rumehistro dito ang pangalan ni Xavier.

"Hey sorry I can't pick you. Something urgent came up." hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataong magsalita. Mabilis niyang binaba ang tawag pagkasabi niya nun.

Medyo nadisappoint ako pero hinayaan ko nalang dahil baka sobrang importante yung inaasikaso niya.

"Ano daw?" nakakunot noong tanong ni Angie.

"Umalis na siya eh something came up daw. Tara umuwi nalang tayo."

Not Your Ordinary Cliché StoryWhere stories live. Discover now