IX.

4 3 0
                                    

IX.

Pagkatapos nung nangyari ay kinausap ni Sir Madrigal si Gio. Pinagbawalan ako ni sir na sumali sa usapan kaya eto ako ngayon, nasa porch habang hindi pa dinadalaw ng antok. Pagkatapos ng beach volleyball ay tinigil na yung outdoor activities. Sayang meron pa naman sanang obstacle course. Panira naman kasi si Gio eh. Uuwi na kami bukas pero hindi pa namin nasulit yung enjoyment ngayong araw.

"Sight seeing?" nagulat ako nang biglang may nagsalita sa likod ko.

"Oo and just thinking." lumapit siya sa kinatatayuan ko.

"About what? About kanina?" kumunot yung noo niya. Tumango ako bilang sagot.

"You know what, I think Gio likes you."

"Ha? Ano!? Like ba yun? Kung like niya ako di niya gagawin yun." inis kong sabi.

"Ha?? Sorry but I can't understand pure Tagalog." natatawa niyang sabi. oo nga pala. Lagi ko nalang nakakalimutan tuwing nacacarried away ako.

Nilabas ko kaagad yung phone ko dahil hindi ko kayang english-in yung sinabi ko.

"I don't think he likes me because if he really likes me, he won't do sort of things." basa ko sa translation na lumabas.

"Maybe because he's jealous?"

"What? No way." no way as in norway talaga no!!

"By the way, have you ever been in a relationship?" pagbabago niya sa topic.

"Actually, no. NBSB ako." hindi ko kailangan ng distractions.

"Ah, I see."

"Ikaw?"

"NGSB." natawa kami parehas. So pareho pala kami. Meant to be. Char!!!

"Hmmm, I see din. So, when are you going back to States?"

"Why? Do you want me to go?" nagpout pa sya hehe cute.

"No, no. I just asked." pagtanggi ko. Baka iniisip niyang pinapauwi ko na siya.

"Hmm, I think after graduation. I decided to finish college here." tumango lang ako at napahikab.

"Go to your room. It's getting late."

"Goodnight."

"Goodnight."

Pagkatapos nun ay naghiwalay na kami at pumunta sa kanya kanyang kwarto. Ramdam ko na rin ang antok nang biglang tumunog yung cellphone ko.

From: Kumag

I'm sorry. Goodnight.

Wow. Hindi ko inexpect na kaya niyang sabihin ang salitang sorry. Kahit papaano ay napangiti ako at dumiretso na sa room namin. Pagakyat ko sa higaan ko ay nakatulog na kaagad ako.

-----

"Is everyone here?" tanong ni Sir Pascual sa SSG officers.

"Yes sir. Walang labis, walang kulang." confident na sabi nung President ng SSG.

"Kung ganun ay you can go to your respective busses." pagkatapos sabihin yon ni sir ay kumilos na ang lahat at nagkanya kanyang punta na sa mga bus nila. Sabay kami ni Angie na umakyat sa bus. Dating gawi, katabi ko parin si Xavier. Napansin kong medyo umitim pala siya. Ngumiti siya kaya ganon din ang ginawa ko bago ako umupo.

Buong byahe ay nakasalpak lang ang earphones ko sa tenga ko habang nakapikit. Matraffic dahil Friday ngayon. Wala talagang pagbabago sa Pilipinas. Lalong lalo na ang EDSA. Ang tindi talaga ng traffic. Hindi gumagalaw ang mga sasakyan. Sa tagal ng byahe at sa tagal ko nang nakapikit, tuluyan na akong nakatulog.

-----

Nagising ako nang may marahang tumapik sa pisngi ko. Dahan dahan akong dumilat at narealize kong nakasandal na pala ako sa balikat ni Xavier.

"Wake up, sleepyhead." pabulong niyang sabi. Tumingin ako sa paligid at nakita kong nagsisibabaan na ang mga kasama namin. Pagtingin ko sa labas ay madilim narin ang paligid at ang kalangitan. Tinanggal ko ang earphones ko sa tenga ko saka inayos ang sarili at naghanda para bumaba. Sabay kaming bumaba ni Angie na halatang inaantok pa.

"Diretso na ako uwi Summie, I'm so sleepy na eh." paalam sakin ni Angie.

"Sige, goodnight. Ingat ka." pagkasabi ko nun ay naglakad na agad siya palayo. Humarap naman ako kay Xavier na nasa tabi ko lang.

"So ano? I'll give you a ride? Just wait here. My car is in the parking lot pa inside sa school." slang niyang sabi saka dumiretso na sa loob.

Habang naghihintay ako, nakita ko si Gio sa kabilang kalsada na naglalakad kasama yung mga teammates niya. Mukhang gigimik pa yun ah. Tumingin siya sakin kaya agad akong nagiwas ng tingin. Mahirap na baka magfeeling close pa siya dito sa daan saka isa pa, hindi ko pa siya napapatawad no!! Kahit tinext niya ako kagabi, hindi parin.

Ilang sandali pa ay dumating na rin si Xavier. Pumasok na kaagad ako para hindi na siya magabalang pagbuksan ako ng pinto.

Tahimik lang buong byahe. Ang maririnig mo lang ay ang mga kalmadong music na nanggagaling sa radio. Tumingin lang ako sa bintana habang ninanamnam mabuti yung kanta sa radio. Minsan maganda rin yung mga ganong klase ng music. Yung mga meaningful lyrics, masarap sa tenga yung boses ng singer at syempre magaling ang accompaniment ng music. Naeenjoy ko na yung view sa labas nang magsalita si Xavier.

"Can I ask you for something?" panimula niya.

"Hmm, yeah as long as I can give. What is it ba?"

"Can we have a session tomorrow? Look, we skipped so many days so I think we should make up for several lessons that we loss." napatango ako. Tama naman siya.

"Yeah sure."

"But can I ask you if we can do it in my house?" medyo kinabahan ako sa narinig ko. Anong ibig niyang sabihin?

"Hey Summer!! Can we do the session in my house?" bumalik ako sa ulirat. Ano ba kasing iniisip ko?

"Oh yeah, we can do that."

Ilang sandali lang ay nakarating na kami. Agad akong bumaba ng kotse dala dala ang mga gamit ko saka nagpaalam sakanya.

"Sige na, I'll go once you get inside your house."

"No, you should get going first."

"Summer, just go inside."

"Xavier, I'll go once you go."

"Dali na Summer. I'll watch you go inside."

In the end ay wala na akong nagawa kundi pumasok. Dumiretso kaagad ako ng kwarto. Binagsak ko lang ang mga gamit ko kung saan saka humiga sa kama. Ni hindi na ako nagpalit ng damit o naghubad ng sapatos. Agad akong nakatulog dahil sa pagod.

Not Your Ordinary Cliché StoryDär berättelser lever. Upptäck nu