Prologue

57 18 8
                                    


Tinakbo ko ang kahabaan ng Muralla St. dahil sa sobrang haba ng traffic ang tinakbo ko nalang mula Roxas Blvd. kahit na sobrang haggard ko na walang akong pake. Papasok palang ako pero mukha na kong pauwi kaya nang makapasok ako sa gate ng LPU ay pinagtinginan ako ng mga estudyanteng pakalat kalat dahil wala pang klase. Pwes ako meron! At sobrang late na ko sa first subject ko na Pre-calculus. Siguradong malalagot ako dahil si Sir Madrigal ang prof ko don na kilala bilang isa sa pinakamahigpit na prof dito sa university. Pero bahala na kesa naman hindi ako pumasok.

Patuloy ako sa pagtakbo hanggang marating ko ang classroom namin. Huminga ako ng malalim bago pumasok.

Teka, anong nangyayari? Bakit walang tao? Nasaan ang mga kaklase ko? Asan si Sir Madrigal?

Sus! Akala ko late na ko pero sobrang aga ko pala!

Naupo ako sa upuan ko sa tabi ng bintana at halos makatulog na ko pero wala pang tao. Ano ba talagang meron?

Napagdesisyunan kong lumabas na muna para maghanap ng kaklase dahil baka may activity silang ginawa. Pero Pre-calculus ang subject. Anong outdoor activity naman ang gagawin nila?

Pagdating ko sa ground, nandon padin yung mga estudyanteng walang klase at tila abala na sila ngayon sa kanya kanya nilang trabaho. May naglelettering ng WELCOME VISITORS, may naggugupit ng banderitas, may nagkakabit ng decorations at yung iba naglilinis.

Anong meron?

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan nalang si Angie na friend/kaklase ko sa Pre-calculus.

"Hmmmm?" wika sa kabilang linya na tila kagigising lang. Hindi ba papasok si Angie?

"Kagigising mo lang? Hindi kaba papasok? Hellooo anong oras na kaya." napairap ako.

"Ha? Bakit naman ako papasok? Hindi ba walang klase ngayon dahil may mga bisitang dadating mamaya na iwewelcome natin?"

Shoot.

"Ha!? Anong bisita? Anong meron? Nasa school ako ngayon at hinahanap ko ang mga kaklase natin dahil wala sila sa room." ano bang sinasabi ni Angie? Nananaginip pa ata.

"Hala!! Bakit ka pumasok? Wala bang nagsabi sayo na ngayon dadating ang exchange student kasama ang ibang staff from US? Ang Student Council lang ang pinapasok ng maaga dahil sila ang magaasikaso para sa decorations at ikalilinis ng school. Mamaya pang 3pm ang dating ng mga bisita kaya lahat ng estudyante ay pinapapasok ng 2pm para maghanda sa pag welcome sa kanila." nalaglag ang panga ko sa narinig ko. Bakit hindi ko alam? At anong oras palang? 8am palang.

"Bakit hindi mo man lang sinabi? At ano!? Iwewelcome? Bakit sino ba sila? Ganon ba kaimportante ang mga taong yun para iwelcome pa sila dito? Ano ba tayo elementary?" inis kong sambit.

"You're really something, Summer. How come na hindi mo alam lahat ng iyon? Inannounce yon isang linggo ang nakalipas at inannounce din kahapon. How come na hindi mo alam? At for your information, importante silang tao dahil galing sila sa pinakasikat na university sa US. Walang iba kundi ang Wellington University." This is insane. Talagang pinaglaruan ako ng tadhana sa pagkakataong ito.

"Anong araw nung isang linggo?" seryosong tanong ko.

"Hmmm, Thursday, sa pagkakatanda ko." seriously!? Kaya naman pala eh.

"Anj, restday ko tuwing Thursday. Friday ngayon so ibig sabihin restday ko din kahapon." walang gana kong sagot.

Pagtapos ng tawag ay umuwi nalang ako sa inis ko. Hindi ko na din balak na bumalik pa para sa welcome program na kaartehan lang naman mamaya.

Habang nasa byahe ay naalala ko lahat ng hirap ko kanina. Ano ba yan!? Bakit ang malas ko ngayong araw? Kanina bago ako umalis ay hindi ako nakapag almusal dahil nawalan ng gas ang stove ko sa bahay. On the way sa school, napakatraffic kaya nagmadali ako at tinakbo mula Roxas Blvd hanggang school. At pagdating ko malalaman kong wala palang pasok dahil may kung anong kaartehan na pagwewelcome sa exchange student na yan. Puro kamalasan at ngayon naman katangahan.

Naglalakad ako nang inis na inis. Pagirap at kung ano anong pagmamake face ang ginagawa ko nang madapa ako sa daan. Wow, just wow! At hindi ako nadapa ng ganon ganon lang. Alam kong may sumulpot na paa kaya ako natisod.

Inangat ko ang tingin ko at nakita ang isang lalaking nagmamasid na parang walang nangyari. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit hindi nya nakita dahil hindi sya nakatingin sakin. Pinilit kong tumayo kahit sobrang sakit ng tuhod ko.

"HOY!!!!!" sigaw ko habang dinuduro yung walangyang lalaki sa harap ko.

"Oh! Hi miss." sambit nya sabay kindat.

Teka, kilala ko to. Omg!! This can't be real.

"G-Gio Miranda!?" nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kong siya nga.

Si Gio Miranda lang naman ang isa sa pinakasikat na basketball player sa university. Matunog ang pangalan niya sa NCAA at maraming nababaliw na kolehiyala sa kanya. At isa ako sa humahanga sa kanya pero hindi na ngayon!!

"Ah yes. Hello." patuloy ang pag akto nya na palang walang nangyari. Napairap ako.

"Hoy!!!! Ang kapal ng mukha mo! Alam mo ba kung anong pinagdaanan ko ngayong araw?! Ha!? Tapos pinatid mo pa ako!!" sigaw ko sa pagmumukha nya.

"Pinatid? Excuse me lang miss ah. Hindi kita pinatid. Sadyang mahaba lang talaga ang legs ko. Hindi ko kasalanan na may lutang na isang katulad mo ang naglalakad at nakatingin sa kawalan." pagtapos ay tumawa pa sya.

Sa pagkakataong ito, ang naguumapaw na paghanga ko kay Gio Miranda ay napaltan ng galit at inis.

MAY ARAW KA DIN SAKIN, GIO.

Not Your Ordinary Cliché StoryWhere stories live. Discover now