X.

6 2 0
                                    


Kinaumagahan ay hindi ko nakita si Gio at ang BMW niya. Maaga sigurong umalis. Maging sa school ay hindi ko siya nakita. Naririnig rinig ko sa mga nagchichismisang schoolmates ko na nakita daw nilang nagpapractice yung mga players sa gym at ang hot hot daw ni Gio. Siguro ay may upcoming game sila kaya nagpapractice. Pero tama ba yun? Kagagaling lang rin nila sa retreat pero nagpractice na kaagad sila? Pero sabagay, pukpukan na rin siguro sa training. Hindi ko pa rin nirereplyan yung text niya at wala akong balak. Hindi naman sa ayaw ko siyang patawarin pero grabe kasi yung ginawa niya. Hindi ko maintindihan bakit niya ginagawa yun. Siguro pag narinig ko yung explanation niya baka mapatawad ko siya.

Nagtuturo si Miss Ferrer sa harap pero wala akong ganang makinig. Katabi ko si Xavier na tutok na tutok sa lesson samantalang ako ay nakatingin lang sa bintana.

Natapos yung lesson pero wala talaga akong naintindihan. Paglabas ko ay naghihintay si Xavier sa pintuan. Tumingin ako kay Angie saka nagpaalam.

"Anj, una na kami. May session kami ngayon sa bahay nila. May klase ka pa diba?" napangiti siya ng kakaiba sa narinig niya at tila iba ang iniisip.

"Okay, bye." kumaway siya saka naglakad palayo. Nang mawala na siya sa paningin ko ay hinarap ko si Xavier.

"Let's go?" tumango lang ako at nauna ng maglakad papunta sa parking lot.

Pagsakay namin sa kotse niya ay tahimik lang. Wala akong maisip na topic kaya tumingin lang ako sa bintana. First time kong makapunta sa bahay niya. Sino kaya ang kasama niya dun? Kasama niya kaya ang mommy niya? Ang daddy niya? O baka naman siya lang mag isa?

Sobrang saglit lang yung byahe at nakarating kami kaagad sa isang magarang bahay. Hindi sobrang laki pero labas palang nito ay napakaganda na. Medyo malapit lang naman pala ito sa school. Sabay kaming bumaba at tumayo sa labas ng bahay niya.

"Your house is maganda. Is your mom there?"

"No, she's not. Let's go." sambit niya saka naunang pumasok.

Pagpasok ko maraming gamit pero yung bahay mismo, it feels empty. Walang kulay. Walang buhay. Walang ibang tao maliban sa isang katulong at isang lalaki na sa pagkakatanda ko ay ang driver ni Xavier.

"Let's go to my room. Manang, please make us some snacks." pagkasabi niya nun ay nauna na siyang umakyat. Sumunod naman ako. Bakit biglang nag iba yung mood niya? Napansin kong simula yun nung nabanggit ko yung mom.

"Hey, do we have a problem?" sabi ko matapos kong makapasok sa kwarto niya.

"Nothing. Just don't bring up my mom again, okay?" nagsimula siyang maglabas ng mga notes at nilapag sa study table niya.

"Why?"

"Because I don't have one." tumingin siya sakin.

"I'm sorry." naintindihan ko naman ang gusto niyang sabihin. Lumapit na ako sa kanya para simulan na yung session. Naupo ako sa harap niya.

"So today, we're going to talk about the common greetings and common words that Filipinos always use." tumango siya kaya nagpatuloy ako.

"Good morning is Magandang Umaga in Tagalog." nakita kong sinulat niya iyon.

"Good afternoon is Magandang Hapon while Good evening is Magandang Gabi. Just remember that Good is always Maganda when it comes to that greetings." sunod sunod ang pagsusulat niya.

"Here are some common words naman. Thank you is Salamat. You know that already." tumango siya at inangat ang tingin sakin.

"You're welcome naman is Walang anuman or Wala yun if informal." bumalik siya sa pagsusulat.

"Another one is how are you? Which is kamusta in Tagalog."

"It's also a term for Hi or Hello." pagpapatuloy ko. Siya naman ay tahimik na nakikinig.

"Another one is.."

"Ahmmm.." hindi ko masabi dahil nakakahiya.

"What?" nagtataka niyang tanong.

"I love you is Mahal kita in Tagalog." nakayuko kong sabi.

"Mahal kita." nagulat ako sa pag ulit niya pero nanatili parin akong nakayuko.

"Mahal kita." pag uulit pa niya kaya napaangat ang tingin ko sa kanya at doon ko nakita ang mga mata niyang nakatitig sakin.

"Mahal kita." paguulit niya sa ikatlong pagkakataon. Hindi parin niya inaalis yung tingin niya sakin.

Yung ekspresyon ng mukha niya ay sobrang blangko kagaya noong araw na hinatid niya ako at tinamaan ako ng bola. Hindi ko alam ang susunod niyang gagawin pero papalapit nang papalapit yung mukha niya sa mukha ko. Palipat lipat yung tingin niya sa mga mata ko at sa labi ko. Nung sobrang lapit na talaga ay napapikit nalang ako habang hinihintay yung susunod na mangyayari.

"Sir, here's your sna..." hindi natapos ni manang yung sasabihin niya sa nakita niya. Natauhan kaming parehas ni Xavier.

"Manang, don't you know how to knock?!" tumayo si Xavier at kinuha kay manang yung tray na may sandwich na may palamang ice cream.

"Sorry sir." sambit ni manang bago magmadaling lumabas ng kwarto at isinara ito.

"Let's eat." nilapag niya yung tray sa lamesa. Hindi na ako nagsalita at kumuha nalang ng isa at kumain.

Sobrang awkward ng sitwasyon kaya kain lang ako ng kain. Marami naman yung ginawa ni manang. Kahit si Xavier ay hindi rin nagsasalita at kumakain lang.

"I'll go after we eat." basag ko sa katahimikan. Gusto ko na umuwi para makatakas sa awkwardness.

"I'll accompany you." offer niya na kaagad kong tinanggihan.

"No, I'm fine." tanggi ko.

"Summer, I insist."

Sa huli ay wala akong nagawa kundi magpahatid nalang dahil hindi nagpatalo si Xavier. Sinabi ko ring sa driver niya nalang ipadrive yung sasakyan pero ayaw niya. Wala narin akong nagawa kundi sumunod.

Habang nasa byahe ay wala paring nagsasalita. Ayaw kong magsalita at sa tingin ko ganun rin siya. Nakafocus lang siya sa daan habang ako ay nakafocus sa bintana. Sa pagkakataong ito ay tila napakatagal ng oras at parang napakabagal ng takbo ng sasakyan. Ito na ata ang pinakamatagal na byahe na hinatid niya ako.

Matagal na paghihintay bago kami makarating. Ewan ko kung ako lang pero ang tagal talaga ng oras. Pababa na sana ako pero pinigilan ako ni Xavier.

"Summer..." hinawakan niya yung braso ko. Hindi ako nagsalita at hinintay nalang yung susunod niyang sasabihin.

"The thing is..." nag aalangan siya kung itutuloy niya ba pero tinuloy niya parin.

"I mean it." napakunot ang noo ko.

"You mean what?" alam ko naman kung ano pero nagbabakasali akong hindi iyon ang ibig niyang sabihin.

"Mahal kita." pagkasabi niya nun ay umiwas siya ng tingin. Hindi ko alam pero may naguudyok din saking sabihin yun. Bumilis ang tibok ng puso ko at tila may nagwawala sa tiyan ko. Naramdaman ko rin ang pag init ng pisngi ko.

"Mahal kita." sambit ko at nagkatinginan kami. Ngayon ay basang basa ko na kung ano yung gagawin niya. Hinanda ko ang sarili ko at pinikit ang mga mata. Hinintay ko ang susunod na mangyari. Ramdam kong sobrang lapit na ng mukha namin dahil ramdam ko ang paghinga niya.

At sa pagkakataong iyon, nangyari ang dapat mangyari. It was quick but passionate. That was my first kiss.

Not Your Ordinary Cliché StoryDär berättelser lever. Upptäck nu