V.

13 12 0
                                    


What did I just do!? Oh my golly!! Kailangan kong bawiin yon. Pero hindi yung klase ng pagbawi na ikikiss ko ulit ah. Anak ng tinapay oh.

"S-sorry, I got carried away." iniwas ko yung tingin ko sakanya at nagtakip ng mukha dahil ramdam na ramdam ko yung pagiinit ng pisngi ko.

"You should always leave the first move to me, Summer." napaharap ako sa kanya.

"Hey, hindi ibig sabihin nun na gumagawa ako ng move!" depensa ko.

"Sorry, what?" siomai! Oo nga pala hindi pa to gaanong nakakaintindi ng Tagalog. I mean ako nasasanay na mag English pero siya medyo konti palang.

"What I mean is I didn't intend to make a move. I just got carried away because of the beautiful view."

"Okay, okay. You don't have to be that defensive." tinaas niya yung dalawang kamay niya na tila sumusurrender.

Hindi ko na siya pinansin at yumuko nalang. Maya maya ay may tinawagan siya.

"Hey, Mr. Calix. Will you please pick us up here in...." humarap siya sakin at tila nagtatanong kung anong lugar to.

"Bay Walk in MOA."

"Here in Bay Walk Mr. Calix."

"Yeah, I'm with my tutor."

"Okay, take care." sambit niya bago ibaba yung tawag.

"My driver will pick us up in a few minutes. Saglit if not traffic." sabi niya as if na hindi ko narinig.

"Yeah, I've heard."

"Yeah, just sayin'." after nun ay wala nang nagsalita. Naging awkward bigla yung atmosphere. Pinili ko nalang ring manahimik dahil wala naman akong sasabihin at mahihirapan lang ako kaka Ingles.

Nang dumating yung driver niya ay nag insist siyang ihatid ako sa bahay. Pumayag na ako dahil medyo madilim narin. Buong byahe ay walang nagsasalita samin. Maging yung driver ay tahimik kaya't napagdesisyunan niyang i-on ang radio. Baka hindi niya na nakayanan yung nakakabinging katahimikan dito sa loob.

Pinatugtog yung Love Moves in Mysterious Ways ng MYMP. Mas lalo akong naawkwardan sa sitwasyon. Mukha namang nakaramdam yung driver kaya nilipat nalang. Sunod na istasyon ay pinatugtog yung Can't Fight This Feeling ni Reo Speedwagon. Old school pero pakiramdam ko para sakin yung kanta. Pinikit ko nalang yung mga mata ko at nagpanggap na tulog para makatakas sa awkwardness na to.

----

Nagising ako nang bahagyang may tumapik sa braso ko. Totoong nakatulog pala ako. Dinilat ko ang mga mata ko at bumungad sakin yung mukha ni Xavier.

"We're here." mahina niyang sambit. Tumingin ako sa labas saka ko nakitang nasa harap na kami ng bahay ko.

Bumaba ako, ganun din si Xavier. Naglakad ako patungo sa gate bago siya hinarap.

"Thanks for the ride." binigyan ko siya ng isang pilit na ngiti.

"No, Summer. Thank you for today." dahan dahan siyang humakbang papalapit sakin. Matagal kaming nagkatitigan. Blangko yung expression ng mukha niya kaya hindi ko mabasa kung ano bang susunod niyang gagawin. Pero bago pa may mangyari ay may matigas na bagay na tumama sa ulo ko. Napapikit ako sa lakas ng impact sa bungo ko. Sinubukan kong dumilat pero umikot lang ang paningin ko.

The next thing I knew, the dark turned darker.

-----

Inikot ko ang paningin ko sa buong kwarto. Wala ako sa kwarto ko. Nasaan ako? Maganda ang pagkakadisenyo ng kwarto at halatang mayaman ang may ari. Pero bakit wala masyadong gamit? Siguro ay guestroom to.

Chineck ko yung ulo ko kung nakakabit pa. Malamang Summer nakakabit pa. May mata ka pa eh. Hinimas himas ko to hanggang makapa ko na parang may nakaumbok sa gilid ng noo ko. Nagkabukol ba ako!? Walang hiya ang gumawa nito sakin!! Sunod kong chineck yung katawan ko. Mamaya kung may anong kababalaghan na palang nangyari sakin. Nanlaki ang mata ko nang makitang iba na yung suot ko. Hindi na ako nakauniform kundi nakaoversized shirt at pajama. Busy ako sa pagchecheck sa katawan ko nang may pumasok na sa tingin ko ay katulong sa bahay na to.

"Ma'am gising na ho pala kayo." akmang lalabas yung maid nang pigilan ko siya.

"Wait, manang. Nasaan ako? Sinong amo mo? Bakit nag iba yung damit ko? Sinong nagbihis sakin? May gumalaw ba sakin?" napayakap ako sa sarili ko.

"Ma'am tatawagin ko lang po si sir. Siya nalang po ang tanungin niyo." tuluyan nang lumabas si manang ng kwarto. Sumandal ako sa headboard at ininda ang sakit ng ulo ko. Maya maya pa ay nakarinig ako ng mabibigat na hakbang papalapit sa kwartong ito.

Umayos ako ng pagkakaupo at hinawakan yung mga unan na handang handa na akong ibato sa kung sino ang papasok. Nang bumukas yung pinto ay pinagbabato ko ng sunod sunod yung pumasok.

"Walang hiya ka!! Anong ginawa mo sakin, ha?! Anong karapatan mong dalhin ako dito!? Anong karapatan mong hawakan ako, ha!?" patuloy ako sa pagbato hanggang sa maubos yung unan.

Nang wala ng lumilipad na unan ay nakita ko ang mukhang hindi maipinta ni Gio. So siya pala? Nasa bahay pala ako ng kumag na to. Hindi kaya... hindi kaya siya rin yung bumato sakin kahapon nung kung anong matigas na bagay na hula ko ay bola ng basketball?

Ibinaba ko ang tingin ko at nakitang nagkalat yung pagkain at nabasag yung mga plato at baso. May yelo rin sa sahig at isang ice pack. Nabasa rin yung sahig dahil sa gatas. Nagkunwari akong hindi naapektuhan at umismid nalang. Hindi ko naman alam na may dala siyang pagkain eh.

Nilagpasan ni Gio yung mga natapon at lumapit sakin.

"Unang una, hindi kita hinawakan. Ang mommy ko ang nagpalit ng damit sayo. Pangalawa, dinala kita dito dahil hindi ko alam kung nasan ang susi ng bahay mo. Hinalughog ko yung bag mo pero wala. Ikatlo, hindi ko sinasadyang tamaan ka ng bola. Naglalaro lang kami ng mga tropa ko sa labas nang biglang napalakas yung pasa ko sa kakampi ko kaya dyan naglanding sa ulo mo. Isa pa, nagmagandang loob na ako para dalhan ka ng almusal at ice pack para sa bukol mo pero anong ginawa mo? Pinagbabato mo ako ng unan." paliwanag niya na ikinakunsensya ko. Pero hindi! Malakas ang pakiramdam ko na sinadya nya yung pagbato niya sakin ng bola.

"Hindi ko naman sinabing dalhan mo ako ng mga ganun ah. Kaya hindi ko yun utang na loob sayo. At ano?! Hindi mo sinasadya?! Ikaw paba Gio?! Nakakadalawa kana sakin. Pag dumating yung araw na mapikon na talaga ako sayo, makikita mo ang hinahanap mo." sabi ko saka dinampot yung bag at uniform ko na nasa upuan katabi ng kama.

Mabilis akong naglakad palabas ng bahay ni Gio. Hindi ko na siya nakitang sumunod sakin at mabuti yon. Paglabas ko ng bahay ay nasurpresa akong katapat lang pala ng bahay ko yung bahay ni Gio. Tumakbo ako at kinapa yung wallet ko sa bulsa ng uniform ko. Doon kasi ako naglalagay ng susi. Agad akong pumasok matapos kong buksan. Mahirap na baka machismis pa ako ng kapitbahay lalo na't ganto yung suot ko.

Pagpasok ko sa bahay ay naligo kaagad ako. Kinailangan ko ring labhan yung oversized shirt at pajama na galing kila Gio. Siguradong kanya to kaya isasauli ko rin agad.

Pagkatapos ay nagdesisyon akong wag nalang pumasok dahil narin sa bukol ko. Matapos kong maglaba ay dumiretso na ako sa kwarto ko at maghapong natulog.

-----

Ano sa tingin nyo? Sinadya ni Gio o hindi?

Not Your Ordinary Cliché StoryWhere stories live. Discover now