Pumasok na sya sa kusina at may inasikaso.

"Yan kasi, sobrang matatakutin." napatingin ako kay Kuya Noel na nang-aasar pa.

"Heh! akala ko ako lang mag-isa sa dorm eh." sabi ko.

Teka, may sakit daw si Alexa? bigla ako napatayo dahil naalala ko na iba pala ang ugali ni Alexa kapag may sakit.

"Oy teka! babalik ka na ba sa dorm nyo? dalhin mo na itong pagkain ni Alexa, pakainin mo at alaga mo si Alexa." patawag ni Tatay Jose.

"Sige po." agad kong kinuha ang tray na naglalaman ng pagkain ni Alexa pati na ang gamot nya.

Bumalik ako sa dorm. Nakita ko si Alexa na nasa tabi ng hagdanan nakahiga.

"Shit! Alexa!" binaba ko muna ang tray sa coffee table at agad na pinuntahan si Alexa.

Ramdam ko agad ang init na nagmumula sa katawan nya. Agad ko syang binuhat na pabridal. Nasa pangatlong palapag ang kwarto nila ni Torey.

Ibinaba ko saglit si Alexa pagkarating namin sa tapat ng kwarto nila para buksan ang pintuan. Binuhat ko ulit sya pagkabukas ko. Dinala ko sya sa higaan nya at inihiga.

"Wait, kukunin ko lang pagkain mo." sabi ko at dali daling bumaba.

Kinuha ko ang tray na iniwan ko at pumanik paitaas. Nilapag ko muna sa tabing drawer nya ang tray. Kumuha ako ng planggana at niligyan ng warm water. Kumuha din ako ng towel tsaka ako lumapit kay Alexa.

Pinunasan ko ang katawan nya. Pinalitan ko din ang damit nya. Syempre nakapikit ako habang ginagawa 'yon. Mahirap na, sapakin pa ako nito.

Pagkatapos ko syang bihisan ay ginising ko na sya para kumain.

"Alexa, wake up." pagising ko sa kanya pero hindi sya gumigising. Ang hirap talaga nito gising kapag may lagnat.

Umupo ako sa tabi nya. "Alexa, gising na." walang nangyari. "Hoy amazona ko. Gumising ka na dyan." talagang ayaw nya. Niyuyuyog ko na ang balikat nya pero ayaw.

Napabuntong hininga ako. Pinagmasdan ko na lang sya. Matagal ko na din hindi sya napagmamasdan na hindi sya tumitingin sakin. Napangiti tuloy ako dahil napagmamasdan ko na ng matagal ang maladyosa nyang mukha.

Ang amo ng mukha nya, parang hindi sya ang Alexa na cold at nakapoker face. Naalala ko nung unang pinagmadan ko sya ng ganito. Dati ang sungit-sungit nya pa non.

"I missed the old Alexa." sabi ko.

Hindi ko muna sya ginising. Ipapainit ko na lang ulit kanila Nanay ang pagkain mamaya. Tumingin ako sa buong kwarto nila ni Torey. Naglibot ako. May nakita akong picture frame ni Torey at Louise, meron pa na kasama nya yung dalawa pero hindi nakangiti si Japan. Pambihira talaga ang bansang 'yon.

Napunta ako sa isang study table. Hindi ko alam kung kaninong table ito dahil dalawang study table ang meron dito. Nagbukas ako ng isang drawer, hindi ako mangingialam, titignan lang.

Una kong nakita ang snowflakes necklace na binili ko noon. Bigla akong napangiti. Mukhang alam ko na kung kaninong table ito. Kinuha ko ang snowflake necklace. Pinagmasdan ko ito ng mabuti. Napangiti ako ng pilit dahil alam ko kung bakit hindi nya ito sinusuot.

Ibinalik ko na ulit sa loob ang kwintas at bumalik sa tabi ni Alexa. Chineck ko ang noo nya. Mainit pa din sya.

Napatingin ako sa mga mata nya na dahan-dahan itong namulat. Napatingin sya sa paligid tapos sakin.

"Hi." nakangiting sabi ko. Pumikit ulit ito. "Alexa, kain ka na muna." sabi ko. Dahan-dahan ulit itong namulat.

"Zoe..." paos na sabi nya.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon