Chapter 10: Paalam

Comincia dall'inizio
                                    

Mga alas nwebe na nung natapos ang lahat, at nagdatingan narin ang mga tao. Agad agad naman kumalat yung balita, sikat din kasi medyo si Tita dito, madami s’yang kaaway at madami din naman s’yang kaibigan, lahat sila nandito ngayon. Di ko akalaing makakaabot kila Aling Hevs ang balita. Andito sila, si Heav ay nandito rin. Lumapit sya sa akin at niyakap ako ng mga ilang segundo. Binigyan ko sila ng kape at biscuit. Ngayon lang dumami ng ganito ang tao dito, sa bahay.

Bakit ganon no? Kung kelan na patay ang tao, tsaka nila gusto dalawin. Sasabihan ka pa ng “okay lang yan”. Tangina, namatay Tita ko, okay lang yan? Hayop ka ba? Hindi mo alam kung matutuwa kaba na nandito sila o hindi e. Pero pinilit kong hindi nalang pansinin. Si Simon naman ay nandun parin. Totoo ang sinabi ni Tita, mabuti ngang tao si Simon o siguro ngayon lang to. Ewan ko. Nakakalito, di ako makapagisip ng tama.

Lumapit sa akin si Aling Hevs at si Heav. Nag-paalam na si Aling Hevs sa akin. “Pasensya na po kayo, Di ko pa nababantayan yung tindahan nyo.” Sabi ko sa kanya. “Wala ‘yun iho. Atupagin mo muna ang mga kailangan mo.”

Sinubukan kong bayaran yung in-advance kong pera pero hindi ito tinanggap ni Aling Hevs. Si Heav naman ay nag-paiwan muna sa tabi ko. Sabi nya ay tinext nya na daw si Sam tungkol sa nangyari. Si Million naman daw ay tulog na. Naririnig kong nagku-kwento si Heav sa akin. Natural na talaga ang pag-kadaldal ng mga babae siguro, kahit si Sam, ang hilig mag-kwento. Hindi ko naririnig ng mabuti yung kinukwento ni Heav dahil wala ako sa utak ko, ang labo ng utak ko. Maya maya ay tumayo na si Heav.

“Alis na ako ha.” Sabi nya. “Gabi na kasi e. Gusto kong samahan ka buong gabi pero hindi ako puwede e. Pasensya na. Parating na rin daw sila Sam, intayin mo nalang ha?”

“Ihahatid na kita.” Sabi ko tapos sumensyas ako kay Simon na s’ya muna ang bahala.

“Got it, boy.” Sabi nya.

“Nako, wag na.” Sabi naman ni Heav.

Di ako sumagot at nagdere-deretso palabas at hinintay s’ya sa may pinto. Di nag-tagal at sumunod narin naman si Heav. Naglakad kami ng onti at sa may labas ko lang naman s’ya ihahatid. Nakita ko si Mang Tray at sinabi kong ihatid si Heav sa bahay nila, sa may siopaoan hindi kalayuan dito. Kitang kita mo sa mukha ni Heav na gusto n’yang sabihin na “Hindi, maglalakad nalang ako.” Pero alam n’ya rin naman na hindi ako papayag. Makatapos non ay bumalik na ako sa bahay.

Nakita ko si Simon na umiiyak pero hindi nya ako nakita. Walang napansin sa kanya kasi s’ya lang yung Amerikano don at halos lahat ng kabaryo namen ay hindi marunong mag-Ingles. Kaya ako nalang ang lumapit sa kanya at hinimas ang likod nya.

“I’m sorry.” Sabi nya. “I’m so sorry.”

“For what?”

“She told me about her plan, that she’s going to kill herself but somehow I couldn’t refuse to her.” Sabi nya. “I’m so sorry. I didn’t know what to do.”

“Where were you?” sabi ko. “When she slitted her throat?”

“Beside her.” Tapos bumuhos talaga ang luha nya. “I was beside her, and I couldn’t fucking do anything.”

Gustuhin ko mang magalit ay hindi ko rin magawa. Walang magagawa ang galit sa mga gantong sitwasyon.

“It was her life anyway.” Sabi ko. “She decided to end it to prolong mine.”

Pinagtimpla ko s’ya ng kape at inabutan ng pamunas para mapunasan ang pawis na pawis nyang mga mukha.

“Who was her” sabi ko “to you, My aunt, who was her to you?”

“She’s my love interest.”

“You did know she’s a prostitute, right? I mean, that’s what I know.”

Kwento ng TaoDove le storie prendono vita. Scoprilo ora