Chapter 23 - Not Unless

338 14 6
                                    

Drake's Side

"TOMORROW WILL be another good day for me pala ha! Anong maganda doon?!"

Nagulat siya nang may tumulak sa likuran niya. Kasalukuyan siyang nasa bahay nila Olwen. Niyaya kasi siya ng huli na mag aral para sa midterm.

Hanep no? Nag aaral pa pala yung dalawang yun?

Both Drake and Olwen are in fourth level of college. Bachelor of Science in Information Technology. Same university but in different campus.

Ayaw kasi ni Quia na may mga matang nagmamasid sa kanya kaya sa ibang campus siya nag enroll.

"Quia?" Nakita niyang parang pagod na pagod ito. "Bakit? Ano bang nangyari? Sa akin ka pa nagagalit?"

"Bakit hindi? Mali naman prediction mo! Naiinis ako sayo!"

Nagtaka siya.

"I already made my decision of okay, I'll give Zejo a chance to make all things right. Pero hindi e, mas lalo pang gumulo!"

"Ano bang nangyari?"

Umupo ito sa sofa. Niyakap ang sariling tuhod saka tumungo.

"Nasuntok ko pa tuloy siya. Nasampal din. Ano ba yan! Nabigla kasi ako e!"

Tatawa tawang tumabi siya dito. "Sinuntok mo si Zejo?"

Umiling iling ito.

"Hindi si Zejo. Si Rodney, isa kong kaibigan. He confessed his feelings for me. Nagulat ako e. Hindi ko napigilan, nasuntok ko siya."

"Sinong sinuntok mo?!"

Nabaling ang paningin nilang dalawa sa kanilang likuran. Si Olwen.

Tumayo siya. "Ang ganda kasi ng kapatid mo. Ayan pinag aagawan na masyado."

"Drake!" Awat ni Quia.

"Hoy! Quia! Iharap mo muna sa akin yang mga yan ha!"

"Ulol! Wala akong ihaharap sayo!" Balik sigaw ni Quia.

"Isusumbong kita kay mama't papa!"

"Sumbong mo!"

Natawa siya. 'Tong magkapatid na'to!

Biglang tumayo si Quia. Paakyat na ito sa hagdan.

"You should choose Zejo over Rodney. He really loves you at alam kong mahal mo pa rin siya," aniya.

Lumingon ito sa kanya. "Ayokong saktan si Rodney. We're friends."

Umiling iling siya. "Tinapos na niya ang pagkakaibigan niyo nang magtapat siya sayo."

Mataman lang na nakikinig si Olwen sa kanila.

"Quia..." tawag ni Olwen sa kapatid. Ngumiti ito. "We love you."

"Kuya..."

♥♥♥♥♥

HALOS MADAPA na siya paakyat ng hagdan ng campus sa pagmamadali. Maaga talaga siyang pumasok. Baka maudlot pa kung patatagalin niya iyon.

Paliko na siya sa hallway nang may mabunggo siya.

Ayan kasi!

"Sorry, miss!" Hinging paumanhin niya dito. Napansin niyang nakatitig sa kanya ang babaeng nabunggo niya, hindi kasi ito sumagot. Galit kaya?

"Ah, miss, a-ano... sorry ha? Hindi ko talaga sinasadya," ulit niya.

Nakauma na ulit ito nang magsalita siya. Ngumiti ito sa kanya.

"Ah, it's okay," anito.

"Ah, sige, mauna na ako," aalis na sana siya nang hawakan siya nito sa braso niya na ikinagulat niya.

Siya'y Magandang Babae Na Lalaki PumormaOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz