Chapter 9

530 26 5
                                    


Nanlulumong napaupo siya sa sahig ng kanyang kwarto. Hindi na niya nagawa pang lumapit sa kanyang kama.

Doon na lang niya isinandal ang ulo sa pintuan ng kanyang kwarto. Nakatingala, tulala.

What life is this?

It’s his entire fault!

Ang tanga kasi niya! He walked away and leave Quia all alone!

Tapos gusto niyang bumalik sa buhay ni Quia! Damn him, really! Ganoon na lang ba kadali iyon!

Hindi niya napansing tumulo na ang mga luha niya. He really needs to cry. Dapat lang!

I’m too plain and simple. I’m not even your tye of girl you like and else… dre mas mukha pa akong lalaki kaysa sa’yo!

Napasabunot siya sa kanyang buhok!

Inis na inis na siya sa sarili niya!

Bakit kasi kailangan pa niyang bitawan ang mga salitang iyon kay Quia!

Look what he had done!

Tinotoo ni Quia ang mga sinabi niya! Nagpakalalaki si Quia! His Quia turned into Prince!

Ang bobo niya!

Mas lalong nakadadag sa bigat ng dinadala niya ang babaeng ‘yon! Ang babaeng tahasang hinalikan ang pinakamamahal niya sa mismong harapan niya!

Who’s she?

Kung nagulat man siya sa ginawa ng babaeng ‘yon, nabasa niya rin ang pagkagulat sa mukha ni Quia.

But they might know each other, nagpatangay kasi si Quia sa hila ng babaeng iyon.

He knitted! Hindi! Hindi siya pwedeng magpatalo sa babaeng iyon! Quia is still a girl! Quia is still his!

-----------------------

“He’s your ex-boyfriend, right?”

Hindi niya inaasahan ang tanong ni Zyleree. Nasa court sila ngayon. She had her practice. Katatapos lang at nagpapahinga siya. Magkatabi silang dalawa sa gilid ng court.

Halos isang linggo na ang lumipas mula nang mangyari ang insidenteng iyon. She almost forgot it kaso biglang pinaalala ng katabi niya.

Isang linggo na rin niyang iniiwasan na mapag-usapan iyon sa kanyang mga kaibigan lalong-lalo na kay Phemie.

Maging tuwing papasok siya, hangga’t maaari, malayo kay Ezekiel ang upuan niya at uunahan niya itong umalis kapag dismissal na.

Ang weird ng pakiramdam niya noong nakaraang lingo. Para siyang may tinatakasan na ano.

“Grabe, ang g’wapo pala ng Ezekiel na ‘yon!” biglang sambit ni Zyleree.

Napasimangot siya “Anong ikina-g’wapo n’on? Mas g’wapo pa ako d’on!”

Zyleree chuckled “Wag mo ngang lokohin ang sarili mo. Grabe, kitang-kita ko ‘yung reaksyon niya n’ong halikan kita. Para akong lalapain sa sobrang pagkakuyom n’ong mga kamao niya,“ natatawa pa nitong sabi.

Pinanlakihan niya ito ng mga mata pero tinawanan lang talaga siya nito.

Bruha…

Zyleree! Zyleree! Zyleree!

She’s her friend since first year high school. Yeah! First year high school. She knows about Ezekiel. She knows about her first boyfriend. Her first break-up.

“Stop laughing, Zyle! There’s nothing funny,” aniya.

Hindi na nga tumatawa kaso makangiti wagas! Hanggang tenga!

Siya'y Magandang Babae Na Lalaki PumormaOù les histoires vivent. Découvrez maintenant