Chapter 31 - Rodney is back!

278 10 0
                                    

"HINDI KA ba magpapalit ng damit?"

Napatingin siya sa suot niya. Naka-jersey pa rin siya. Katatapos lang ng first game niya. Thanks God, nanalo sila. HRM naman kalaban nila sa next game.

"Hindi na. Diretso uwi na naman ako e."

Napakamot ito sa ulo. "Gusto ko sanang kumain muna tayo sa labas. Celebration ba?"

Natawa siya. First game lang naman yun e. "Sige pero magsama tayo ha. Tatawagan ko sina Phemie at Zyleree."

He pouted.

"Sama natin si Zyleree ha?"

Tumango tango ito.

"Ano ka ba! Mabait yun si Zyleree. Trip lang talaga nung asarin ka. Pikon ka kasi e. Gusto mo sama mo rin si Andrew. Panigurado sasabog yung magkapatid na yun."

Peri bigla ang kunot ng mga noo ni Zejo. "Magkapatid?"

Natawa siya sa ekspresyon nito. "Oo. Hindi mo alam?"

"Hindi?"

"Magkapatid yung dalawang yun. Hindi lang halata. Hindi kasi nagpapansinan palibhasa isang taon lang agwat sa isa't isa. Parang kayo ni Phemie."

"Talaga? Yung Andrew na yun hindi sinasabi sa akin kaya pala lakas makapang-asar yung dalawang yun? Magkapatid nga?"

Natawa siya. "Alam mo na namang kumpletong pangalan ni Zyleree no?"

"Zyleree Andrea?"

"Si Andrew. Zebastian Andrew."

"Zebastian?"

Tumango tango siya. "Kaso hindi niya ginagamit yun. Parang kayo lang ni Phemie. Ezekiel Joseph. Euphemia Joyce. Natatawa nga ako e. Bakit naman kami ni kuya, hindi magkadikit pangalan namin?"

Napanguso naman si Zejo.

"E magulang namin may gusto e. No choice."

Natawa siya. "Sige, tawagin mo na sila tapos dito na tayo sa lounge magkita kita. Antayin ko kayo."

Tumango tango ito. "Hanapin ko si Andrew at may kasalanan yun saakin."

"Sige. Sige."

Umalis na ito. Naiwan siyang mag isa aa lounge. Nakita niya ang gitara sa tabi niya. Binigay pala yun ni Phemie sa kanya kanina. Yung babaeng yun nagdadala na ng gitara tapos ibibigay sa kanya. Dalahin pa.

Umiling iling siya. Kinuha niya yun at niyakap. Nagsimula siyang magtipa doon.

♥... Ang pag-ibig, hindi parang cellphone

Pag naluma, papalitan

Ang pag-ibig, hindi parang damit

Pag may bagong uso, papalitan...♥

♥... Kung sabihin kong mahal kita

Yan ay totoo sinta

Huwag na 'wag kang magdududa

Hindi kita binubola

Panghabang buhay ang pag-ibig ko sa 'yo o sinta...♥

♥... Kahit na ika'y pumangit, hindi kita ipagpapalit

Panghabang buhay ang pag-ibig ko sa 'yo o sinta

Kahit na ika'y makalbo, hindi ako magbabago

Aham... Aaham... Aaaham... Aaham...♥

"KAMUSTA KA NA?"

Gulat na napalingon siya sa kanyang likuran ng may biglang magsalita.

Siya'y Magandang Babae Na Lalaki PumormaWhere stories live. Discover now