Chapter 33 - Last More Tears

264 9 0
                                    

(Phemie's Side)

"HOY, PHEMIE!"

Gulat na napalingon siya kay Rizza. Nasa lounge sila sa mga oras na iyon. Wala siya aa kanyang sarili dahil may ibang tumatakbo sa kanyang isip.

"May problema ka ba?" Napatingin siya kay Quia.

Anong sasabihin niya?

Umiling iling siya. "W-wala."

"Sigurado ka?" si Rizza. "Kanina ka pa tulala dyan e. Lalim ata ng iniisip mo?"

"H-hindi," pagpupumilit niya.

"Nasaan nga pala ang kuya mo?"

Nabigla siya sa tanong na iyon ni Quia. Hindi niya alam ang isasagot.

"Si k-kuya?"

Tumango ito. "Oo. Dalawang araw ko na siyang hindi nakikita."

Sasabihin ba niya ang totoo? Na hindi na ito pinapayagan ng mga magulang nila na umalis-alis at magpahinga na lang sa bahay.

"Hindi na rin siya sumasagot sa mga tawag at text ko."

Napaiwas siya ng tingin dito. Anong sasabihin niya?

"E-ewan ko dun."

"Baka busy?" suhestyon ni Rizza.

"Wag kang mag alala, mahal ka nun!" si Joshua.

Napangiti siya. Totoo yun. Mahal ng kuya niya si Quia.

Sinundan niya lang ito ng tingin ng tumayo ito.

"Mauna na ako sa inyo. Pinapatawag kasi ako ni Ma'am Santero ng 1 pm sa may library para sa rehearsal ng contest," paalam ni Quia.

"Oh, sige, good luck!" paalam nung dalawa kay Quia. Ngumiti na lamang siya bago ito tuluyang umalis.

"Nasaan si Zejo?"

Nagulat siya sa tanong ng dalawang kasama niya pagkaalis ni Quia.

"Ha?"

"Nasaan si Zejo? Imposible namang dalawang araw nang hindi nagpaparamdam si Zejo kay Quia," ani Rizza.

Hindi siya nakasagot.

"May nangyari?"

Hindi na siya nakatingin ng diretso kay Joshua sa tanong nitong yun. Hindi na rin niya napigilan ang mga luha niya na nag uunahang bumagsak sa pisngi niya.

"Bakit?" si Rizza.

"Phemie, tropa tayo di ba? Sa lahat ng ayaw ni Quia e yung may tinatago tayo sa isa't isa," si Joshua.

"Si kuya..." pinunasan niya muna ang mga luha. "Si kuya... m-may..." pero napahikbi na siya.

"Ano?" pilit ni Rizza.

"Bakit? Anong nangyari sa kuya mo?" usisa ni Rodney.

"Si k-kuya... naka-a-arranged marriage..."  kahit anong pigil niya, nag uunahan talaga ang mga luha niya.

"Arranged marriage?"

"H-hindi nakakapagtext si kuya kay Quia kasi nagpapahinga siya nitong nakalipas na.dalawang araw. Pinagbawalan siya nina mama at papa na gumamit ng cellphone."

"Bakit siya nagpapahinga?" kunot noong tanong ng dalawa.

"B-bumalik kasi yung s-sakit niya," paliwanag niya.

"Sakit?"

"Congenital Heart Disease."

Napasinghap na lang ang dalawa pagkasabi niya nun. Naitakip ni Rizza ang palad sa bibig. Natahimik na lamang si Joshua sa upuan nito.

Siya'y Magandang Babae Na Lalaki PumormaWhere stories live. Discover now