Chapter 28 - Ms. Handsome

287 12 0
                                    

"OH, ZEJO! Akala ko hindi ka na pupunta eh! Laban na ng HRM vs. BM basketball boys sa court. Nood tayo!"

Naglalakad siya sa hallway nang makasalubong niya si Andrew. Ngumiti lang siya dito.

"Nakitao ba si Sam?" tanong niya dito.

"Sinong Sam?" takang tanong nito.

Napakamot na lang siya sa kanyang ulo. Oh nga pala. "Si Quia?"

Andrew smiled at him teasingly.

"Baka nasa lounge."

Tumango tango siya.

"Sabay na tayo. Papunta na rin naman ako sa court eh."

"Sige."

Tahimik lang silang nqglalakad sa hallway nang biglang huminto si Andrew. Huminto ito sa tapat ng isang bulletin.

"Ano yan?" usisa niya.

Umiling iling ito. "Grabe, ang gu-gwapo. Sayang!"

Kinunotan niya ito ng noo. "Anong pinagsasabi mo?" Nakitingin na rin siya sa bulletin. Napansin niyang punong puro larawan ang mga nandoon. "Ano ba yan?"

Tunapik siya ni andrew sa balikat. "Hindi mo ba alam ang tungkol dyan?" Tinuro pa ang title ng bulletin. "Ms. Handsome Intramural Contest 2014."

Ms. Hansome?

Contest?

"Tapos?" aniya.

Tinawanan lang siya nito. "Halika!" hinila siya nito palapit sa isang larawan. "Titigan mo."

Tinitigan naman niya.

There's a guy sitting back at the wall wearing a tight black pants and a white polo plus a checkered necktie. Naka-black rubber shoes. Nakapangalumbaba. Astig ang dating! Malinis tingnan. Ayos! Pwede na. Gwapo nga!

But wait?

Pamilyar sa kanya ang pormang yun ha? Kumunot noo siya. Ms. Handsome? Miss? Babae?

Nagulat siya nang bigla siyang binatukan ni Andrew.

"Oh ano? Narealize mo na ba?" tanong nito.

Pero hindi na niya ito pinansin bagkus ay dire-diretso siyang umalis. Sa lounge ang punta niya.

Narinig pa niyang tinawag siya nito pero hindi na niya ito inintindi.

Napailing siya. That's impossible! Si Quia?!

Nakita niya ang isang lounge kung nasaan ang kapatid niya at ang iba nitong kaibigan. Doon siya tumuloy.

"Si Sam?"

Nagkatinginan ang mga ito. Nagulat sa biglang pagsulpot niya.

"Sam?" ulit ni Rizza.

Napakamot siya. "Si Quia?"

"Bakit, kuya?" si Phemie.

"Nakita niyo na ba siya?" aniya imbes ma sagutin ang kapatid.

Umiling iling si Joshua. "Hindi pa, 'tol. Baka busy sa intrams. Player yun e."

Lalo pa siyang napakamot sa kanyang ulo.

"Ano bang problema mo, kuya?" Nahahamigan na niya ang inis sa boses ng kapatid.

Tumingin lamang siya.

"Tatawagan ko na lang si Sam," suhestyon niya.

"Hindi na kailangan, Joseph."

Bigla siyang napatingin sa kanyang likuran. Right there, Sam is standing.

Umupo ito sa lounge.

"Bakit?" anito.

Tiningnan niya ito. "Bakit kasali ka sa Ms. Handsome Contest na yun?"

Napatingin ito sa kanya pati ang ibang tao sa lounge na yun.

"Biglaan lang yun," ani Quia.

"Biglaan?"

Tumango tango ito. "Oo, biglaan. "

"Bakit ka sumali?" pilit niya sa tanong na yun.

"Pinatawag kasi ako ni ma'am Santero sa library kahapon. Hindi ko naman alam na photoshoot na pala yun para sa contest na yun e," paliwanag pa ni Quia.

"Pwede ka namang tumanggi," aniya.

"Sabi ko nga di ba, biglaan. Sabi kasi ni Ma'am may potential daw akong manalo," nakapangalumbaba na ito.

Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" sunod niyang tanong.

"Nakalimutan ko."

"Nakalimutan mo?"

Napatitig sa kanya si Quia. "Galit ka ba?"

"Ano bang problema mo kuya? Hindi lang nasabi ng maaga, galit ka na agad?" sapaw pa ng kapatid niya.

"Hindi ako galit," aniya pero labas sa ilong.

"Hindi ka pa galit ng lagay na yan?" Si Rizza.

"Hindi ako galit," giit niya. "Naiinis ako!" Sabay walk-out.

Bahala na.

"Zejo!" Narinig pa niyang tawag sa kanya ni Quia.

~~~~~

"ANONG PROBLEMA nun?"

Nagkibit balikat lang si Phemie sa kanya. Napakamot siya. Yang Joseph na yan, nagiging madalas ang tampo sa kanya ha!

"Ano ka ba? Malamang, narealize niyang nalalamangan mo siya," biglang singit ni Rizza.

"Nalalamangan," ulit niya.

"Nalalamangan, in the way that you are the girl and he's the guy," dugtong pa ni Rizza.

Kaso mas lalo pa siyang naguluhan. "Tapos?"

Iiling iling si Joshua. "E, kasi nga po siya ang lalaki pero ikaw pa yung kasali sa basketball, tingnan mo nga yang bihis mo?"

Tiningnan nga niya. "Anong problema sa suot ko?"

"Haler, tingnan mo nga yan. Nasanay ka na kasi sa mga panglalaking outpit," si Rizza.

"Tapos ngayon kasali ka pa sa Ms. Handsome Contest na yun. Jusko, mukhang ikaw pa ang lalaki sa relationship niyo," si Joshua.

"Ganoon ba yun?" Si Phemie.

"Ha?" Siya. Na walang nasabi.

"Nakakababa kasi ng ego sa aming mga lalaki yun kung ganoon ang girlfriend namin."

Binato niya ng hawak niyang bote si Joshua. "Itsura mo! Mga nalalaman mo eh!"

"Talaga naman e!" Tatawa tawa pang sabi ni Joshua.

"Hindi ganoon si kuya!" Pagtatanggol pa ni Phemie sa kapatid.

"E ano tawag mo dun?" Bara pa ni Rizza.

"Manahimik na nga kayo!" sawayniya sa mga ito. "Saan sa tingin mo pupunta kuya mo, Phemie?"

Bigla ay napaisip ito.

"Sa bahay, matutulog maghapon."

"Ha?"

"Ganoon yun pag wala sa mood. Magkukulong lang sa kwarto niya."

Humalukipkip siya.

"Anong oras ka uuwi, Phemie?"

Napatingin ito sa kanya. "Ha? Mga tanghali siguro. Wala naman tayong gagawin e."

"Sama ako. Wala pa naman akong laro ngayon e."

Kumunot ang noo nito sa pagtataka pero tumango tango na lang ito.

"Sige."

~~~~~

Siya'y Magandang Babae Na Lalaki PumormaWhere stories live. Discover now