Chapter 34 - Of All The Things

255 9 0
                                    

"MANONOOD BA ang kuya mo mamaya?"

Napalunok siya sa tanong na iyon ni Quia. Nasa lounge sila ngayon ng barkada niya. There are Joshua, Rizza, Quia. And even Rodney is there.

Tumingin siya sa bestfriend niya.

"Ah... s-sabi niya manonood daw siya. P-para sayo," nasabi na lang niya.

Napangiti niya doon si Quia.

Napatingin naman siya sa ibang kasama niya. Halatang umiiwas ang mga ito. Pero si Rodney ay tahimik lang. Wala naman itong alam, sa pagkakaalam niya.

Halata sa mukha ni Quia ang kasiyahan na malamang darating ang kuya niya. Ilang araw na rin kasing hindi nagkikita ang dalawa.

Sana nga.

"Wala na ba kayong practice, Quia?" maya maya ay natanong ni Rizza.

"Meron. Mamaya pa," anito.

Tumango tango si Rizza.

"Pero naalala ko may gagawin pa pala ako sa library. Strict kasi si Ma'am Santero, dapat daw manalo ako," natawa pa ito sa sinabi.

"Oo nga. Dapat manalo ka," si Rodney.

"Mauna na ako," paalam ni Quia.

"Good luck," tangi niyang nasabi bago ito umalis.

"Darating ba talaga ang kuya mo mamaya?"

Napatingin siya kay Rodney. Maging sina Rizza at Joshua rin.

"Ah? O-oo. Sabi niya pupunta siya."

"Hie niya pwedeng biguin si Quia. She needs him," anito.

Tumango tango siya. "I know. At alam kong alam din yun ni kuya."

"May tinatago kayo kay Quia."

Kinabahan siya bigla sa sinabing iyon ni Rodney.

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Rodney..."

"Tol..."

"Wag niyo na nga siyang pagtakpan! Alam kong may mali!"

Natahimik siya.

"Pupunta ba talaga ang kuya mo?!"

-------

NAPAUPO SIYA sa isa sa mga upuan sa library. Nahulog siya sa malalim na pag iisip. Nararamdaman niyang may itinatago sa kanya ang mga kaibigan niya lalong lalo na si Phemie.

She felt something's wrong.

May nangyari ba? Bakit hindi nagpaparamdam sa kanya si Zejo? Pupunta ba talaga siya mamaya?

Ang daming tanong ang tumatakbo sa isip niya. Ayaw naman niyang mag isip ng masama. Ayaw niyang maudlot ang contest niya mamaya.

She has surprise for Zejo kaya gusto niyang pumunta ito at manood.

---------

Siya'y Magandang Babae Na Lalaki PumormaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon