Mr. Hot Fudge Sundae!

544 13 0
                                    

I have waited for you for four years and I will wait for you for the rest of my life. Even if that means I have to give you up for the rest of my life, I will wait for you. I love you that much and nothing will ever change that.

Pero mukhang katulad lang din ng dati. Mag-aantay na naman siya ng apat na taon o mas matindi higit pa sa apat na taon.

Zejo went to States for further operation. A heart operation. Nito niya lang din nalaman. Kaya pala. Kaya pala iniwan siya nito dati para magpaopera at ayaw ni Zejo na malaman niya. At ngayon naman, bumalik ang sakit na iyon.

Naalala niya ang sinabi ng mama ni Zejo sa kanya bago ito tuluyang umalis.

"I know you are my son's girlfriend. Hindi namin kami tutol. Ang gusto ko lang, hayaan mo muna kaming dalhin siya sa States dahil doon siya gagaling. Pinagbigyan na namin siyang makauwi, sana pagbigyan mo naman kami ngayon."

She has no choice. Para rin naman sa ikabubuti yun ni Zejo. Bakit naman niya pipigilan yun?  Masakit man maiwan pero kakayanin naman niya yun e?

Kaya nga ba?

She smiled, yung pilit. Para matakpan yung kalungkutang pumapaloob sa puso niya. Miss na miss na niya si Zejo. Pero kaya pa naman niyang magtiis. Pinanghahawakan niya ang mga ipinangako nitong babalikan siya. Babalik si Zejo para sa kanya.

But it's almost four years? Nasaan na yung pangakong yun? Hindi na nga niya alam ang dapat isipin. Aasa pa ba siya o hindi na? Wala na rin kasi siyang contact dito. Hindi na rin niya matawagan si Phemie. Ganun na lang. Isang araw, hindi na niya nakausap si Zejo. Ni hindi rin ito tumatawag. Hindi naman siya nagpalit ng number e.

Kagat labing napangiti na lang siya ng mapakla. Kahit ano namang gawin niya, napapaiyak na lang siya. Para bang mauuwi rin pala sa wala ang lahat. Ang lahat ng pinag antay niya.

Pupunas-punas niyang hinawi ang mumuntik nang bumagsak na luha niya. Nasa public kasi siya. At mag isa lang siyang nakaupo sa mesang iyon sa Mcdo. Oo. Doon sa Mcdo. Sa tabi ng bintana.

"Ma'am," narinig niyang tawag sa kanya ng isang crew doon pero hindi siya lumingon hanggang sa nakita na lang niyang may naglapag ng isang baso ng hot fudge sundae sa mesa niya.

Isang note naman agad ang nakapukaw ng pansin niya na nakadikit doon sa sundae.

SMILE! ^^

Iyon. Iyon yung nakalagay.

Dali niyang nilingon yung crew pero wala na. Hindi niya alam kung sino sa mga crew'ng nagwawalis, nagpupunas ng mesa o nagse-serve ang naglagay ng sundae na iyon sa mesa niya.

Tinitigan na lang niya yung sundae. Hindi naman kasi siya umorder e bakit binigyan siya? Malay niya ba kung nagkamali lang yung crew.

Napangalumbaba na lang siya habang titig dun sa sundae nang nagulat siya nang may biglang lumipad na papel sa mesa niya.

Eroplanong papel.

Ano ba naman yun? Nagpalinga linga siya. Teka? Wala namang bata dito ah? Alas nuwebe palang kasi at hindi pa labasan ng mga estudyante sa katabi nitong paaralan kaya saan galing itong eroplanong papel?

Balik tingin na lang siya sa kanyang mesa. Kinuha niya yung eroplanong papel. Hindi naman niya alam kung anong nag udyok sa kanyang buklatin iyon.

Pero biglang nanlaki ang mga mata niya pagkabasa sa nakasulat doon.

NATUTUNAW NA YUNG SUNDAE.

Hindi naman sa kanya yun e! Wala siyang inorder na sundae!

May nantitrip ata sa kanya. Bahala nga siya sa buhay niya! Wala siyang oras para makipaglokohan.

Siya'y Magandang Babae Na Lalaki PumormaUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum