Chapter Thirteen

150K 2.5K 184
                                    


"MISS, I want a bottle of this please." Nagjoyride siya upang mawala ang agiw na nasa utak niya dahil sa totoo lang sumasakit na ang ulo niya sa dami ng mga pangyayari sa buhay niya. Her mom, her ex-fiance, their children, her dad, her friends, Allyxel and herself, lahat ng iyon ay problema para sa kanya.

At habang nasa biyahe ay huminto siya sa isang pharmacy and tried to buy her vitamins. Tiningnan iyon ng attendant and excused herself to get her orders. Gusto niyang makausap si Allyxel ngayon dahil gusto niyang linawin ang lahat.

Their relationship is not clear, medyo magulo... super magulo.

"Heto po ma'am." Ibinigay sa kanya ng attendant ang isang parehong bote ng kanyang vitamins. Remembering na ilang araw na siyang hindi nakakainom ng gamot ay binuksan niya iyon and asked for mineral water. But when she opened the bottle ay ibang kulay ng gamot ang laman dun. Iyong dati kasi maliliit na tablet na kulay puti pero ang nasa loob ng gamot ay ibang kulay. It's orange and bigger.

"Miss ito ba iyong laman nito? Orange ba talaga ito?" she inquired.

"Yes, maam orange po talaga ang laman ng canister."

Orange? Tiningnan niya ang dating lalagyan at iyong bago, pareho talaga. Walang pinagkaiba maliban sa laman. Then she remembered na may isa palang naiwan na tableta dahil nahulog iyon. Kinuha niya iyon at ipinakita sa attendant.

"Kasi miss dati ito iyong laman ng canister are you familiar with this?"

Tiningnang mabuti ng babae ang pinakita niyang gamot dito. "Yes, maam pamilyar po ako sa gamot. Pills po ito eh."

Kumunot ang noo niya. "Pills?"

"Opo ma'am, pills poi to. Iyong pamparegularized ng hormones at pampaprevent para mabuntis."

Napalunok siya sa sinabi nito at mas lalong kumunot ang noo niya. Impossible naman iyon, napaka-impossible talaga kasi alam niyang hindi magsisinungaling si Allyxel sa kanya. She trusted him at he won't lie to her.

"Pwede bang bigyan mo ako ng isang bote ng ganito?"

"Wait lang po maam." Kinuha na nito ang nirerequest niya. after she made a payment ay tiningnan niyang mabuti ang mga gamot and she can tell na kung anuman ang iniinom niya dati ay pills nga.

Alam ba ni Allyxel na pills iyon?

Kailan? Bakit? She felt betrayed and cheated. Bakit nito nagawang ibigay sa kanya ang pills kung ang plano nila ay magkakaanak sila? Pinaglalaruan lang ba siya ng lalaki? Gusto lang ba nitong pagsawaan siya at ayaw talaga nitong magkaanak sa kanya?

Nag-init ang talukap ng kanyang mga mata at nag-init ang kanyang lalamuna. Nais na niyang umiyak pero pinigilan niya ang kanyang sarili. Kailangan na malaman muna niya ang totoo bago siya mag-jump into conclusion.

Kinuyom niya ang mga palad at bumalik sa kanyang sariling sasakyan. Isang destinasyon lang ang tinatahak niya ngayon at iyon ay ang opisina ng binatang magpapaliwanag sa kanya sa nalaman niya.

Mabilis siyang nakarating sa VAF as usual at dahil free access siya doon kaya napakabilis ng pagpasok niya. Hindi niya pinansin ang mga nakakasalubong niya dahil gusto niyang makausap agad si Yxel. Pakiramdam niya ay susugod siya sa giyera sa kanyang gagawin.

Pagdating niya sa opisina nito ay wala si Emily kaya papasok na sana siya sa loob ng opisina when she heard Allyx's voice talking with Yael. They aren't talking with business but with something else na involve ang kanyang pangalan.

Marked Series 1: Destined To Be Yours  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon