Chapter Three

186K 3.3K 131
                                    

"SOMEONE'S calling." Turo ni Ray sa cellphone niyang kanina pa umiilaw. It is an unknown number pero nalaman niya sa secretary niya number iyon ng binatang nakaharap niya two days ago.

"Sagutin mo Ray." Utos niya dito sa kaibigan. Ayaw nitong inuutusan pero dahil magkaibigan sila kaya sanay an ito. "Kumakain ako."

"Anong sasabihin ko?"

"Sabihin mo nasa critical na lagay ako ngayon kasi na-hold up at nagang rape ako two days ago." It wasn't a good joke kaya lang hanggang ngayon ay naiinis pa rin siya sa lalaki. Gusto lang niya itong takutin.

"What?! Gagawin mo pa akong sinungaling." naiiling na palatak nito pero kinuha ang kanyang cellphone at sinagot ang tawag. Nagpatuloy siya sa pagkain ng kanyang sunny side-up egg at pritong itlog. Tiningnan niya ang reaksyon ng kaibigan habang kausap si Allyxel. Napatawa siya sa pagkakakunot ng noo ni Rayleigh tapos ay nailing na sinagot ang kung anuman ang sinabi ng lalaki sa kabilang linya. "Sorry this is not Bree, this is her friend Rayleigh. Nasa hospital si Beatrice dahil nahold-up at na-rape daw siya two days ago." Kinilabutan siya sa sinabi ni Rayleigh. Oo nga at siya ang nagsabi na sabihin iyon dito pero hindi pa rin niya iyon gustong marinig lalo pa at associated sa kanyang pangalan.

"Uh? Naconfine sa hospi—sa condo—ay bastos binabaan ako ng telepono. Sino ba iyon?" inis na ibinalik nito sa kanya ang cellphone.

"Anong sinabi?"

"Nagmura lang nagmura."

"Sinabi mo kung nasaan ako?"

"Yup, tinanong niya kung saan ka naconfine. Sinabi ko sa hospital pero nalito ako sa tanong niya dahil ang bilis niyang magsalita kaya sa condo mo ang nasabi ko."

"What?!"

"My eardrums!" tinapik-tapik nito ang eardrums nito. "Kapit lang kayo mga drummie."

"Bakit sinabi mo na nasa condo ako?"

"Hindi na iyon pupunta dito magtatago na iyon. Sa tingin ko sa mga lalaking may ganoong boses ay hindi makakapagkakatiwalaan." Nagdududang bumaling ito sa kanya. "Sino ba iyon? Lalaki mo iyon ano? Gwapo ba? Naka-one-night stand mo? Magkakababy ka na ba sa kanya?"

Binato niya ito ng toothpick, "Kadiri ka Rayleigh. Hinid ako makikipag-one-night stand sa lalaking iyon. Gusto niyang ipinta ko ang mommy niya kaya lang alam mo naman na wala ako sa mood na magpinta ngayon at baka madisppoint ko lang ang mommy ni Allyxel."

Tumango-tango si Rayleigh na tila may naintindihan sa sitwasyon niya pero she doubted it. May ibang lamang ang isip ng kaibigan at sigurado siya doon.

"Hindi mo siya pupuntahan?"

"Why should I? Siya ang may kailangan siya dapat ang maghanap sa akin." At inubos na niya ang orange juice niya at pasimpleng dumighay. "Thanks sa foods sana bukas iba naman." Naaala niya na ngayon siya susunduin ni Allyxel upang makausap ang mommy nito.

"Matutulog na ako."

Pumasok siya sa silid niya at mabilis na humiga at nakaidlip na rin agad. Hindi niya napansin na may lumagabog na pumasok sa silid niya.

"What the hell with that joke Bee!?" naitakip niya ang unan sa kanyang teynga. Sumakit ang sentido niya sa biglaang pagsigaw nito. Alam mo iyong antok na antok ka tapos may biglang gigising sa iyo nang nakasigaw.

"Rayleigh ano ba? Patayin mo nga iyang maingay na iyan I am sleeping." Kinumutan niya ang sarili niya at mas idiniin ang unan sa mukha niya.

"Frenny, may bisita ka."

Marked Series 1: Destined To Be Yours  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon