Chapter Nine

185K 3K 108
                                    

A/N: Please read at your own risk, this chapter is not suitable for readers who are 18 and below. Thank you!

            "OH MY GOD!" Muntik na siyang mapamura nang makitang sobrang dami ng mga missed calls and unread text messages sa kanyang cellphone. Tiningnan niya ang caller niya, hindi na siya nagtaka nang mabasa ang pangalan ni Allyxel sa kanyang phone history.

"May nangyaring ba kay Allyxel?" bumangon ng kaba sa kanyang dibdib. Bago pa niya mabuksan ang isang unread message ay tumunog ang kanyang cellphone mula sa isang unregistered number.

"Hello?" takang sagot niya. Inipit niya sa pagitan ng pisngi at balikat ang cellphone habang inaayos ang pagkakatali ng buhok. Halos dalawang araw na siyang nagkulong sa kanyang studio. Muling bumalik ang drive niya sa pagpipinta at nanghihinayang siyang hindi sulitin iyon. Natapos niya ang mga paintings na hindi niya matapos-tapos dati.

"Thanks God sinagot mo na rin Miss Bree."

"Sino ito?"

"Secretary ho ni Sir Ventura, Miss. Kahapon ko pa po kayo sinusubukang tawagan pero hindi ko po kayo macontact. Maam pwede po ba kayong pumunta dito sa opisina? Si Sir po kasi." Muling bumangon ang kaba sa dibdib habang iniisip si Yxel. Alam naman nito na nasa gallery siya ayaw nga lang niyang paistorbo.

"May nangyari bang masama sa Sir niyo?"

"Maam, kasi nangteterorize na po si Sir at ilang empleyado na rin ang nawalan ng trabaho dahil sa init ng ulo niya. Ngayon po ay kaaway niya si Sir Yael at si Sir Dale. Sabi po ni Sir Miggy ikaw lang po ang makakapagpawala sa init ng ulo ng boss namin kaya po maam nagmamakaawa kaming may trabaho pa na pumunta na po kayo dito."

Napakunot siya ng noo. "That's crazy kausapin niyo iyong boss niyo baka tinupak lang iyan."

"Maam, nangbabato po si Sir kapag galit."

Sure kang ako? Baka naman magalit pa sa akin iyang amo niyo."

"Naku maam promise hindi po." Bahagyang nawala ito sa linya at may narinig siyang pamilyar na boses.

"I don't accept stupid works, now if you don't want to get fired then get out of my sight now. I am giving you one last chance to fix this mess, understand?"

"Y-yes sir."

"Out now! Incompetent." Boses ni Yxel iyon at halata sa boses nito ang init ng ulo. Hindi nga yata talaga maganda ang mood ng lalaki.

"Maam please ho." Boses na ng secretary nito ang narinig niya.

Napabuntong-hininga nalang siya. "Okay, pupunta na ako diyan."

"Naku maam salamat po talaga as in super thank you po." Ibinaba na niya ang phone at kinuha ang mga gamit niya. She grab her car keys and get into her car, mabilis naman siyang nakarating sa VAF ewan ba niya kapag papunta siya doon ay hindi siya nahihirapan, as in walang traffic at walang aberya.

Kinabahan siyang bigla baka kasi assuming lang ang secretary nito at siya agad ang pinapapunta. Di bale na nga sanay na naman siya sa lalaking iyon kapag sinigawan siya nito ay sisipain nalang niya ito.

"Maam may ID po ba kayo?" it's the same guard who tried to stop her from entering the building few months ago.

"Ha? Wait lang-."

"Kayo po si Miss Bree?"

"Opo."

"Miss, pasok po kayo agad. Gusto niyo pong ihatid ko po kayo kay Boss?" gusto niyang matawa ng makita ang pagtwinkle ng mga mata nito.

Marked Series 1: Destined To Be Yours  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon