Chapter Five

156K 3K 77
                                    

MATAMAN ang pagtitig niya sa ginagawang sketch, ilang oras na rin silang nagsisimula sa pagguhit niya. Ang ibang painter ay pinipinta on the spot iyong models nila pero iba siya hindi kasi siya makaconcentrate sa ginagawa niya knowing na may nakamasid din sa kanya. Kaya ang technique niya ay nage-sketch muna siya at iyon ang ginagamit niyang cheating material. Minsan ay kinukuhanan din niya iyon ng picture at nagkukulong siya sa silid niya.

At ilang oras na rin siyang hindi lumalabas sa studio kung saan nila inilatag ang biniling mga gamit. This house is her dream house kaya lahat ng mga bagay na gusto niya ay ginawan niya ng space lalo na ang studio na ito.

Napapikit siya at nagcollect ng mga good energy it is her silent prayer before she starts painting. Inihalo na rin niya ang mga kulay na gagamitin niya she wants this painting to be perfect, gusto niyang sumaya si tita Alley kapag masaya ito hindi siya mangingiming singilin si Allyxel sa gusto niyang kabayaran.

She groaned silently when she remembered what she wants. Natatakot siya pero gusto niya iyon, she wanted to have a baby of her own and he can give that to her.

"Kaya mo iyan Beatrice Gem." Pampalakas loob.

Hinawakan niya ang kanyang paintbrush and start brushing the colors on her empty canvass. Habang tumatagal ay nakikita na niya ang gusto niyang makita sa white canvass. Hindi na niya namalayan na ilang oras na rin siyang nanatili pa doon at tuluyan na siyang pipikit-pikit. Inihinto muna niya ang ginagawa niya at tumayo. Napangiwi siya mangalay ang mga binti niya at nanakit ang puwet niya sa kauupo.

Bahagyang hinilot niya ang kanyang leeg at nagpasyang mamaya pagising nalang niya tatapusin ang painting niya. Naisip niya si Allyxel buong araw kasi niya itong hindi nakita at hindi din ito nangambala sa kanya. Saan na kaya iyon?

Paglabas niya ay agad niyang naamoy ang masarap na bacon, kaya pala dahil pasado alas sais na ng umaga. Kaya naman pala bumagsak na ang katawan niya dahil sa more than twenty-four hours din siyang buhay na buhay. Sinabihan niya ang mga katulong na hindi siya abalahin sa kanyang ginagawa.

"Sinabi ko naman sa iyo masaya doon ikaw lang naman ang ayaw pumunta." Narinig niya ang boses ni Yelena ng sumilip siya ay nakita niyang kausap na naman ito ni Allyxel. May pumitik sa sentido niya ng makita na naman ang ayos ng dalawa, super close kasi. Kulang nalang ay magpalit ng kaluluwa ang dalawa. Ang aga-aga naglalandi na.

At bakit ka galit?

Hindi siya galit! Dala lang siguro ng pagod at gutom ang nararamdaman niya inis. Ipinilig niya ang kanyang ulo at pumasok na sa kitchen. Naabutan niya doon si Miggy na kasama na ang mga magulang nito.

"Good morning po." Kahit na matamlay ay sinubukan niyang pasiglahin ang boses niya.

"Hija, mabuti naman at lumabas ka na sa studio. Katok kami ng katok doon hindi ka naman sumasagot."

"Pasensya na po tita kapag nasa trabaho kasi ako hindi ko na namamalayan ang oras at ang mga tao." Hingi niya ng despensa dito.

"Magpahinga ka rin darling baka mapaano ka pa." nag-aalalang wika nito. She really loves it when this woman takes care of her, she reminds her of her mom.

"Good morning Mommy All!" masiglang bati ng pinakaiinisan niyang boses sa buong mundo.

"Good morning Yelena and good morning too son, hali na kayo at kumain na kayo ng almusal." Hindi na niya pinansin ang dalawa baka kasi kapag nakita pa niya ang mga ito ay tuluyan na siyang maubusan ng energy.

Marked Series 1: Destined To Be Yours  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon