"Naligaw ng landas." natatawang sabi ni Ate Abby. "Akala nya daw ito ang yate ni Dawn kaya dito sya sumakay, yun pala naiwanan na sya." tuwang tuwa pa sya sa nangyari.

"Hahatid ko na lang sya mamaya." sabi ni Ate Ella.

Tumango ako kahit na nagtataka ako sa nangyayari. Nagpaalam silang dalawa na aalis na kaya isinara ko ang pintuan.

"Kamusta ang puso?" tinignan ko ito kung ako ba kinakausap nito dahil nasa cellphone nya sya nakatingin.

Hindi ako sumagot kaya napatingin sya sakin. "Tinatanong kita." ako nga kausap nya.

"Okay lang."

"Liar." bwisit.

Hindi na lang ako nagsalita. Lumapit ako sa kanya.

"Usog ka." sabi ko sa kanya at umusog naman sya.

Humiga ako sa tabi nya at pumikit. Inaantok pa ako.

"Maganda ka pala kapag nakapikit." bigla ako napamulat dahil sa sinabi nya. Tinignan ko ito at nagulat ako dahil sobrang lapit nya. As in sobrang lapit talaga.

Hindi man lang sya lumayo kahit na nakatingin ako sa kanya. Malaya ko tuloy sya natitignan sa malapitan. Hindi ko aakalain na sobrang ganda pala talaga ni Astra kahit na nakapoker face ang mukha nya.

"Ikaw ang maganda. Kahit hindi ka nakapikit." masuyong sabi ko. Napangiti naman ito. Nahawa ako sa ngiti nya kaya napangiti na din ako.

"I know." grabe.

Natawa na lamang ako. Lakas eh, hindi man lang nagpa-humble.

"Zoe."

"Hmm?" sobrang lapit pa din nya pero hindi din naman ako lumayo. Comfortable ako na ganito sya kalapit sakin. Ewan pero ganito ang nararamdaman ko sa kanya.

"Gusto mo ako 'no?" nakangisi nitong nagtanong. Namula naman agad ang dalawang pisngi ko. "At gusto mo akong halikan."

"Hoy! kapal ah." taena, paano nya nalaman? masyado na ba akong obvious? "Te-teka!" nataranta ako dahil pumaibabaw sya sakin. "A-Astra.."

"Manyak ka alam mo ba 'yon?" shit bakit biglang naging husky ang boses nya?

"A-anong pinagsasabi mo dya-dyan?" naiilang ako sa tingin nya kaya naglilikot ang mga mata ko kung saan-saan tumitingin.

"Ohh?" napalunok ako dahil sa boses nya. Boses palang! "Hindi ba't tinitignan mo ang katawan ko nung nasa hotspring tayo?"

Umiwas ako ng tingin dahil naalala ko ang part na 'yon. Nahuli nya ako non eh.

"May nakita ka." may ngising mapanukso sa mga labi nya.

"Wa-wala ah.." sabay iwas ko ulit sa tingin nya. Shit. 

Nanigas ako sa ginawang paghalik ni Astra sa leeg ko. Holycow! Hindi lang isang halik ang ginawa nya. Nakailang beses din! Anak ng tinapa, Astra!

Napatingin ako kay Astra dahil bigla itong tumigil. Hindi ako nadismaya ah! nagtaka lang ako.

Nakatulog pala ang isang 'to at nasa ibabaw ko pa talaga habang nakasubsob ang mukha sa leeg ko dahil nga sa paghalik nya don.

"Bwisit ka Astra. Torture ka talaga." sabi ko at hinayaan sya na nasa ibabaw ko dahil ang bigat nya baka hindi ko din sya maalis.

Kalhating oras nung kumatok si Ate Abby na nagsasabi na malapit na daw kami sa pier kaya ginising ko na si Astra. Antok na antok ito at hindi pa bumangon.

Hindi na sya nakadagan sakin kaya inayos ko ang mga gamit ko. Maya-maya naramdaman ko na tumigil ang yate.

Nilapitan ko si Astra at ginising ito. Nagising din naman agad sya. Hindi naman pala mahirap gisingin ang isang 'to. Matagal lang bumangon.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon