"Propose? Tungkol saan?"

"Initiation Stage." 

Natigilan si Jennica at pumasok sa isipan niya ang nakangiting mukha ni Reymond. She let out a heavy sigh at sinabing, "I'm listening."

***

NAPALINGON sa kaliwa si Jennica kung saan tanaw niya si Reymond na kinakausap si Hannah. Iniisip niya ang sinabi ni Oasis at ang alok nito sa kanya, Iyon na nga lang ba ang tanging paraan?, hinarap niya ulit ang lalaking may suot na maskarang silver, "Bakit ko pa kailangang isekreto sa kanya?"

"Gusto mo bang isipin niya na sumuong ka sa Initiation Stage para lang mapaamin siyang mahal ka niya?"

Napayuko ang dalaga at naisip na may point nga si Oasis. Baka isipin nga ni Reymond na desperada na siya kaya gusto na niyang sumabak sa Initiation Stage. Ayon kasi kay Oasis, Reymond is just holding back his feelings for her dahil umano ayaw siyang mabiktima ng binata ng 'The Risk' and the only way to stop the agony of Code Ideal is her transformation to Code Technique IV at ibig sabihin noon ay kailangan niyang mapagtagumpayan ang Initiation Stage.

"Jen, don't you trust me?"

"Yes Oasis. I don't trust you. Alam ko kasing nagsisinungaling ka tungkol doon sa pulang kemikal na pina-test ko kay dad."

"It's really nothing Jen. At least, it's beyond your concern."

"May pakialam ako roon."

"Look." exasperated na bumuntung-hininga si Oasis, "Gusto kong isipin mo na si Reymond ang gusto kong tulungan at hindi ikaw." binitiwan na niya kamay at bewang ng dalaga sa sinabing, "12 midnight at the Hell Unit. Maghihintay ako. Magandang gabi."

Sinundan na lamang ng tingin si Oasis na naglakad na papuntang entablado. Naiwan siyang nag-iisa at nakatulala, iniisip kung tatanggapin ba niya ang alok nito.

"Jen?" hinawakan ni Reymond ang mga kamay ng kanyang nobya na ramdam niyang nanlalamig kaya dinala niya ito papunta sa kanyang mga labi para halikan, "Ayos ka lang ba?"

Ngumiti ng alanganin si Jennica at inilapat ang ulo sa dibdib ng binata.

Nagulat man sa inakto mg dalaga ay niyakap na lamang ni Reymond si Jennica. Alam niyang naririnig nito ang tibok ng kanyang puso. Ang tibok na para sa nobya lamang.

"Ehem!"

Nang marinig ng dalaga ang pagtikhim na iyon ay agad siyang nagtangkang kumawala sa pagkakayakap ni Reymond pero sa kasamaang palad ay mas hinigpitan ng binata ang pagyakap sa kanya, "Reymond!"

"Ako ang date niya Reymond."

"Eh ano ngayon? Ako naman ang boyfriend niya."

Rinig ni Jennica ang bangayan ng dalawa kaya nagpupumiglas talaga siyang kumawala sa binata hanggang sa binitawan na nga siya nito, "Ugh. Daig niyo pa ang mga babae kung mag-away. Suntukan na lang o? Ewan ko sa inyo." saad niya saka nagwalk-out.

"Teka Jen! Saan ka pupunta?" sabay pa talagang tanong ng dalawa.

Inis siyang lumingon ulit sa mga binata at nakacrossed-arms na sumagot, "Sa Pluto. Magsusumite ako ng petisyon sa mga kabaro niyo na pauwiin na kayong dalawa sa planeta niyo." tuluyan na talaga niyang iniwan ang dalawa. Sa kakalakad niya ay naisip na naman niya ang offer ni Oasis, Ano na nga ba?, "Ouch!"

"Oops!"

Napapikit si Jennica dahil akala niya ay madadapa siya na una ang mukha. Nang dahil kasi sa katangahan niya ay may natapakan siyang paa na dahilan na rin ng pagka-out balance niya. Hinihintay niya talagang lumagapak ang mukha sa sahig pero hindi ito nangyari.

The Philosopher Stones (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon