LAST CHAPTER

7.4K 162 55
                                    

Third Person POV

"Babe! Ang tagal mo naman.. kanina ka pa sa loob ah." Sigaw ni Jho na sinamahan pa ng katok sa pinto.

"Saglit lang." Balik naman ni Bea na nasa loob pa rin. Halos manginig na ang buong katawan niya habang nakatungkod ang dalawang kamay sa may sink. Ramdam niya ang bawat kabog ng kanyang dibdib maging ang pawis na namumuo sa kanyang noo.

"Ano ba kasi yang ginagawa mo diyan?" Naiinip na tanong ni Jho. "Nawewewe na kasi eh. Hoy! Bea."

"Sa kwarto ni Lovelle ka na muna maki-cr, please Babe."

"Bea ha! Buksan mo nga ito." Hindi na rin mapakali si Jho dahil halos mag fi-fifteen minutes na ding nasa loob si Bea.

"I'm okay Babe, I promise." Pag aasure naman niya. She is looking at herself at the mirror at napahawi sa kanyang buhok para pakalmahin ang sarili.

"Pagbalik ko dapat nakalabas ka na."

"Promise."

--------

Jho POV

Wala na rin akong magawa. Sabi niyang okay naman siya ay maniniwala ako dun. Hindi ko din kasi maiwasang hindi mag alala sa kanya dahil kanina pa siya di mapakali tapos pumasok ng banyo at hindi pa din lumalabas.

"Mom! Punta muna ako sa bahay nila Carla ha." Paalam sa akin ni Lovelle ng makita niya akong palabas ng kwarto namin. Kapitbahay lang namin si Carla at since hindi naman school days ngayon ay papayagan ko na.

"Okay. Nak, makikigamit muna ako ng banyo ha. Mama Bea mo kasi ang gumamit ng banyo sa loob."

"Sure Mom."

Pagkatapos kong makigamit ng banyo ay bumalik na ako sa loob ng kwarto namin at nadatnan ko si Bea na nakasandal sa may pintuan.

Napakunot ang noo ko sa nakita ko sa kanya. Namumutla kasi siya saka pinagpapawisan.

Agad ko siyang nilapitan at nilagay sa leeg niya ang likuran ng kamay ko.

Baka kako may lagnat o ano.

Ayoko lang na kung ano ang mangyari sa kanya. Kagagaling lang namin sa doctor nung nakaraang dalawang linggo para masagawa ang procedure para sa IVF at hindi pa din namin alam kung successful ba iyon dahil wala pa din naman namang kakaibang nararamdaman si Bea pero yun nga hindi pa rin namin na test sa pregnancy test.

"Babe? Are you okay?" Agad kong tanong sa kanya ng makalapit ako. Nanatili lang din siyang nakatayo sa pintuan tapos ay tumango tango bilang sagot.

"Namumutla ka ata... Anong nangyari?"

Bumuntong hininga muna siya saka ay hinawakan ako sa kamay para makapasok sa loob ng banya. Giniya niya ako sa may sink. Naguguluhan din akong sumunod sa kanya.

Tiningnan ko din siya habang pumapasok kami sa banyo.

"Jho --" saka ay giniya ng mga mata ang sink kaya sumunod ako doon. Nakita ko ang tatlong PT na nakalapag sa may sink at lahat ng resulta ay --.

"Positive?" Mahinang sambit ko habang nakatingin pa doon. Di ako makapaniwala na sa tatlong PT ay puros positive ang resulta.

"Buntis ako Jho."

Halos hindi ako makagalaw ng marinig ko ang mga salitang iyon. I suppress my tears pero hindi ko kinaya at unti unti na ding nagbabagsakan. Napasapo agad ako sa aking bibig para pigilan ang paghikbi.

"T-talaga?" Medyo pabulong ko pang sabi. Tumango tango lang si Bea saka ako niyakap.

"Im pregnant, Baby." Masaya niyang sabi ulit at napayakap na din ako sa kanya ng mahigpit. Doon ako sa balikat niya umiyak ng umiyak.

The Greatest Story Ever Told (JhoBea Fanfic)Where stories live. Discover now