MISS YOU LIKE CRAZY

3.6K 101 17
                                    

Even though it's been so long
My love for you keep going strong

Bea POV

"Malapit na ako Babe. Malapit na."

Patingin tingin pa ako sa bintana ng eroplano na parang tinatantiya kung papalapag na ba ito. Nakikita ko na ang kaninang ang liliit na mga puno.

Napapangiti ako at napatingin ulit sa front camera ng aking cellphone.

"After 5 years, makakauwi na ako." Ngiti kong sabi. "Makikita na din kita."

"What are you doing Bei?" Untag sa akin ni Maki na siyang naka upo malapit sa bintana. "Ayan na naman! Kausap mo na naman yang cellphone mo."

Pinatay ko nalang yung front camera ng cellphone ko. Ganyan yan si Maki sa akin lagi niya akong sinisita pag kaharap ko na naman yung cellphone ko.

Siguro nagsasawa na siya kakatingin sa akin o minsan siya ang pinapahawak ng cellphone ko para videohan ako.

Gusto ko lang kasing malaman ni Jho kung ano ang mga napagdaanan ko sa loob ng limang taon.

Ang daming nagbago. Lahat pati ang takbo ng buhay ko.

Nang nagkakilala na kami ng Daddy ko ay bumawi siya sa mga panahong hindi niya ako na alagaan.

Lumipat kami ng bahay na mas maganda at hindi gaanong maraming tao. Saka binigyan niya din ng negosyo si Mama Rosa.

Pati si Thirdy ay ginawa niyang personal driver. Gusto niya sana itong pag aralin pero tumanggi si Third, gusto kasi nun na hindi dumedepende sa iba.

And for me, inalok niya akong mag aral sa Canada. Isang linggo ko yung pinag isipan. At sa loob ng isang linggo na yun ay ini stalk ko si Jho. Pumunta ako sa office niya na hindi niya nalalaman dahil nakikipag sabwatan ako kay Maddie.

Pero sa tuwing nakikita ko siya ay hindi ko maiwasang masaktan. Nakikita ko kasi sa mga mata nito ang lungkot.

Hanggang sa mismo sa kasal nila ni Miko ay dumalo pa ako. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa when they're exchanging "i do" in the altar.

Iyak lang ako ng iyak that time at si Maddie at Thirdy ang uma alo sa akin.

Then I decided na tanggapin ang offer ni Daddy.

Pumunta ako ng Halifax, Canada. Dun ako nag aral at kumuha na rin ng M.A.

Nalaman ko ding si Daddy pala ang may ari ng isang sikat na technology brand at may plano nga siya na mas palawakin pa ito sa Pilipinas.

Naka base na kasi siya sa Canada. At doon mas sikat ang company nila.

Habang nag aaral ako, ini encourage niya ako na mag negosyo and napili ko na mag negosyo ng damit at sapatos. Sobrang saya ko kasi pumatok din sa panlasa ng mga Canadian at yung iba mga kababayan ko pa.

Tinulungan din ako ng half brother ko para naman makapag focus ako sa pag aaral ko.

Lagi ding tumatawag si Mama sa akin at kinukumusta ako. Namimiss na niya daw ako at ako din naman sa kanya at buti nalang andiyan si Wena para samahan siya. Sobrang bait ng batang yun dahil hindi din niya pinapabayaan si Mama.

Constant naman ang contact namin ni Jia pati kay Maddie. Lagi din akong nangungumusta tungkol kay Jho at saka minsan nga pag nag vivideo call sila ay palihim nilang i haharap ang camera para makita ko siya.

Sobrang namimiss ko na si Jho at walang araw na hindi ko siya naiisip dito. Lalo na pag winter, sobrang lungkot. Lagi kong pinapangarap na sana kasama ko siya, kasama kong inaabot ang mga pangarap ko. Sana naging masaya kami ngayon.

The Greatest Story Ever Told (JhoBea Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon