THIS TIME (part 2)

3.9K 109 17
                                    

Oh I really don't know just what to say
All I know is that I want you to stay

Jho POV

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Bea.

"Anong behave ka?" Tanong ko sa kanya.

Naging malikot naman ang kanyang tingin at parang nabigla din sa sinabi.

"Ahhh -- i mean -- you know-- umm-- di kita guguluhin -- aasarin -- i mean -- you really have your time in staying here." Pautal-utal niyang sabi saka kinuha niya ang tubig na nasa tabi niya at ininom ito.

Ahh i see. Akala ko naman kong anong behave ang tinutukoy niya.

Naku Beatriz! Wag mo muna akong susubukan ngayon kasi hindi pa din nawawala tong galit ko sayo.

Pumayag lang naman ako ngayon dahil unang una may choice ba ako? Eh andito na to kaya hahayaan ko nalang.

"Teka -- asan yung bag ko?"naalala kong tanong sa kanya.

"Hmm iniwan ko kina Jia -- siya na daw bahala dun."

"Andun yung cellphone ko!"

Pero nagkibit balikat lang siya sa akin saka nagpatuloy sa pagkain.

"Alam mo bang kidnapping tong ginawa mo sa akin Beatriz!"

Napa angat ang kanyang tingin habang nakakunot ang noo.

"Hmm im not informed but thank you for informing me" tapos ngumiti siya.

Akala ko ba hindi niya ako aasarin?

"Kailan mo ba balak ako ibalik?" tanong ko pero nagkibit balikat lang siya.

"Hindi ako nakikipag biruan siya Bea ha." Inis kong sabi.

"Come on, Jho! Relax -- As what I've said you can have your time here but give me 2 days saka ka mag desisyon na babalik ka pa din ba." I can sense what she referring to.

"My daughter needs me." 

"I know." seryoso niyang sabi. 

Pagtapos naming kumain ay nagpumulit si Bea na siya na ang mag ligpit at pinagtutulukan akong maupo na lang sa sofa na nasa sala. Kaya di nalang ako kumontra kasi na rerelax ako sa lambot ng sofa kung saan ako naupo. 

Maganda ang pag kaka arrange ng buong bahay at bumabagay ang interior design sa kabu-an since it is a Cabin in the Wood.

Makikita ko din dito sa sala ang kusina kung saan naghuhugas si Bea ng pinagkainan namin.

Di ko tuloy maiwasan na di siya pagmasdan.

Ang lapad ng balikat niya, ang haba ng katawan niya pati mga biyas niya. Hmm well, she has nice butt.

Gosh! My ex has a nice butt! Dati ko pa yun na a-appreciate eh! Natatawang sambit ng isipan ko. Di ko din tuloy maiwasang hindi ngumiti sa mga naiisip ko.

"Hmm you can watch a movie instead of looking at me." sabi nito. Napairap tuloy ako sa kanya. Lumingon siya sa aking gawi saka ngumiti. "Nasa lamesa yung remote." nguso niya. 

The Greatest Story Ever Told (JhoBea Fanfic)Where stories live. Discover now