ONLY LOVE

4.1K 90 11
                                    

But I can make you see it through,
that's something only love can do.

Bea POV

Matamlay akong bumangon sa kama ko ngayon. Mag aalas sais na ng umaga at pakiramdam ko para akong lalagnatin. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko o dahil ba sa kondisyon ng puso ko ngayon?

Hay! Mapapabuntong-hininga ka nalang talaga. 

Napahilamos pa ako sa mukha ko at nag inat para mabuhay ang katawang lupa ko. Today is another day, another day na parang tanga na maghihintay kong kailan ako kakausapin ng girlfriend ko.

You read that right! 

Lagi nalang kasing busy yun. Laging naka subsob ang attention sa mga papers at phone calls. And the worst thing is she forgot our monthsary!

Kainis!

Hindi nga ako kinausap for the whole day late pang dumating sa dinner date namin sa condo niya. It was supposedly a surprise diner pero parang ako yung nasurprise dahil umuwi na siya by 1am at medyo amoy alak pa. Ang sabi sakin overtime lang siya sa office.

Ewan ko what's wrong o ano bang mali sa akin that all of a sudden bigla nalang nagbago si Jho nung nakaraan araw.

After she had a conversation with Sarah on her office nag iba na siya and I don't know why. I keep on asking her pero she always said na 'wala naman' 'okay lang ako' 'pagod lang, Babe' 'marami lang iniisip' and im really! as in REALLY trying my best to understand her.

Busy naman siya as far as I'm her secretary is concern pero bilang girlfriend niya parang -- parang may nawala!

Nawala yung time namin sa isa't isa. Yung bonding moment namin, yung katulad nung sa dati.

Alam ko namang masyadong naging mabilis yung nangyari sa amin. Ilang araw lang nagkakilala, nagkapalagayan ng loob, naging kami -- basta sobrang bilis at hindi rin madali ang mag adjust.

Sa loob ng isang buwan at isang linggo bilang mag girlfriend ay may mga times naman talaga na hindi kami nagkakasundo pero naaayos din naman namin yun.

But I guess this time, feeling ko, sobrang iba. Hindi man nararamdaman nila Mama, Jia, Maddie yung changes namin pero ako? Ramdam na ramdam ko na may mabigat kaming pinagdadaanan ngayon.

Tumayo na ako at inayos ang kama ko. I ran my fingers through my hair and sigh deeply.

No! I won't give up on that easily unless I need to. Dahil sa pagkaka alam ko, wala naman talagang mabigat at realiable na rason para mag give up ako ng ganon ganon na lang.

I need to fix our relationship! Kahit na maghintay ako sa labas ng office niya or disturbohin siya o kahit punitin ko lahat ng papel na naka kalat sa desk niya ay gagawin ko.

I need to win back my girlfriend. Determinado kong sabi ko sa aking sarili.

Pagkatapos kong maayos ang sa kwarto ay bumaba na agad ako at nadatnan ko si Mama Rosa sa kitchen may nilapag na sunny side up sa table.

Sumisilip ako sa labas dahil baka andito si Jho para sunduin ako but ibang sasakyan na naman ang nakikita ko.

"Good morning Ma" bati ko sa kanya at yumakap saglit tapos ginawaran ng halik sa pisngi.

"Goodmorning Anak... mag breakfast ka na muna para makapag handa ka na sa opisina."

Umupo ako at nagsalin na din ng kanin sa plato.

"Si Wena?"hanap ko sa working student namin. Siya yung pamangkin ni Manang Hydie na nakatira sa hacienda nila Jho. Pagka usap kasi namin kay Wena noong nakaraang linggo ay sumama din siya pagkabalik namin ng Manila.

The Greatest Story Ever Told (JhoBea Fanfic)Where stories live. Discover now